Chapter Forty-Four

388 19 2
                                    

Chapter Forty-Four
/Break/

REALM

Malamig na simoy ng hangin ang humahampas sa akin. Maliliit na nyebe rin ang bumabagsak mula sa kalangitan. Malapit na ang pasko at sana, matapos na namin ang aming mga problema.

"Hoy!" napalingon ako at nakita ang papalapit na sila Trick. Ngayon ay ika-22 ng Diysembre. Wala na ang mga estudyante rito dahil umuwi sila sa kanikanilang pamilya. Pati nga rin si Jasmine, wala dito.

"Akala ko ba sampu? Bat nine lang tayo?" tanong ni Sphere habang lumilinga linga sa paligid.

"Nandito kanina si Whirlwind. Baka na-oo lang. Siya lang kasi nag-iisang bravo dito" sagot ni Sorry.

"Si Quirra rin naman, nag-iisa lang siyang Delta" pangangatwiran ni Sphere.

"Umuwi rin si Whirlwind. Hindi yata nasabihan" napatingin si Sphere at Sorry kay Arc dahil sa sinabi nito.

"Hala! Bakit walang nagsabi?" gulat na tanong ni Sphere.

"Kasi wala. Bobo ka ba?" ani Kiel.

"Luh, ikaw ba tinatanong ko? Bobo ka ba?" napailing iling na lang ako. Nag-away na naman sila.

Naupo kami sa sahig na puno ng nyebe. Napag-usapan kasi namin na tapusin na ang misyon namin bago magpasko kaya nagrerelax muna kami ngayon.

Nagbabatuhan ng snow sila Trick, Sphere, at Arc habang nag-uusap sila Quirra, Hass at Sorry. Si Lux naman ay patagong nakikisali sa pagbabatuhan nila Sphere gamit ang kakayahan niya. Nanonood lang ako sa kanila ng may maramdaman kong naupo sa tabi ko.

"Hoy! May relasyon ba kayo ni Trick?" tiningnan ko naman agad ng masama si Kiel dahil sa sinabi niya ba.

"Relasyon? As in friend relationship?" kunot noong tanong ko.

"Ewan" dahil sa inis ay bumilig ako ng snow at binato iyon sa kaniya. Tumawa lang naman ito.

"Pero okay lang sa akin yang si Trick. Nakakasundo ko naman"

"Ako hindi ko nakakasundo" tumawa naman siya dahil sa sinabi ko.

Wala ng nagsalita sa amin at pareho lang namin tinitingnan ang mga kaibigan namin na masayang naglalaro. Pag nagawa na kaya namin yung dapat naming gawin, ano kaya ang mangyayari?

"Reirei, hindi pa tayo nakakapag-usap as magkapatid" basag ni Kiel sa katahimikan naming dalawa. Nanatili naman ang tingin ko sa mga kaibigan ko.

Oo nga. Hindi pa kami nakakapag-usap ng matino. Hindi ko kasi alam kung paano ako magrereact sa kaniya. Dapat ko ba siyang tawaging kuya? Ano sasabihin ko?

"Bumalik na ba mga ala ala mo?" tanong niya at dahan dahan akong tumango.

"Medyo. Marami pa rin akong hindi natatandaan"

"Eh natatandaan mo nung nakipaghabulan ka sa kabayo tas nangudngod ka sa tae nito?" lumingon ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Tumawa naman ito.

"Eh ikaw? Naalala mo bang ininom mo yung isang baso ng suka dahil nakakain ka ng sili?" siya naman ng tumingin ng masama sa akin at ako naman ang tumawa. "Inom ka kasi ng inom agad"

Blackmage AcademyWhere stories live. Discover now