Chapter Thirty

429 20 1
                                    

Chapter Thirty
/

What happened to the past?/

REALM

Nandito na kami ngayon sa may auditorium ng school para sa awarding. Para naman sa mga baguhan na tulad ko, malalaman na namin ang ranking namin each battle.

"Goodevening students of blackmage academy! You're all here to see who's who" ngayon ay wala na siya sa likod ng speaker, kitang kita na namin ang isang hindi katangkarang babae.

"Before our awarding, let's welcome, Arcadia! The hel of blackmage academy!" after she announced that, a lady that has a full dark aura appear. She's smiling but I can sense danger on her. Somehow like Hassium.

"Goodevening everyone! Thank you for all your hardworks and congratulations!" she said and we all clap our hands.

"Wala yung principal?" tanong ko kay Hassium na katabi ko.

"Syempre wala noh! Pag nandito siya tiyak na madami na agad magtatangka sa buhay niya. Remember? Kailangan siyang patayin para makaalis sa school na toh" sabat ni Sphere na nasa harapan ko.

"Yeah. Saka sabi ko nga, wala pang kahit sino ang nakakakita sa principal. Mamaya, lagi pala natin siyang nakakasalamuha hindi lang natin alam" napatango tango naman ako.

The awarding started. Syempre inuna nila ang section Delta kasi nga 'save the best for the last'.

Inawardan lang naman ang mga kasali sa laban ngayong buwan kaya hindi ganoon kadami. Tantsa ko is nasa 24 silang section at mukhang hindi lalagpas ng 15 ang tinawag.

Nang matapos na sa section Delta syempre section na namin. Isa isang tinawag ang panglan namin habang sinasabi ang rankings namin.

"Kiel, trade battle, tycoon" nakangiti lang si Kiel pero halata ang lungkot sa mga mata nito. Bumaba kasi siya ng isang ranking.

"V.E, trade battle, mostly penniless. Combat, harmless. CQC, mostly helpless" tawa ng tawa si Sphere habang inaawardan si V.E. Puro pangalawa kasi sa huli ang ranks niya.

Halata namang peke ang mga ngiti ni V.E habang kinakabitan siya ng badge. Marami na tuloy nagtawanan sa section namin pero mahina lang naman.

Pagbalik dito ni V.E ay inirapan niya agad si Sphere. Hindi naman ito pinansin ng loko at tawa pa rin ng tawa.

"Sphere, trade, peddler. Exploration, ranger. Combat, expert. CQC, amateur" nagpalakpakan naman ang buong section namin. May kasamang hiyaw pa nga kela Pluck eh.

Mayabang na naglakad si Sphere papuntang gitna. Kinabitan naman siya ng badge at bumalik na agad dito.

Mataas kasi ang nakuhang rank sa exploration at combat kaya mayabang. Nginingitian pa ng ulol si V.E kaya mas lalo itong pumaget, este mas lalo itong nainis.

"Realm, trade, broker. Exploration, ranger. Combat, master. CQC, hero." nang tawagin ang pangalan ko ay lumapit agad ako sa gitna.

Yung Arcadia ang naglalagay ng badge at nginitian niya naman ako. Ang weird pero nakakatakot siya.

"Congrats" tumango na lang ako at ngumiti.

Blackmage AcademyWhere stories live. Discover now