Chapter Twenty-Two

456 22 12
                                    

Chapter Twenty-Two
/Exploration Battle/

REALM

"Saan naman kaya nagpunta ang lalaking yun? Dapat pala ginising na natin kanina" kinakabahang sabi ni Kiel. 

Mag aalas tres na kasi at wala pa rin si Sphere. Nanood kasi kami kanina ng huling laban ng trade battle at natutulog si Sphere kaya hindi na namin ginising. Pagbalik namin dito ay wala na siya.

"Baka kumain sa plaza?" suhestiyon ni Sorry.

"Probably. Mukhang tinamad magluto eh" ani Hassium.

Napagdesisyunan namin na hanapin sana si Sphere kaso nakita namin itong naglalakad palapit sa amin. Kumakaway pa.

"Saan ka galing?" inis na sabi ni Kiel. Sinimangutan naman siya ni Sphere.

"Iniwan niyo kasi akong lahat. Maglalayas na sana ako kaso naalala ko may laban pa pala" pagbibiro nito at napailing na lang kami.

"Magbihis ka na at tutungo na tayo sa may grounds. Bilisan mo at baka mag grand entrance pa tayo roon dahil late na tayo" utos ni Hass.

"Yes boss!" at sumaludo pa ito.

Sakto lang naman ang dating namin dahil sakto rin nag salita ang nasa speaker. I call them like that because we can't see them, we're only hearing their voice thru speakers.

"Goodafternoon players! I'm know you're all aware that this is the exploration battle, battle of minds and teamwork of each section" nakilala ko yung boses niya. Siya yung babae sa trade battle na nag-aanounce rin.

"Guys, masama raw pakiramdam ni V.E" bulong ni Joint.

"Talagang yung maarteng yun" komento ni Sphere.

"Like the 2 previous battle, each section will have 6 representatives. This time, sama sama kayong maglulutas ng mga bagay na haharang sa inyo para makuha ang flag niyo. Yung kulay ng flag niyo is yung color ng section niyo"

"We have no choice. Share, you join" sabi ni Hass at napa-yes naman si Share.

"You can eliminate other players by putting a paint on them but their teammates can revive them by answering a 'save me' riddle. Bahala kayo sa buhay niyo kung anong strategy ang gagamitin niyo pero kung sino ang unang makakuha ng flag at makabalik sa sinimulan nila ng sama sama ang siyang panalo. Now, may I call on the players"

"From section Alpha! We have, Trick, Jenniah, Macy, Mnemosyne, Suzui and Xhyr!" nagpalakpakan naman ang mga nasa section nila. Walang sumigaw.

"From section Bravo! We have, Granger, Super, Power, Black, Friction and Kai!" unlike sa section Alpha, ang wild ng mga tao rito. Talagang naghiyawan pa sila.

"From section Charlie! We have, Realm, Sphere, Pluck, D, Curtains and Share" 

"Go! Galingan niyo!" sigaw nila Kiel at Sorry.

"And from section Delta! We have, Boron, Platinum, Hydrogen, Geom, Algebra and Modal!" nagpalakpakan din naman ang mga nasa section nila.

From our place, kitang kita ang mga obstacle. Para lang siyang team building kung aakalain mo pero alam kong mas mahirap ito. Mga tao pa ba rito?

Blackmage AcademyWhere stories live. Discover now