Chapter Twenty-Five

462 21 5
                                    

Chapter Twenty-Five
/Who's back?/

REALM

We're all here at the plaza to celebrate our victory. Nagyayaya kasi si Sphere na mag-buffet uli at libre niya since ang laki ng napalanunan namin na points kanina.

"Akala ko talaga talo na tayo" hindi paring makapaniwalang sabi ni Curtains.

Eto kasi ang nangyari kanina matapos na i-announce na kami ang nanalo.

"Congratulations! We have a winner!"

"W-what? H-how?" hindi makapaniwalang tanong ni Macy.

"Well, I hope you won't forget. It is included that all of the section players must go back to the first base with complete members."

Napaupo naman bigla si Macy. Parang hindi siya makapaniwala na natalo sila.

"That's why I told you to shut up" rinig kong sabi sa kaniya ni Jenniah.

I almost forgot, siya na nga pala ang bagong presidente ng klase nila.

"Kasalanan mo toh eh! Kung hindi ka nag marunong at hinayaan na lang si Xhyr ang mag-decide edi sana nanalo tayo!" napayuko na lang si Jenniah.

She's still my friend after all kaya naiinis ako kay Macy. Hindi naman lagi ang leader ang may kasalanan, paano kasi kayo mananalo kung aasa lang kayo sa leader niyo? Tss.

"See? That's why I told you that our section has no fun at all" nagpalinga linga ako sa paligid dahil sa boses na naman ni Trick. Oh, baka nasa-utak ko na naman ang loko.

"Oh, as I love watching a fight, you can't fight here my dear" a woman at it's early 20's suddenly appear in front of section Alpha's base.

I remember her voice, siya yung taga-announce. I can finally see her talking.

"You know why you lost this game? It's because you don't trust one another. Believe na sana ako sa mga strategy niyo but you forgot one thing, teamwork. Sabi nga, teamwork makes the dream work" and she suddenly disappear again.

Natulala na lang si Macy. Maya maya pa ay nagdatingan na ang iba at inannounce na na kami-section charlie, ang panalo.

"Realm!" napalingon naman ako ng sumigaw si Sphere.

Nandito na kami sa may buffet at nagkakainan na pala sila. Masyado yata akong napreoccupied.

Blackmage AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon