Chapter Five

642 32 5
                                    

Chapter Five
/Main Goal/

REALM

It's already 6 in the evening when I woke up. Nakarinig kasi ako ng katok sa pinto kaya nagising ako.

Tumayo ako para buksan ang pinto pero sandali akong napalingon sa kama ni Hassium. Nakasara ang kurtina niya marahil ay tulog pa siya.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Sphere.

"Hello Realm!" masayang bati nito sa akin. Nakita ko rin na may bitbit bitbit siyang tupperware.

"Pasok ka. Tulog pa ata si Hassium" sabi ko at pumasok naman siya.

Nilapag niya sa may lamesa ang bitbit niyang tupperware ata saka naupo sa may sofa. Lumapit naman ako sa may kama ni Hassium para gisingin ito.

"Hass, nandito na si Sphere"

"Alam ko wait lang po" sabi niya mula sa loob. Gising pala siya baka may ginagawa lang.

Lumapit ako sa lamesa at saka lumingon kay Sphere.

"Ano toh? Dessert?" tanong ko at tumango tango naman siya. Binuksan ko ang tupperware at bumungad sa akin ang mabangong amoy ng mangga.

Wow! Mango Graham!

"Nice. Ikaw may gawa?" tanong ko at tumango tango namn uli siya.

Nilagay ko muna sa ref yung dala niya at nagsaing ako. Habang hinhintay ko naman ang sinaing ay nagsimula na akong magluto.

Adobo na lang ang naisipan kong iluto dahil nagcacrave naman ako ngayon at sandali lang naman iyon iluto.

"Wow! Marunong ka magluto?" tanong sa akin ng kakalapit lang na si Sphere. Tumango namn ako at nagpatuloy sa paghihiwa ng ingredients.

"Punta nga ako rito minsan. Wala kasing kwenta kasama ko sa bahay eh"

"Haha, tamad lang talaga si Kiel pero mabait yun. Siya ang school Bragi" sabi ng kalalabas lang na si Hassium.

"Bragi? Ano yun?" tanong ni Sphere.

"Sa blackmage academy kasi, mayroon din siya parang ssg sa normal schools. Sila yung naglelead at nagpapatupad ng school rules. Ang highest ang Hel which is yung parang ssg president at vice president naman ang Loki. So yung Bragi, para siyang secretary sa normal schools along with Freya. Bale may dalawang secretaries ang school, isang babae at isang lalaki" paliwanag ni Hassium.

(A/N: kung hindi niyo maintindihan, nasa previous update ko naman ang details, check niyo na lang ;>)

"Gaano katagal ka na ba rito Hassium?"

"Uhmm, since 6 years old kasi ako nandito na ako eh so 11 years"

"11 years?! Grabe ang tagal na pala nitong school na toh. May principal din ba ito?"

"Yep. May principal din ito at yung principal, siya yung nagpatayo ng school nito. Wala pa mismong nakakakita sa mukha ng principal kahit ang president ng BA School Protector"

Blackmage AcademyWhere stories live. Discover now