Pasasalamat

323 14 1
                                    

Maraming naniniwala na ang sikreto sa tagumpay ng isang nobela ay nakasalalay sa may-akda nito. Ngunit hindi nila alam na ito ay dahil sa mga taong nagsilbing-gabay at nagkaroon ng impluwensiya sa buhay ng manunulat.

Una sa lahat, gusto kong pasalamatan ang Panginoon, dahil sa natatanging talentong ito sa pagsusulat.

Sa aking asawang si Fernando, at sa aking anak na si Christian Blake, salamat sa pagiging inspirasyon ko sa pagsusulat ng aking mga kwento.

Para kina Mama Lhoy, Mama Aida, Papa Lito, at sa aking mga kapatid na sina Ryan, Hazel, at Clarenz; sa aking hipag na si Anna at pamangkin na si Amira Isabelle; sa aking tiyahin, Arlene Joan at sa aking mga lola na tiyahin sa Chicago, Illinois (Tita Conching, Tita Espie, Tita Norma), maraming salamat sa inyong walang sawang suporta sa akin.

Para sa lahat ng aking mga kamag-anak sa angkan ng mga Lamaroza at Austria, sa aking mga naging guro, mga kaklase, at mga kaibigan mula elementarya hanggang kolehiyo at maging sa aking mga naging katrabaho, maraming salamat sa inyo.

Gusto ko ring pasalamatan ang dalawang nagpalaki sa akin at nagkaroon ng malaking impluwensiya sa aking pagsusulat, sina Dad at Maymee. Alam kong masaya kayo diyan sa langit. Para sa inyo ang nobelang ito.

Maraming salamat sa iba pang tumulong para maisulat ko ang nobelang ito. Salamat sa aking mga natatanging kaibigan, Ate Jedz Cabute, Mary Frency Boy, Alexandra May Cardoso, Jacob Chan, John Troy Cabalza, at Juan Salvador Dognidon. Maraming salamat din kina Jenmart Montenegro, Catherine Ramos, Ron Kevin Chavez, Ma. Theresa Largo, Edwin de Luna, Ate Cecille, Bianca, Monique, Lara, Ginaline, Claudine, at Lyn.

Para sa lahat ng aking mga kapwa manunulat mula sa iba't ibang publishing houses lalo na sa PEPH, Le Sorelle Publishing, WANI Publishing, Sweetheart Romances, Victory Publishing, Precious Pages Corp. at Bookware Publishing, maraming salamat sa inspirasyon at sa mga tips na ibinibigay niyo rin sa mga bago at aspiring maging mga manunulat.

Para sa nag-asikaso ng book cover at layout ng librong ito, maraming salamat sa iyo Mik-MikPamore. Kundi dahil sa iyo ay hindi magiging maayos ang kalalabasan ng nobelang ito.

Maraming salamat din kay Alynna-Lyn sa pagiging modelo ng aking cover.

Sa mga bago at aspiring maging mga manunulat, huwag kayong sumuko. Darating ang panahon na kayo rin ay makakapaglimbag ng sarili ninyong mga libro. Sulat lang nang sulat!

Maraming salamat sa aking pamilya sa Penmasters League, kina GM Carrie, Mik-MikPamore, Stuck N Silence, Christine Joy Alaurin, at Ryan Christopher Sumayod, at higit sa lahat, kay Rei Nikolai Magnaye, na naging daan tungo sa paglimbag ng akdang ito. Para sa mga estudyanteng tinuturuan ko sa Rising Penmasters at La Primera Novelistas ng Penmasters League, ituloy niyo ang inyong pangarap sa pagsusulat. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta sa akin at sa iba pang mga manunulat ng ating organisasyon.

Maraming salamat sa GMA Network, lalo na sa GMA News and Public Affairs at sa Production Team ng Tadhana, dahil sa pag-ere ng episode na pinamagatang "Lihim at Liham" noong February 24, 2018. Ang episode na ito ay nagmula mismo sa akdang ito.

Para sa lahat ng magbabasa ng nobelang ito, nawa'y maantig ang inyong puso sa bawat kabanata ng nobelang ito para mas maunawaan ninyo ang tunay na kahalagahan ng pananampalataya, sakripisyo, pag-asa, at pagmamahal.

Para sa anak ng OFW na aking kinapanayam at sa kanyang pamilya, at maging sa lahat ng OFWs sa buong mundo, maraming salamat sa inspirasyong ibinibigay niyo sa aming mga buhay na siyang nagbigay-daan tungo sa mga karagdagang detalye ng nobelang ito. Ipinagmamalaki namin kayo at inaalay ko ang nobelang ito para sa inyo.

Hindi sapat ang isang libong salita para maisalarawan ang taos-puso kong pasasalamat para sa katagumpayan ng nobelang ito. Gusto kong magtapos sa pamamagitan ng bible verse na ito:

"Commit to the Lord, whatever you do, and he will establish your plans."

                                                                                                                                                                    - Emerald Blake

Mga Alaala ng Jeddah (Completed/Self-published; Televised in Tadhana GMA 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon