Patungkol sa May-Akda

142 6 3
                                    

Lumaki si Emerald Blake sa isang pamilya ng mga manunulat, mambabasa, musikero, at manunula. Simula noong siya'y bata pa, mahilig nang magsulat si Emerald ng mga tula at maiikling kwento. Nagsimula siyang sumali sa mga writing contests sa edad na siyam na taong gulang. Marami rin siyang napanalunang mga paligsahan kahit noong siya ay nasa high school. Siya ang naging Managing Editor at Editor-in-Chief ng kanilang school paper noong siya ay nasa ikatlo at ikaapat na taon ng high school.

Sa kabila ng pagiging abala ni Emerald sa pag-aaral noong siya ay nasa kolehiyo, nagawa pa rin niyang isingit sa kanyang oras ang pagsusulat. Noong siya ay nasa ikaapat na taon ng kolehiyo, naging Associate Editor siya ng Scientia, ang kanilang school publication sa Unibersidad ng Pilipinas.

Naisulat ni Emerald Blake ang una niyang inspirational novel noong April 2012. Nailimbag naman sa ilalim ng Precious Hearts Romances ang kanyang unang romance novel na pinamagatang, "Sa Agos ng Tadhana" gamit ang penname na Beatriz Zuniga noong January 2015.

Ang Memories of Jeddah, na English version ng nobelang ito ay unang nailimbag noong November 2014. Ang nobelang ito ay base sa tunay na kwento ng isang mag-inang OFW. Naantig ang puso ng halos apat na raang OFW at ang kanilang mga pamilya sa mga bansa sa Asya, Europa, Australia, at maging sa mga bansang Canada at Estados Unidos. Mula 2014 to 2016 ay maraming bumili sa nobelang ito. Noong February 24, 2018, ang Memories of Jeddah o Mga Alaala ng Jeddah ay naipalabas sa national TV dahil ito ang naging basehan sa episode na pinamagatang, "Lihim at Liham" ng Tadhana, isang TV show sa GMA Network tuwing Sabado ng hapon.

Sa pangalawang pagkakataon, maipalilimbag muli ang Mga Alaala ng Jeddah sa ilalim ng Penmasters League.

Bukod sa pagsusulat ng mga natatanging kwento, si Emerald Blake ngayon ay isang full-time writer at editor. Isa rin siya sa mga nagtuturo sa mga bagong manunulat sa Penmasters League, isang organisasyong naglalayong linangin ang mga manunulat sa kanilang angking talento. 

🎉 You've finished reading Mga Alaala ng Jeddah (Completed/Self-published; Televised in Tadhana GMA 7) 🎉
Mga Alaala ng Jeddah (Completed/Self-published; Televised in Tadhana GMA 7)Where stories live. Discover now