Kabanata 3

99.2K 2.6K 360
                                    

Kabanata 3


Walang pagdadalawang isip na tumawid ako sa kalsada, agad kong nilapitan ang kotse. Inirapan ko muna ito at pagkatapos ay naiinis na sinipa ko ang gulong nito.

"Pakshet! A-ang sakit!"

Napahiyaw ako sa sakit. Ramdam ko ang pagtibok ng paa ko. Sa sobrang inis na nararamdaman ay hindi ko na naisip pa na matigas nga pala ang gulong ng sasakyan. Napaluhod ako habang iniinda ang sakit.

Ang tanga-tanga ko! Malas!

Tumungo ako upang tingnan ang tsinelas ko. Napansin ko na naputol ang dahon ng aking tsinelas, at ang malala pa, namaga pa yata ang paa ko. Kitang-kita ko ang pamumula nito na para bang kamatis. Malas. Napakagat labi ako sa sobrang sakit.

Ang ganda ko nga pero ang boba ko naman. Ano bang pumasok sa kokote ko at sinipa ko ang matigas na gulong? Isang kahangalan ang aking ginawa. Nadoblehan tuloy ang sakit. Napatakan na nga ako ng kaldero kanina tapos namamaga pa ang paa ko dahil sa pagkakasipa ko sa bwisit na gulong na ito. Malas!

Naluluha na tumayo ako. Hindi ako susuko. Kahit nasaktan ako ay hindi pa rin ako titigil sa paghihiganti. Dapat ay nasa akin pa rin ang huling halakhak.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Naghanap ako ng pwedeng gamitin sa Oplan: sira kotse. Nang may nakita akong isang malaking bato ay paika-ika ko itong nilapitan. Ibinaba ko muna ang dala kong basket at pagkatapos ay inayos ko ang saklob na nasa aking ulo. Mahirap na at baka may cctv dito. Kailangan kong itago ang mukha ko. Mas mabuti na ang sigurado, baka kasi makasuhan ako sa salang paninira ng gamit.

Agad kong kinuha ang bato na kasing-laki ng ponkan. Dinala ko ito palapit sa kulay itim na kotse.

"Sayang! Maganda nga ang kotse pero bulok naman ang driver. Pasensyahan na lang pero gaganti talaga ako. Muntik na akong mamatay kaya naman kailangan kong sirain ang kotse mo," inis na sabi ko.

Ang kintab at ang ganda pa naman ng kotse. Halatang milyones ang halaga pero wapakels ako. Wala me paki. Basta gaganti ako. Tanga lang ang walang ganti.

"Isa....Dalawa....Tatlo..." pagbibilang ko habang bumebwelo ako at pagkatapos noon ay tsaka ko inihagis ang bato sa windshield ng kotse.

"Damhin mo ang malupit na paghihiganti ko," masayang sambit ko habang humahalakhak na parang baliw.

Noong tumama ang bato sa windshield ay malakas na nag-alarm ang kotse. Umalingawngaw sa buong paligid ang tunog nito. Napapalakpak ako nang makita ang naging bunga ng ginawa ko. Malakas ang naging pagsalpok ng bato sa salamin kaya basag na basag ang windshield ng kotse.

Nasiyahan ako sa naging resulta nito kaya tumawa ako nang malakas. Nagmumukha na akong baliw pero wala akong pakialam. Basta't makaganti ako ay masaya na ako.

"For fuck's sake! What did you do to my fucking car, woman?" narinig kong sigaw ng isang lalaki mula sa aking likuran.

Napatigil ako sa pagtawa at bigla akong nataranta. Todas! Naabutan ako ng may ari ng sasakyan. Inayos ko ng mabuti ang saklob ko. Tatakbo na sana ako nang bigla akong natigilan dahil may humablot sa braso ko, at iniharap niya ako sa kaniya.

Yari! Huli ako!

Malakas na napasinghap ako. Patay! Paano ako makakawala sa pagkakahawak niya? Kagatin ko kaya siya sa kamay? Napakagat ako sa aking ibabang labi. Pero baka hindi tumalab. Baka imbis na mabitawan niya ako ay masabunutan o masuntok niya ako.

Naging mabilis ang pangyayari. Natagpuan ko na lang ang aking sarili sa kaniyang mga bisig. Mahigpit na nakapulupot ang kaniyang mga braso sa aking bewang. Malakas na singhap ang ginawa ko. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now