Kabanata 19

67.3K 2.1K 173
                                    

Kabanata 19

Alas-tres ng hapon noong maisipan kong lumabas ng kwarto. Dahil sa sobrang kainitan ng panahon ay naligo ulit ako. Hindi ko kasi matiis ang lagkit dahil sa pawis.

Kung dati ay apat na beses lang ako maligo sa buong Linggo ngayon naman ay nakakadalawang beses akong maligo sa isang araw. Isa sa umaga at isa sa hapon.

Napanguso ako noong maramdaman ko ang bawat pagpatak ng tubig sa aking braso galing sa aking basang buhok.

Napiga ko na at napunasan ko na ng tuwalya ang buhok ko pero basa pa din. Ang hirap na nitong tuyuin dahil sobrang haba na at makapal ito.

Sumisipol na pumunta ako sa kusina upang magsimulang magluto ng hapunan. Alas-tres ako nagluluto dahil kadalasan ay maagang umuuwi si Orion galing opisina. Wala pang alas-kuwatro ay umuuwi agad iyon.

Noong pagpasok ko pa lang sa kusina ay nagulat agad ako nang makita ko si Sibuyas na nagkakalkal ng kung ano sa cabinet na nasa tabi ng malaking refrigerator.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan. Hindi niya ako napansin dahil busy padin siya sa paghahanap doon.

Habang siya ay nakayuko ay inilapit ko ang mukha ko sa kaniyang likod, malapit ang aking bibig sa kaniyang tenga.

"Anong hinahanap mo?" mahina kong bulong sa kaniya.

Hindi niya ako nilingon at itinuloy niya lang ang paghahanap. Napanguso ako sa ginawa niya.

Hindi na siya namamansin ngayon ah! Noong isang araw lang kausap ko pa siya tapos ngayon i-ni-snob niya na ako. Aba! Hindi pwede iyon.

"Sibuyas, Ano nga kasing hinahanap mo?" Muli kong tanong sa kaniya.

"Where's that fucking....Fuck! Did you just called me Sibuyas?" sabi niya at pagkatapos ay napalingon siya sa akin. Muntik nang mapatangkab ang baba ko kung hindi ako agad umiwas. Mabuti na lang at mabilis akong kumilos.

Nako! Tinawag ko siyang sibuyas! Baka halikan niya ako!

May nakita akong sibuyas na nakapatong doon sa lamesa. Malapit lang ako doon kaya pasimple kong kinuha iyon.

"Ha? Ito may nasimot akong sibuyas. Masyado ka namang assuming eh. Gusto mo lang makahalik sa akin kaya kung ano ano na ang ina-assume mo." patay malisya kong sabi sa kaniya at pagkatapos ay umiwas ako ng tingin.

Narinig ko siyang napamura sa tabi ko. "Fuck!"

Nakangising nilingon ko ulit siya at pagkatapos ay tiningnan ko ang cabinet na hinahalungkat niya.

"Chill! Ano nga kasing hinahanap mo?" tanong ko sa kaniya.

Rinig kong napabuntong hininga siya kaya napatingin ulit ako sa mukha niya. Bigla akong napatulala noong nakita kong panandalian siyang ngumuso.

"Bread." tipid niyang sabi at kasunod noon ay sa kabilang cabinet naman ang binuksan niya.

"Tinapay?" tulala na tanong ko.

Ngumuso ba talaga siya? Pakshet! Bakit ang cute niya! Saglit lang iyon pero nakita ko padin.

"Yes. Ubos na ba?" lumapit ako sa kaniya at sinilip ko ulit ang mukha niya.

Napasimangot ako noong makitang hindi na siya nakanguso.

"Ha? Ay hindi!" sagot ko at tsaka umayos ako ng pagkakatayo.

Bigla siyang napatingin sa akin habang umaayos din ng tayo. Nakakunot na ang noo niya.

"Then where is it?" Tanong niya sa akin habang lumalapit siya.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now