Kabanata 16

71.6K 2.1K 391
                                    

Kabanata 16

"Amara, Iha.. gusto mo bang tumulong sa pag-aayos ng Christmas tree?" tanong ni Aling Sares kaya napatigil ako sa pag-aayos ng sofa.

Napangiti ako nang malawak. Bigla akong nakaramdam ng pagkatuwa sa kaniyang sinabi.

Tutulong ako sa pag-aayos ng Christmas tree? Matagal ko ng gustong gawin iyon.

Natutuwa na lumapit ako kay Aling Sares.

"Sige po. Gusto ko pong tumulong." bakas sa aking mukha ang sobrang kasiyahan.

Ngayon na ba? Excited na akong mag-ayos. Malaki kaya iyong Christmas tree? Gaano kaya kalaki? Mayaman kasi sila Orion. Mas lalo akong na-excite sa naiisip.

"Mamaya ay dadating na ang magde-deliver ng Christmas decor. May ilang tao ang mag-aayos sa mga Christmas lights sa buong bahay. Tapos yung iba naman ay tutulungan natin silang mag-ayos ng Christmas tree." sabi niya at pagkatapos ay umupo siya sa sofa habang nakangiti.

Mukhang excited na din si Aling Sares.

"Kaya naman po yata natin kung tayo lang ang mag-aayos ng Christmas tree." sabi ko.

Madali lang naman ang mag-ayos noon. Noong nasa probinsya pa ako ay pumupunta ako sa plaza at nanonood tuwing nag-aayos ang mga opisyales ng Christmas tree.

Marahang umiling si Aling Sares. "Malaking Christmas tree ang aayusin natin."

"Malaki po?" gulat na tanong ko.

Daks nga! Mas natuwa ako sa nalaman. Mas maganda dahil matagal akong makakapag-design noon. Isang buong araw naming gagawin iyon.

"Oo. Sobrang laki kaya tutulong tayo sa pag-aayos." Nakangiti na sabi niya.

"Gaano po ba kataas?" tanong ko. Alam kong nag ningning ang mga mata ko dahil sa pagka-excite.

"10 feet yata." hindi siguradong sagot niya.

10 feet? Ibig sabihin sobrang taas noon. Muntik na akong magtatalon sa tuwa.

"Oh, daks nga!" natutuwa na sabi ko.

"Gusto kasi ni Donya Emily ng sobrang taas na Christmas tree sa loob ng mansyon niya." paliwanag na sabi ni Aling Sares.

Si Donya Emily ang ina ni Sibuyas. Noong nagluluto kami ni Aling Sares ay madami siya sa aking naikwento tungkol sa pamilya ni Orion.

Magpapasalamat na ba ako kay Donya Emily? Dahil isa siya sa naging dahilan kung bakit matutupad ko ang isa sa gusto kong gawin?

"Taon taon po ba siyang naglalagay ng ganoong kataas na Christmas tree?" tanong ko.

Ibig sabihin sa taon ay tutulong ulit ako sa pag-aayos?

"Oo. Tradisyon na iyon ng pamilya nila. Hindi sila nawawalan ng mga ganoon." gusto kong magpapadyak sa tuwa ngunit pinigilan ko.

Weirdo man tingnan o isipin ngunit iyon talaga ang isa sa mga gusto ko.

"Pati po ang paglalagay ng sangkaterba na Christmas lights sa buong bahay?" Tanong ko kay Aling Sares.

Ibig sabihin ay makakakita ako ng lumiliwanag na bahay dahil sa mga sangkaterba na Christmas lights, katulad noong mga napapanood ko sa Tv.

"Oo. Gustong gusto kasi nila ang pasko, kaya lagi nilang pinaghahandaan ang pagdating nito." tumatango na sabi niya.

Gusto ko din ang pasko.

Naalala ko dati noong bata pa ako. Kada taon ay inaabangan ko din ang pasko. Hindi dahil ibinibili ako ng mga bagong damit ni Ama at ina. Kundi dahil ang pasko ang araw kung kelan ipinanganak si Jesus. Iyon ang sinasabi at itinatatak ng mga magulang ko sa isipan ko. Ang araw ng pasko ang araw kung kailan dapat magkaisa ang bawat tao upang pasalamatan ang Diyos.

The Billionaire's Sexy WhoreKde žijí příběhy. Začni objevovat