Kabanata 49

75.5K 1.9K 74
                                    

Kabanata 49

"Gagawin ko ang lahat magkabati lang tayo." desidido na sabi ni Sibuyas sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa naging reaksyon niya. Nakalabi siya at nakatingin sa akin na parang nagpapaawa.

Kahit gwapo ka at cute sa paningin ko ay hindi parin kita kabati.

"Tingnan lang natin." paghahamon na sabi ko.

"Ara, sino yan?" rinig kong sabi ni Ama kaya biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

"Ama!" Gulat kong tawag noong makita ko siyang palapit sa amin.

Nakaramdam ako ng pagkataranta noong makita ko si Orion na nakatingin din sa Ama kong parating na. Anong gagawin ko sa kaniya? Hindi dapat siya makita ni Ama!

"Sino ang lalaking iyan, Ara?" kunot noo na tanong ni Ama sa akin.

Pinasadahan niya ng tingin si Orion at nakita ko kung paano tumaas ang kilay ni Ama noong makita ang damit ni Sibuyas na halatang mamahalin.

"Po? Nanliligaw lang po este naliligaw po. Nagtatanong lang siya ng direksyon" sabi ko na muntik ng masabi ang totoo.

"Alis na! Huwag mo na akong guluhin! " mahinang bulong ko kay Orion.

Narinig ko ang pagtawag niya sa akin na tila hindi gusto ang sinabi ko.

"Amara."

"Isa!" mariin kong bulong habang tinitingnan si Ama na ilang dipa na lang ang layo sa amin.

Nakangiti ko siyang sinalubong at agad akong nagmano sa kaniya.

"Oh, kagandang lalaki naman ng naliligaw na ito. Mukhang kano ah! Nako, mapapalaban yata ako ng inglesan." natatawa na sabi ni Ama.

Napangiwi ako sa kaniya at pagkatapos ay natawa narin upang sakyan ang kaniyang biro.

"Amara, mabuti naman at nakakaintindihan mo?" nakangiti na sabi ni Ama sa akin.

Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Mabilis akong umiling habang tumatawa.

"Ama, hindi ko nga maintindihan sinasabi eh." pag-sisinungaling na sabi ko.

Narinig ko ang pagtikhim ni Orion na tila kinukuha ang atensyon naming dalawa ni Ama. Hindi nga siya bigo dahil magiliw na napatingin si Ama sa kaniya.

Tayong mga pilipino nga naman, pagnakakita ng kano ay sobrang bait. Isa na doon si Ama.

"Sir, I just want to tell---" Sabi ni Orion na agad kong pinutol.

"You....go der...left and den go to da far far away land and never come again." baliko kong sabi sa wikang ingles habang tinuturo ang kalsada paalis.

"Amara." may awtoridad na tawag ni Orion sa akin.

Alam ko na ang plano niya eh! Magpapakilala siya kay Ama.

"Oh, bunso kilala ka pala eh!" sambit ni Ama. Nakita ko ang unting-unting pagsasalubong ng kilay niya.

"Ama---" Sabi ko ngunit agad iyong naputol ni Orion. Napalunok ako at pagkatapos ay bahagya akong umiling.

"Sir, I'm Orion. Ako po ang kasintahan ni Amara. Ako po ang ama ng batang dinadala niya." magalang na pakilala ni Orion habang inilalahad ang kamay niya sa harapan ni Ama.

Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Ama. Bigla akong napalunok noong makita kong tumaas ang isa niyang kilay.

"Ikaw ang dumisgrasya sa anak ko?" madiin na tanong niya.

The Billionaire's Sexy Whoreحيث تعيش القصص. اكتشف الآن