Kabanata 17

69.4K 2K 205
                                    

Kabanata 17

Ipinikit ko ang mga mata ko habang dinadama ang bawat pag tama ng maaliwalas na hangin sa aking mukha. Bawat paghampas ng alon sa dalampasigan ay naghahatid ng mahihinang tunog.

Ang bawat hangin na dumadampi sa aking katawan, ang bawat tunog ng alon na naghahatid ng kapayapaan na nararamdaman.

Malaki nga talagang tulong ang pagpunta sa dalampasigan upang makapag-liwaliw muna at huwag munang isipin ang bawat problema.

Nakaka-relax, iyon ang sabi nila. Totoo nga ang mga naririnig ko. Na kung may problema ka, at gusto mong makapag-isip isip, ang magandang puntahan ay ang dalampasigan.

Nasa probinsya kami ng Batangas. Dito niya napiling pumunta dahil madami ang resort dito. Maraming pagpipilian at magaganda din ang lahat.

Nakakuha na kami ng isang bahay na uupahan namin na pwedeng tulugan. Nasa tabing dagat lang iyon at malayo sa ibang bahay na pwede ring upahan.

Villa yata ang tawag nila. Iyon ang pagkakarinig ko sa usapan nila kanina.

Wala kaming damit kaya namili na lang kami sa nadaanan naming bilihan ng mga damit. Dumaan na din kami sa grocery store upang mamili ng mga pagkain.

Nakaupo lang kami sa buhanginan habang nagmumuni-muni at tinignan ang karagatan. May nakalatag na tela sa buhangin at doon nakapatong ang mga pagkain namin, pati narin ang mga inumin na alak.

Ilang oras na kaming nakaupo dito. Kanina ay naglalangoy pa kami sa dagat at noong napagod kami ay bumalik na kami dito at umupo na lang. Tatlong oras na kaming umiinom ng alak habang nakatanaw lang sa maaliwalas na paligid. Walang umiimik sa amin. Tahimik lang at nagpapakiramdaman.

Uminom ako ng alak at pagkatapos ay panandalian ko siyang tiningnan. Gusto ko sana na irekomenda na bilhin niya ay lambanog para makatikim siya nito pero naalala ko ang napanood kong balita sa tv na marami daw ang namamatay dahil sa pag-inom ng lambanog.

Ayoko naman siyang mamatay kaya hindi ko na lang inirekomenda.

Iniiwas ko ang tingin sa kaniya. Hindi kami nag-aaway ngayon at isa iyong himala.

Tinatamad akong barahin at asarin siya dahil busy ako sa pagtingin tingin sa paligid. Namamangha at nakuntento sa mga nakikita.

Napabuntong hininga ako at pagkatapos ay ipinikit ko ang aking mata. Medyo nararamdaman ko na ang tama ng alak ah. Inaantok na ako.

"This year was a mess for me." naimulat ko ang aking mga mata at kasunod noon ang pag lingon ko sa kaniya ng dahan-dahan.

Year lang ang naintindihan ko!

Napaayos ako ng pagkakaupo sa buhangin nang makita ko siyang nakatingin sa akin.

Bumunot siya nang malalim na paghinga, at tsaka siya tumingin sa dagat.

Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan. Bakas ang lungkot at sakit sa kaniyang reaksyon.

Kung ganoon ay tama nga talaga ang mga nakikita ko sa kaniyang mga mata.

Maganda man ang luntian niyang mga mata ngunit kitang kita mo ang lungkot at sakit na nakahimlay dito.

Magsasabi ba siya ng mga problema niya sa buhay? Pero sana naman ay magtagalog siya upang maintindihan ko ang bawat sasabihin niya.

"Madaming nangyari sa akin ngayong taon na hindi ko aakalain na mangyayari sa akin." dugtong niya sa kaniyang sinabi.

Alam ko kung kelan ako magiging seryoso tuwing nag-uusap. Prangka at mabunganga man ako ngunit alam kong pag-usapan na ganito ay dapat isantabi ko ang mga negatibo kong pag-uugali.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now