Kabanata 37

57.6K 1.7K 159
                                    

Kabanata 37

"Payag na ako." mahinang sabi ko sa kaniya habang kinukuyom ko ang aking palad.

Nakatungo lang ako sa sahig habang sinasabi iyon. Ayokong tingnan si Driton dahil naiinis ako sa kaniya.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Driton. May pang-aasar doon at tila may konting kasiyahan.

"Wala ka ng kawala sa akin, Amara. Sa isang linggo ay ikakasal tayo sa munisipyo. Maghahanda na ako ng mga kakailanganin sa kasal natin" masaya niyang sabi.

Tumingala ako sa kaniya at pagkatapos ay inirapan ko siya. Parehas tayong hindi magiging masaya.

Lalapitan niya sana ako ngunit lumayo ako.

Nginisian niya lang ako at pagkatapos ay nilapitan niya parin ako. Wala na akong naging kawala noong isandal niya ako sa pader.

"Ipapahanda ko na ang kwarto nating dalawa. Dito ka na titira." May awtoridad na sabi niya.

Umiling ako sa kaniya at pagkatapos ay itinulak ko siya palayo sa akin.

"Hindi."

"Anong hindi? Sa ayaw at sa gusto mo dito ka na sa pamamahay ko." may inis na sabi niya.

Tinawanan ko siya at pagkatapos ay nginitian ko siya nang pang-asar.

Siguristang hangal! Ayaw niya na akong mawala sa paningin niya? Kung mahal ko siya ay paniguradong kikiligin ako pero hindi eh! Hindi ko siya mahal!

"Magpapakasal na tayo! Ano pa bang kinakabahala mo?" Mataray na tanong ko sa kaniya.

Nginisian niya ako at pagkatapos ay hinawakan niya ang aking buhok. Hindi ko iyon tinanggal at tinitigan ko lang siya ng madiin.

"Baka tumakas ka sa akin!" May panunuya na sabi niya.

Umiling ako at pagkatapos ay natawa. Paano ako makakatakas kung alam kong gagawa siya ng paraan upang habulin parin ako?

"Hindi ako tatakas sayo! May isang salita ako!" mahinang sagot ko sa kaniya.

"Gusto kong makasama ang pamilya ko at sulitin ang mga oras na iyon para makasama ko sila! Alam kong miski sa kanila ay ipagdadamot mo ako pag ikinasal na tayo." madiin na sabi ko.

Magiging mahirap na ang buhay ko pag ikinasal ako sa kaniya.

"Sige pagbibigyan kita sa gusto, Asawa ko." malambing na sabi niya at pagkatapos ay hinalikan niya ako sa pisngi.

Gusto ko siyang itulak at sampalin pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong makulong agad sa mansyon na ito habang hindi pa kami ikinakasal.

Dumating ang araw ng kasal at ang lahat ay nakapaghanda na. Bihis na ang mga magulang at mga kapatid ko pati ako ay nakaayos na. Suot ko ang puting gown na ipinatahi ni Driton.

Nagawa niya ng paraan ang pag-aasikaso sa simbahan kaya imbis na sa munisipyo kami ikakasal ay nabago na iyon.

Noong pumayag ako ay hindi na kami ginigipit ng pamilya ni Senorito Driton. Bumalik na sa dati ang takbo ng buhay namin. Mayroon ng trabaho si Kuya Kalel. Isang kilalang law firm na ang nakakuha sa kaniya. Pagpayag ko pa lang kay Driton tungkol sa kasal ay biglang may tumawag naman na isang kompanya kay Kuya Kalel. Tama nga kami sa hula namin na hinaharang ni Driton ang lahat.

Ang dalawa ko pang mga kapatid ay naibalik na sa dati nilang pinagtatrabahuhan. Ang aming lupa naman ay nanatili sa amin at hindi na nila pinakialaman. Ang mga nawala naming mga alagang hayop ay tila himala na naibalik sa amin na tila walang nangyari.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now