Kabanata 22

66.9K 1.9K 169
                                    

Kabanata 22

Dalawang araw na ang lumipas mula noong pumunta kami ni Orion sa bar. Muli kong naalala ang nangyari sa araw na iyon. Naging masaya din naman ang gabi na iyon sa akin. Kahit nakaupo lang kami sa sofa ay nag-enjoy parin ako sa panonood sa nangyayari sa paligid.

Nanood lang ako sa mga nagsasayaw sa dancefloor, at nag-kwentuhan din kami ni Orion habang umiinom. Hindi naging mahaba ang pagkukwentuhan namin dahil panandalian siyang umalis.

Ayaw pa sana niyang kausapin ang manager ngunit nagpumilit itong makausap siya dahil may naging problema yata sila. May aasikasuhin daw kasi muna sila at kailangan ay sila lang ang nasa loob ng opisina niya sa bar. Confidential daw kasi kaya bawal akong isama.

Akala ko ba ay hindi niya ako iiwan?

Bago pa man ako iwanan ni Orion ay tumawag na agad siya ng mga bouncer na magbabantay sa akin. Limang bouncer ang nakatayo sa paligid ko.

Nang tanungin ko siya kung bakit meron noon ay para daw hindi ako malapitan ng mga lasing. Hindi na lang ako nakipagtalo sa kaniya at pinabayaan ko na lang siya sa gusto niya. Para tuloy akong artista na bawal lapitan.

Isang oras lang yata ang itinagal nila sa pag-uusap at pagkatapos noon ay umuwi na agad kami dahil may aasikasuhin pa daw siyang importante.

Napabalik ako sa realidad noong biglang may kumatok sa pinto ng kwarto. Napatigil ako sa pagbabasa ng diksyunaryo.

Bumangon ako at pagkatapos ay binuksan ko ito. Bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Sibuyas.

Napansin ko ang maaliwalas niyang aura. Kunot noo ko siyang pinagmasdan. Noong tiningnan ko din ang kaniyang mata ay napansin kong wala na ang lungkot na nakapaloob dito.

Paano ko nalaman? Magaling akong makapuna ng mga bagay bagay. Isa sa hindi maipaliwanag kong talento ay ang obserbahan ang mga mata ng tao, sa pamamagitan noon nakikita ko minsan kung ano ang nararamdaman nila.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

"Can you come with me?" nakangisi niyang tanong. Halos malagutan ako ng hininga dahil sa nakita.

Ngumingiti na naman siya! Potek! Hindi ko na kaya! Kailangan ko na ng maraming hangin!

"S-saan na-man?" Nauutal kong tanong. Bwisit bakit nauutal na naman ako!

Si Orion lang iyan. Isa lang siyang sibuyas! Wala lang iyan!

"Mall." tipid na sabi niya.

"Bakit isasama mo na naman ako?" kunot noo kong tanong sa kaniya.

Noong isang araw ay isinama niya din ako sa pagbili ng tinapay tapos isinama niya din ako papunta sa bar. Ngayon naman ay sa mall! Madami naman siyang kaibigan, bakit laging ako ang inaabala niya?

Napapansin kong gusto niya lagi akong kabuntot sa mga pinupuntahan niya. Mukha na ba akong aso?

"I will buy Christmas present. Isasama kita dahil para may tagapag-dala ako." paliwanag niya habang nagkakamot ng batok. Para siyang nahihiya.

Mahina akong napasinghap. BAKIT ANG GWAPO NIYA! Gusto kong tumili dahil sa nakita pero pinigilan ko lang.

"Pahihirapan mo na naman ako?" kunwari ay galit na sabi ko.

Pilit kong tinatabunan ang nararamdaman kong kakaiba.

"Sa ganda kong ito? Pahihirapan mo ako? Hoy! Orion, ang babaeng katulad ko ay hindi dapat pinapahirapan." mataray kong sabi habang iniirapan siya.

"Dapat sa akin ay inaalagaan at minamahal." pagpapatuloy na sabi ko.

Napansin ko na napatitig siya sa aking mga mata. Panandalian siyang napangiti.

The Billionaire's Sexy WhoreOnde as histórias ganham vida. Descobre agora