Kabanata 32

61K 1.8K 326
                                    

Kabanata 32

Kinabukasan ay sinat na lang ang meron si Dodo kaya nakakabangon na siya sa higaan niya. Nakakakain na din siya ng paborito niyang manok.

Hindi man siya makapaglaro at makasali sa mga kapatid ay na kontento na siya sa panonood sa mga ito.

Noong hapon ay kinaon na ako ni Orion kaya nagpaalam na ako sa kanilang lahat. Malungkot na naman ang mga bata pero alam ko naman na naiintindihan na nila na kailangan kong umalis upang magtrabaho.

Dalawang araw ang lumipas at nagulantang ako noong tumawag si Daniela sa telepono na nasa mansyon. Halos magulantang ako sa ibinalita niya sa akin. Isinugod niya daw si Dodo sa ospital dahil tumaas daw ulit ang lagnat nito, masakit din daw ang ulo ni Dodo, nagdudugo rin daw ang ilong at sumusuka.

Nabahala na daw siya lalo noong mapansin niyang nagkakaroon na ito ng rashes sa katawan. Ang sinabi ng doktor ay may dengue daw ang bata.

Nasa kompanya si Orion kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kaniya. Pumunta ako sa ospital kung saan isinugod si Dodo.

Nang makarating ako doon ay lakad takbo ako papunta sa kwarto kung saan nandoon si Dodo. Iba't ibang pasyente ang kasama nila, matanda bata at may nakita pa akong baby. Pagkarating ko ay pumunta na din ako sa opisina ng doktor at kinausap ko ang lalaking doktor.

"Miss, ang kapatid mo ay may dengue 2. We badly need to conduct a Intravenous (IV) fluid and electrolyte replacement, Blood pressure monitoring, and Transfusion to replace blood loss. Kailangan maisagawa ang mga ito sa lalong madaling panahon." Paliwanag na sabi ng doctor.

Nanlulumo na napabuntong hininga ako sa narinig mula sa kaniya. Dengue?

"May kailangan po ba munang bayaran bago gawin ang mga iyan?" Tanong ko.

"Yes, Ms. You need to pay a downpayment for an assurance." Mahinahong paliwanag ng doktor.

Napasinghap ako sa narinig mula sa doktor.

"Assurance? Kailangan muna ng bayad para lang magamot agad ang kapatid ko? Paano naman po kung wala agad kaming maibabayad?" may namumuo na inis sa tono ng boses ko.

"I'm sorry, Miss pero iyon ang rules ng ospital." sabi ng doktor.

Mas lalo akong napaghinaan ng loob. Ibang klaseng patakaran iyan! Pamatay!

"Pababayaan niyo na lang ang kapatid ko kung walang pera?" naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Hindi pwede. Gagawa ako ng paraan mailigtas lang ang kapatid ko.

"I'm sorry maam." Tanging sabi niya.

"Magkano ba ang kailangan sa gamutan?" namomoblema na tanong ko. Napahawak ako sa ulo ko na bahagyang sumasakit dahil sa problema.

"Approximately 16 thousands po ang kailangan. Hindi pa po kasama doon ang gamot kung tutuusin." sagot ng doktor

Nanlumo ako sa narinig. Wala akong pera. Anong gagawin ko? Isang libo nga ay wala, labing anim pa kaya?

"Tang ina. Saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera."

Nanlulumo na umuwi muna ako sa bahay namin upang kumuha ng mga damit at gamit na gagamitin sa ospital. Si Daniela ay nagbabantay muna sa ospital habang ako naman ay uusisain din ang ibang mga kapatid na inihabilin muna kay Aling Mila.

Mabait naman si Aling Mila kaya alam kong hinding hindi niya papabayaan ang mga kapatid ko.

Saan ako mangungutang? Masyadong malaki ang perang iyon. Mahirap humanap ng pera ng mabilisan.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now