Kabanata 6

84.3K 2.4K 296
                                    

Kabanata 6

Noong makabalik ako sa bahay ni Aling Batseba ay agad kong sinabi sa kaniya na hindi na ako maglalako pang muli. Sinabi ko sa kaniya ang dahilan kung bakit. Noong una ay ayaw niyang pumayag pero kalaunan ay pinayagan niya na rin ako sa gusto ko.

Sayang ang pera!

Gustuhin ko man na maglako ngunit hindi na naman maaari. Ayoko nang makasalubong iyong lalaking binasagan ko ng salamin ng kotse. Baka sa susunod na magtagpo ang landas namin ay ipatapon niya agad ako sa kulungan.

"Oh1 Siya sige! Bumalik ka na lang ulit bukas para magluto. Pamula bukas ay 350 pesos na lang ang ipasasahod ko sa'yo," sambit ni Aling Batseba.

Tumango ako sa kaniya at pagkatapos ay naglahad ako ng kamay habang nakangiti sa kaniya ng sobrang lawak.

"Ah... Aling Batseba, nalimutan mo po yatang ibigay sa akin ang sahod ko sa pagluluto at paglalako." Nakita ko kung paano siya napangiwi at nagkamot sa ulo.

Lihim akong napaismid sa kaniyang ginawa.

"Ay! Oo nga ano? Pasensya na at nagiging makakalimutin na ako," wika niya habang dumudukot ng pera sa kaniyang bulsa.

Ngumiti na lang ako ng pilit at mas inilapit ko ang nakalahad kong kamay sa kaniya.

Sus, ang sabihin niya ay ibubudol budol niya na naman ako. Kahapon ay kulang ng dalawang piso ang ibinigay niya sa akin pero hindi ko na lang sinabi sa kaniya. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon.

Sabi ko sa sarili ko ay baka hindi lang talaga siya marunong magbilang o kaya naman sadyang namali lang siya sa pagbibilang kaya nagkulang.

Pero ngayon ay napag-alaman ko na sadyang dinuduga niya ako sa pagpapasahod niya sa akin. Kinakalimutan ba naman ang pagbibigay ng sahod ko.

Binilang muna ni Aling Batseba ang pera at pagkatapos ay agad niya itong ibinigay akin. "Oh ayan na ang sahod mo. Saktong-sakto iyan."

Saglit ko siyang tinitigan sa mata.

Huwag ako Aling Batseba. Huwag mo akong lokohin! Alam kong kulang na naman ito.

"Talaga, Aling Batseba?" hindi naniniwala na saad ko.

Ngumiti lang siya sa akin bago tumango ng dalawang beses.

"Oo naman," tipid niyang sabi.

"Ah sige," tipid naman na sabi ko.

Itinupi ko ang papel na pera at pagkatapos ay binuksan ko ang zipper ng belt bag ko. Pa-simple kong tiningnan si Aling Batseba. Malawak ang kaniyang pagkakangiti na para bang nanalo siya sa jueteng. Lihim akong napangisi. Ilalagay ko na sana ito ngunit bago ko pa maipasok ang pera sa loob ng bag ko ay tumigil muna ako.

Ha! Anong tingin niya sa akin. Uto uto? Asa pa siya!

"Oo nga pala, bibilangin ko muna, baka kasi alam mo na...uhm baka po kasi kulang," may panghihimok na sabi ko habang nakatingin sa kaniya.

Napansin kong napalunok siya ng laway kaya napangisi ako.

Akala mo ah!

Nakangiwi na binilang ko sa kaniyang harapan ang pera na ipinasahod niya sa akin.

"One hundred... Two hundred...three hundred.....four.....five...six....sevennnn...." may kalakasan ang boses na pagbibilang ko.

Nang matapos kong bilangin ang mga buo na pera ay agad kong isinunod ang mga barya. Isang sampung piso na buo, bente pesos na buo at ang natitira ay mga pisong barya na.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now