Kabanata 11

78K 2.4K 197
                                    

Kabanata 11


"Ang sarap mong tirisin, Sibuyas." nagngingitngit na bulong ko habang naglalakad papasok sa storage room.

Dalawang linggo na niya akong pinapahirapan. Hindi naman niya ako minamaltrato pero halos bugbog na ang katawan ko sa sobrang pagod.

Nakakainis siya.

Miski ang oras ko upang magpahinga ay kinukuha niya parin. Wala siyang patawad, kahit nakain ako ay wala siyang pakialam. Uutusan niya parin ako.

Napapairap na lang ako tuwing tinatawag niya ako. Gustong gusto ko siyang sigawan upang sabihin na time pers at kakain lang ako ngunit hindi ko magawa. Baka kasi mas lalo niya akong hindi pakainin. Demonyito pa naman iyon.

Aburido na kinuha ko ang walis tambo na nasa loob ng isang maliit na kwarto. Dito nakalagay ang lahat ng gamit na panlinis ng bahay. Kinuha ko ang mop, pandakot, walis tambo, at isang basahan.

"Madumi na naman ang bahay ng sibuyas na iyon. Letse. Kakalinis ko lang kahapon eh, tapos pag gising ko kanina ay ang dami na namang kalat? Paniguradong nagkakalat siya tuwing gabi pag tulog na kami ni Aling Sares." Mahinang pagrereklamo ko habang kinukuha ang mga hanger na gagamitin ko mamaya.

Kukunin ko na lahat ng kakailanganin ko upang hindi na ako bumalik dito mamaya.

Maglalaba din ako tapos magbubunot parin ako ng mga ligaw na damo sa hardinan. Madami na naman akong gawain.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Halo-halo ang mga nakatambak dito. May mga lumang gamit na pang kusina at may tv pa.

Nilapitan ko ito at tiningan. Maayos pa naman ang mga ito, ni wala nga ding kagasgas gasgas. Napaismid ako. Mga mayayaman nga naman. Kahit hindi pa sira ang gamit ay papalitan na agad ng bago. Mukha pa namang bago ang Tv at ref na ito. Sinasayang lang eh, mapapakinabangan pa naman.

"Mapera kasi." mahinang bulong ko sa sarili.

Sayang naman. Nagsasayang lang sila ng pera. Hindi ba nila alam na maraming mahihirap ang naghahangad na nagkaroon ng tv at ref. Tapos ay itatambak lang nila dito at pababayaang maalikabukan? Kung ako si Sibuyas ay ipamimigay ko na lang ito sa mga mahihirap.

Hindi nag-iisip. Madamot. Kuripot.

Naiiling na lumapit ako sa vaccum. Imbis na maghimutok ako dito ay mas maganda yatang simulan ko na ang paglilinis. Inilagay ko sa may kalakihang cart ang mga bagay na kinuha ko. Matapos iyon ay agad ko nang itinulak ang cart at lumabas na sa silid na iyon. Nasa labas ang storage room katabi nang kwartong tulugan naming mga katulong.

Sa aking paglabas ay tumama agad sa aking balat ang sinag ng araw. Alas nuwebe pa lang ngunit medyo mahapdi na sa balat ang sinag ng araw. Iba na talaga ang panahon ngayon. Hindi na tulad ng dati. Nag iiba na ang panahon, pati ang ibang bagay at ang ugali ng tao ay nag iiba na din.

Wala na talagang permanente sa mundo.

Si Sibuyas kaya? Magbabago pa kaya iyon? Kailan kaya iyon magiging mabait at mapagbigay sa kapwa? Napanguso ako nang hindi oras. Mukhang malabo nang mangyari iyon. Baka kahit pumuti na ang utak ay hindi parin nangyayari ang bagay na iyon. Sa madaling salita, imposible!

Habang dumadaan ako sa may swimming pool ay napaisip ako. Muli kong naalala ang mga kapatid kong hilaw, pati narin ang aking mga magulang na nasa probinsya.

Kelan kami aahon sa hirap na tinatamasa namin? Magawa ko pa kayang iahon sa hirap ang pamilya kong nasa probinsya? Ilang buwan na akong hindi nagpapadala sa kanila. Napabuntong hininga ako sa naisip. Kulang pa ang kinikita ko upang ipang tustos sa mga kapatid kong hilaw para may maipakain ako sa kanila. Ni-hindi na ako makapag padala sa mga magulang ko.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now