Kabanata 13

72.4K 2.1K 98
                                    

Kabanata 13

"Amara, Come on, Saluhan mo ako sa pagkain." Napatigil ako sa paghuhugas ng pinggan.

Gulat ko siyang hinarap at pagkatapos ay itinuro ko ang aking sarili.

"Ako?" tanong ko habang nanlalaki ang mata na nakatingin sa kaniya.

Tumango lang siya at hindi na umimik.

Gaga! Ako lang naman ang Amara dito kaya siyempre ako ang tinutukoy niya. Sasaluhan ko siya sa pagkain?

Dahan-dahan na umiling ako. Hindi parin makapaniwala sa kaniyang sinabi. Nakakahiya! Katulong niya ako tapos.... sasabayan ko siyang kumain?

"Ha? Busog pa ako. Kakakain ko lang kaninang alas onse ng umaga." tumatangging sabi ko.

Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Mas lalo ding tumingkad ang kulay berde niyang mga mata.

"Then eat again. Sabayan mo ako sa pagkain." matigas na utos niya sa akin.

Umiling ulit ako. Hindi talaga! Amo ko siya tapos isa lang akong katulong.

"Ayoko nga sabi. Hindi pa ako gutom. Kumain ka mag-isa mo." naiinis na sabi ko.

Ang ayoko sa lahat ay pinipilit ako.

"Such a hard headed woman." seryoso niyang bulong habang naiiling.

Ingles na naman. Baka minumura niya na ako?

"Ano?" walang katapusan na tanong ko gamit ang salitang 'ano'

"Pag-sinabayan mo ako, mababawasan ng isang araw ang pagsisilbi mo sa akin." sabi niya sa akin habang naglalagay siya ng kanin sa kaniyang plato.

Wala nang pagdadalawang isip na umupo ako sa harapan niya. Para akong hangin sa sobrang bilis.

"I never thought that you will be that fast when it comes in that terms of deal." may ngisi na nakapaskil sa labi niya habang sinasabi iyon.

Naguguluhan na napatulala ako sa kaniya. Ang bilis niyang magsalita. Fast lang ang naintindihan ko sa kaniyang sinabi.

"730 days bawasan mo ng isa." arogante na sabi niya.

730 days? Nagbilang agad ako sa aking isip. Nang makuha ang sagot ay bigla akong napamura nang mahina.

"Ano? Dalawang taon akong maninilbihan sayo ng walang bayad? Paano ko bubuhayin ang mga kapatid ko?" gulat na tanong ko.

Naihilamos ko ang aking palad sa mukha.

Tontang buhay ito oh! Malas! Ikukulong niya ako sa buhay niya? Paano ko naman bubuhayin ang mga kapatid ko!

"Kung sasabayan mo ako lagi sa pagkain ay mababawasan ito lagi ng isang araw." walang reaksyon na sabi niya habang kumukuha naman ng ulam.

Inis ko siyang sininghalan. Kahit na! Sobrang tagal parin noon! Kahit yata sabayan ko siya sa pagkain ng ilang araw ay aabutin pa din iyon ng isa't kalahating taon!

"Ang galing! Tang ina! Wala akong  paki! Naglolokohan ba tayo? Dalawang taon iyon pero wala akong sinasahod sayo. Paano ko bubuhayin ang mga kapatid ko kung kulong parin ako sayo. Wala kang awa." pilit kong pinipigilan ang sarili kong paltukin siya ng kutsara sa mukha.

Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa inis na nararamdaman.

Tumigil siya sa ginagawa at pagkatapos ay tiningnan niya ako. Diretso sa mata. Walang mababasang reaksyon sa mukha niya.

"Do you still remember what you did on my precious car? Lahat ng sinasahod mo ay ipinangbabayad mo sa utang mo sa akin. Sinira mo ang kotse ko. It's worth millions of dollars."

The Billionaire's Sexy WhoreTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang