Kabanata 36

60.1K 1.4K 115
                                    

Kabanata 36

"Bunso, may gustong makipag-date sayo." rinig kong sabi ni Kuya Holi na nasa tabi ko.

"Ayoko." walang pakielam na sabi ko habang tinitingnan ang mga manlalaro.

"Pero bunso, nasa tamang edad ka na. Pwede ka ng mag-jowa." pamimilit na sabi niya.

"Ayoko nga, kuya. Huwag mo akong buwisitin. Tumahimik ka kuya nanonood ako ng karera." nagpaharurot ang lalaking sakay sa kulay pulang motor kaya napasigaw ako.

"D'yan ka muna ha? Bibili lang ako ng makakain." biglang pagpapaalam na sabi niya.

Kunot noo na tiningnan ko siya at pagkatapos ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Tatlo na kayong bumibili ng pagkain ah? Kanina si Kuya Kalel ang nagpaalam, tapos sumunod si Kuya Bojo! Ngayon naman ay ikaw!"

"Babalik agad kami. Huwag kang mag-alala." may ngisi sa labi na sabi niya.

Inirapan ko siya at pagkatapos ay tumango na din. Mga matatakaw!

"Sige. Ingat ang mga bakla sayo." pagpapaalam na sabi ko.

"Gago! D'yan ka na nga." pikon na sabi niya.

May nagkagusto kasi sa kaniyang bakla at hanggang ngayon ay hinahabol parin siya kahit may jowa na si Kuya Holi.

Limang minuto noong umalis si Kuya Holi ay may biglang lumapit sa aking lalaki na may brace sa ngipin. Nakangiwi na nginitian ko siya noong ilahad niya sa akin ang isang dosena na pulang rosas.

"Pota!" mahinang mura ko noong mapagtanto kong pinagkaisahan ako ng mga kapatid ko.

Inis akong umalis doon pagkatapos kong bastedin ang lalaking inirereto sa akin ng mga kapatid ko.

Napagkaalaman ko kay Kuya Kalel kinabukasan na pinahiram daw sila ng motor noong lalaki kapalit ng isang gabing date. Nag-init ang ulo ko sa mga kuya ko kaya hindi ko sila pinansin.

"Amara, pumunta dito si Mareng Esang. Kukunin ka daw niyang Reyna Elena para sa Flores de Mayo ng baryo natin." pagbibigay alam ni Inay sa akin. Mabilis na umiling ako bilang pagtutol.

"Inay, ayoko."

"At bakit? Libre na iyon. Siya na daw ang gagastos." pagtatanong na sabi niya.

"Anla, ayoko ho na magsuot ng gown." may pandidiri na sagot ko.

Biglang lumapit sa akin si Inay at pagkatapos ay inayos niya ang buhok ko at sinuklay niya ito.

"Subukan mo. Wala naman mawawala kung gagawin mo diba?" Pagpipilit na sabi niya.

"Basta ayoko po." tipid na sabi ko.

"Kapartner mo yata si Senorito Tremor." mahinang sabi ni Inay.

Bigla akong natigilan sa sinabi ni Inay. Nanlalaki ang mga mata na humarap ako sa kaniya.

"Talaga po?"

Ngumiti si Inay nang nakakaloko at pagkatapos ay tumango siya.

"Oo hindi ba't crush mo iyon?" biglang namula ang pisngi ko sa kaniyang sinabi. Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Humahanga lang po, Inay." sabi ko at pagkatapos ay ngumuso.

"Bente Anyos ka na. Nasa tamang edad ka na at ayos lang naman sa amin, Amara na magkaroon ka ng kasintahan. Pero dapat alam mo ang limitasyon mo. Kasal muna bago mo ibigay ang puri mo."

Bigla akong natawa upang tabunan ang namumuong saya sa dibdib ko.

"Inay, mandiri ka nga. Hindi ko po agad agad ibibigay ang bagay na iyon. Syempre dapat kasal muna para hindi kasalanan sa Diyos. Magkamatayan na kami ng magiging kasintahan ko bago ko ibigay sa kaniya ang puri ko kung hindi pa kami kasal." paliwanag ko sa kaniya.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now