Kabanata 46

62.8K 1.8K 127
                                    

Kabanata 46

"Aling Sares, si Orion po?" tanong ko kay Aling Sares noong makababa ako sa may hagdan.

Tanghali na ako nakagising at hindi ko na naabutan pa si Orion sa kaniyang kwarto. Kailangan ko siyang makausap. Alam kong nagkaroon kami ng away kagabi pero kailangan parin naming mag-usap ngayon.

"Naku, umalis kaninang alas singko ng umaga." sagot niya sa akin habang tinitingnan ako.

Nagsalubong ang aking kilay dahil sa narinig. Umalis siya ngunit bakit?

"Po? Wala po siyang trabaho ngayon." mahina kong sabi.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ayoko mang isipin na pumunta siya kina Shanelle pero may posibilidad na doon siya pumunta. Linggo ngayon at wala siyang trabaho. Nabanggit na din ni Orion sa akin dati na hindi sila nagkikita kita ng mga kaibigan niya tuwing linggo dahil araw iyon para sa pamilya.

Nadagdagan na naman ang sakit.

"Baka may aasikasuhin na emergency sa opisina." sagot sa akin ni Aling Sares.

Ngumiti na lang ako ng pilit upang palisin ang lungkot sa mukha ko. Nagpapaalam siya tuwing aalis siya, at tuwing may aasikasuhin siya sa opisina.

"Ah sige po." mahinang sabi ko.

Aalis na sana siya upang pumunta sa kusina pero agad ko siyang pinigilan.

"Manang..."

"Bakit?" tanong niya sa akin.

"Magpapaalam po sana akong umuwi muna." mahina kong sabi sa kaniya.

"Ha? Dadalawin mo ba si Daniela?" tanong niya sa akin.

"Opo. Bibisitahin ko lang po ang kaibigan ko." tumatango na sabi ko. Kailangan ko ng kaibigan na makakausap. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang sakit.

"Sige. Ngayon na ba? Ingat ka ha?" pilit na ngumiti ako sa kaniya.

"Wala si Mang Jun dahil kasama siya ni Donya Emily sa pagshopping. Walang maghahatid sayo ngayon." pagpapatuloy niyang sabi.

"Ayos lang po. Sanay naman po akong mag-commute." mahina na sabi ko.

"Mag-iingat ka sa byahe ah?" bilin niya.

"Salamat po."

Pumunta agad ako sa bahay namin. Pagpasok ko pa lang ay sinalubong na agad ako ng katahimikan. Wala na ang maiingay kong mga kapatid. Noong makita ko si Daniela ay agad ko siyang sinalubong ng yakap.

Natawa siya sa aking ginawa noong isinisiksik ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib.

"Miss na kita bakla." mahinang sabi ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang pag-iyak.

"Nako, baka ako ang pinaglilihian mo ah?" Natatawa niyang sabi sa akin.

"Hindi no. Ang panget panget mo tapos ikaw ang paglilihian ko? Ayokong maging panget ang anak ko no." Pang-aasar na sabi ko sa kaniya.

Nagtawanan kami sa sinabi niya at pagkatapos ay ngumuso ako habang humihiwalay sa kaniya.

"Sus, tara libre kita? Sumahod na ako sa trabaho ko." pagyayakag niya sa akin.

Tipid akong ngumiti at tumango sa kaniya.

"Sige. Buntis ako ngayon kaya maghanda ka na! Ubos ang pera mo." sabi ko

"Dapat nga ikaw manlibre eh! Mayaman ka na. May mapapangasawa kang bilyonaryo."

Tipid akong napangiti sa sinabi niya. Pilit kong itinatago ang lungkot na nadarama ko.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now