Kabanata 15

72.3K 2K 194
                                    

Kabanata 15

"Amara! Amara!" napabalikwas ako noong marinig ko ang pagtawag sa akin.

Isinarado ko ang librong binabasa ko at kunot noo akong napailing.

"Amara! Amara!" napairap ako sa eskandaloso na sigaw ni Daniela sa labas.

Ano na naman kayang kailangan ng bruha?

Nagkakamot ng ulo na lumabas ako sa kwarto. Nagbabasa ako pero natigil ako dahil sa eskandalosong pagtitili niya sa labas. At ngayon naman ay sumisigaw na siya habang tinatawag ako.

Malaki na ang sayad niya sa utak! Tapos abala pa siya.

"Ano na naman bang problema mo dyan! Para kang manok na putak ng putak!" salubong kong sabi sa kaniya habang tinataasan ko siya ng kilay.

Ang reaksyon niya ay parang gulat na gulat. Hinila niya agad ako palabas ng bahay.

"Amara! May kotse sa labas ng bahay!" natatarantang sigaw ni Daniela.

Nang makalabas kami ay agad niyang itinuro ang kotse. Hindi ko ito tiningnan, nasa kaniya ang atensyon ko habang tinataasan siya ng kilay.

Nakita ko siyang nakanganga at nakatulala.

"Oh ano naman kung may kotse doon? Malay mo naman at nakiparada lang dyan! Inaabala mo ako sa pag-aaral eh!" sabi ko. Akmang papasok na ulit ako sa pinto ngunit pinigilan niya ako.

"K-kotse!" tila na mamangha na sabi niya habang tinuturo ito.

Sinundan ko ang tingin niya at napansin kong nakatingin siya sa kotseng itim. Napairap ako ng malupit dahil sa katangahan niya.

Magarang kotse? Matataranta sana ako katulad niya kung artista ang nandoon eh ngunit hindi naman. Kotse lang iyon!

Muli kong siyang tiningnan. "Oo kotse nga iyan! Ano naman? Parang ngayon ka lang nakakita niyan ah?"

"Kotse nga!" Muling ulit niya.

Napairap ulit ako. Again and again? Repetitive? Sa tagalog ay paulit-ulit? Nabasa ko lang sa libro kanina. Pakiramdam ko nga ay tumatalino na ako.

"Oo nga! Kotse nga iyan! Para kang tanga! Matagal mo ng alam iyan! Nag-aadik ka ba?" nakanguso na sabi ko.

Kukutusan ko na sana siya pero nagbago ang isip ko. Baka kasi gantihan niya ako tapos sapukin ako. Ayokong mawala ang mga inaral ko. Baka maging bobo ako.

"Hindi no!" giit niya.

Muli niyang itinuro ang kotse sa akin.

"Para kang lutang! D'yan ka na nga! Abala ka! May ginagawa ako!"Inis na sabi ko. Aalis na sana ako ngunit pinigilan na naman niya ako sa pamamagitan ng paghigit niya sa buhok kong mahaba.

Napadaing ako sa kaniyang ginagawa. Sadista!

"May nakita ako sa loob ng kotse!" maarte niyang sabi habang pinahaharap ako sa kotse.

Inirapan ko siya. Pakialam ko? Kahit sinong poncio pilato pa iyan. Wala akong cares.

No care. I will gust...i will gust...ah basta iyon na lang. Wala akong paki.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang bigla akong matigilan noong napasulyap ako sa taong bumaba sa kotse.

Nahulog ang aking panga sa sobrang gulat. Naka-suot ito ng pantalon at polo shirt na blue. Mayroon din siyang suot na shades kaya mas naging hot siyang tingnan. Mukha talagang modelo!

"Ang gwapong lalaki na itinadhana sa akin!" tili ni Daniela habang kinikilig.

Muntik na akong mawalan ng hininga noong tiningnan niya ako ng seryoso.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now