Kabanata 35

63.8K 1.6K 139
                                    

Kabanata 35

"Amara, bumaba ka dyan!" Galit na utos sa akin ni Inay.

Hindi ko siya pinansin at pilit ko paring inaabot ang mangga. Medyo hindi ko ito maabot kaya lumakad pa ako sa sanga upang lumapit dito. Malakas na pagsigaw ni Inay ang muling narinig ko kaya agad ko siyang sinagot pabalik.

"Saglit lang po, inay. Kukunin ko lang po yung mangga." nakangiwi na sabi ko at iniabot ko ulit ang mangga.

Sa pangalawang pagkakataon na pagsubok ko ay nakuha ko din ang mangga at napangiti agad ako.

"Hindi bumaba ka riyan! Isa! Hindi ka bababa dyan o papaluin kita ng palapa!" panakot na sabi ni Inay sa akin.

Napatingin ako sa kaniya at pagkatapos ay napatawa. Nakuha ko naman inay kaya ayos lang po kung may palo. Ang mahalaga ay nakuha ko ang paborito kong mangga.

"Opo! Bababa na po!" natatawang sigaw ko at pagkatapos ay tumalon ako sa puno.

Halos mahimatay ang ina ko dahil sa takot noong tumalon ako. Hahampasin niya sana ako ng pamalo ngunit nakailag agad ako.

"Ikaw talagang bata ka! Bakit ka tumalon? Paano kung nabalian ka ng buto! Edi, nalumpo ka!" Inis na sigaw niya sa akin.

"Inay naman, masyado ka pong nag-aalala. Kaya ko pong tumalon ng ligtas. Tingnan mo po oh, wala akong kagalos galos." akmang tatakbo ako pauwi noong matigilan ako.

Maraming dala si Inay na basket kaya nilapitan ko siya at tinulungan sa pagdadala. Itinapon na naman niya kanina ang panghampas kaya naglakas loob na akong lumapit sa kaniya.

"Nako! Ikaw talaga! Kung sino pa ang anak kong babae siya pa ang nagbibigay sa akin ng konsumisyon!" may inis na sabi niya habang kinukuha ang isang basket na nakapatong sa lupa.

"Huwag ka ng aakyat sa puno! Pag- ikaw pumatak! Kukurutin kita sa singit!" pananakot niya sa akin.

Napanguso ako at pagkatapos ay nagpapaawa na tiningnan ko siya.

"Nay naman, kung malumpo po ako sa pagpatak sa puno. Edi, nasa ospital na po ako noon! Kukurutin mo pa po ako sa singit? Edi, lalo pong dumagdag ang sakit ko sa katawan." pilosopo na sabi ko sa kaniya.

Inirapan ako ng pinakamamahal kong ina at pagkatapos ay kukutusan niya sana ako pero lumayo ako sa kaniya.

"Pilosopong bata! Umuwi ka na kung ayaw mong ipapalo kita sa ama mo." naiinis niyang singhal sa akin.

"Hindi po ako papaluin ni Ama. Mahal po ako noon." natatawa kong sabi.

Muli akong inirapan ni Inay at pagkatapos ay wala na din siyang sinabi. Siguro ay napagtanto niya na ako na naman ang kakampihan ng ama ko dahil mahal ako noon. Mahal naman kaming lahat ni Ama pero ako ang laging pinapaboran niya.

Sa aming magkakapatid ay pangita na ako ang paborito ng aking ama dahil nag-iisa akong babae. Walong taon na ako at sobrang kulit ko. Laging umiinit ang ulo ni Inay sa akin dahil hindi ako parang babae kung umasta. Alam kong mahal niya ako dahil ramdam ko iyon. Talagang minsan ay naiinis siya sa akin dahil ang kulit ko.

"Si Ama mahal ako nay! Di ako papaluin ni Ama kasi baby niya ako."

"Tse! Sige! Ako papalo sayo!" nanghahamon na sabi ni Inay sa akin.

Natatawang tumakbo ako paalis palayo kay Inay. Malapit na kami sa aming bahay kaya tanaw ko na si Ama na pinapakain ang kaniyang mga alagang manok.

"Ama, inaaway po ako ni Inay!" pagsusumbong na sigaw ko kay Ama.

"Hulyo! Pagsabihan mo nga iyang anak mong babae! Umakyat na naman sa puno ng mangga!" sumbong ni Inay kay Ama pagkatapos naming kumain ng hapunan.

Natatawa na tiningnan ako ni Ama.

The Billionaire's Sexy WhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon