Kabanata 41

63.8K 1.7K 79
                                    

Kabanata 41

"Gaya ng napag-usapan." sabi ko at pagkatapos ay inilagay ko sa lamesa ang envelope na pinapakuha niya.

Kinuha niya ito at tinignan ang loob. "Where's my family's heirloom?" Tanong niya sa akin.

Ipinasok ko ang aking kamay sa bulsa ko upang kunin ang kwintas.

"Saglit lang, kinukuha ko pa. Huwag kang atat!" reklamo ko sa kaniya.

Nagmamadali ba siya? Hindi siya makapaghintay!

"Oh heto sambutin mo!" sabi ko sabay hagis sa ere.

Walang hirap niya itong nasambot habang nagmumura.

"Fuck! Be careful with this. You should not throw it in the air! What if, I didn't catch it! I don't want it to be broken! This is much more important than your life." Naiinis niyang sabi sa akin.

Tiningnan niya at pinagmamasdan ang bawat sulok noong kwintas. Muntik na akong mapairap sa kaniyang ginawa.

"Nakuha mo na ang gusto mo. Nasaan ang kapatid ko?" mataray na tanong ko sa kaniya.

"She's not here." sagot niya sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi niya. Paanong wala? Hindi ba siya sumunod sa usapan namin?

"Ano? Sinabi mo bang wala dito ang kapatid ko?" naiinis kong tanong sa kaniya.

Tiningnan niya ako ng seryoso at pagkatapos ay nginisian niya ako.

"You heard it. She's not here."

Nakaramdam ako ng pagkainis sa kaniya. Gusto ko siyang sapukin ngunit pinipigilan ko lang ang sarili ko. Baka pagsinaktan ko siya ay paulanan ako ng bala ng mga kasama niya.

"Pinaglololoko mo ba ako? Ginawa ko ang gusto mo! Naibigay ko sayo parehas tapos sasabihin mo na wala sayo ang kapatid ko?" may galit na sabi ko.

"One of my man accompanied her in your house. She's safe now." seryoso niyang sabi sa akin habang inilalagay niya sa attaché case ang envelope at yung kwintas.

Napansin kong may tinipa siyang code doon at naglock agad ito.

"Paano ako nakakasiguro na totoo ang sinasabi mo?"

"Do you want proof? Here's the Cctv footage in your street." sabi niya sa akin.

Inilabas niya ang kaniyang cellphone at pagkatapos ay iniharap niya ito sa akin.

Nakita ko sa cellphone niya ang pangyayari sa labas ng bahay namin. May cctv sa kanto namin?

Saktong may dumating na sasakyan at lumabas dito ang isang lalaki at kasunod noon ang isang bata. Nakita kong tumakbo si Kiki papasok sa loob ng bahay at nahagip pa sa kamera si Daniela na kakalabas lang ng bahay. Hindi umalis ang kotse. Si Kiki at Daniela na naman ay  akita kong magkayakap.

Napahinga ako nang malalim sa nasaksihan.

"See? She's still alive and safe." diretsang sabi niya.

Naging kalmado ako dahil tumupad siya. "Salamat at tumupad ka sa usapan."

"I do what I promised! But you didn't do your part." may inis sa boses na sabi niya habang nakahawak sa earpiece na nasa tainga niya.

Bigla akong naramdaman ang panglalamig dahil sa sinabi niya.

"Ano?"

"I told you not to bring anyone, but you did." inis niyang sabi sa akin at pagkatapos ay pinanlisikan niya ako ng tingin.

The Billionaire's Sexy WhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon