8. Pampered

2K 53 6
                                    

Elqenna

Running away from embarrassment, I made it out of their house. Gusto ko lang tumakbo ng tumakbo. Pero hindi ako nakalayo dahil naabutan kaagad ako ni Mavvy.

Why is he so annoying? Can't he just leave me alone?

“Blair, where are you going?”

“Nakikita mo diba? Pinapahiya ako ng kuya mo. He doesn’t love me anymore."I want to be mean but I realized that I need a company instead of an enemy. "Mavvy, hindi ko alam ang gagawin ko,” umiiyak na sumbong ko.

Dahil sa sobrang bigat ng dibdib ko, I no longer protested when he generously gave me a warm tight hug. For minutes, I just sobbed on his chest. I was thankful at first that he chose to be silent but then it irritated me afterwards for the same reason. Not hearing him say anything always gives me this strange feeling and I end up getting upset.

“Mavvy, would you believe him that I lied about—“

“No,” he immediately answered. “Raven’s a jerk. Kung may pipiliin akong paniwalaan, ikaw ‘yon. You’re this sweet innocent girl who’s not good at lying.”

“What if I do?”

“You’re not, Frappie. Kasi kung nagsisinungaling ka, aagawin kita kay kuya.”

I know he meant that as a joke but it stunned me for seconds. He’s just fooling around, Qenna. Don’t be stupid. I kept convincing myself but I still can't get the nervous feeling out of my chest. To regain my composure, I just faked a laugh.

“Psycho.”

“Tara, bumalik na tayo  sa loob,” he invited, ignoring my comment at him. “Wag tayo dito, baka mate-tempt na naman akong halikan ang ex-girlfriend ng kapatid ko.”

Pagkasabi niya no’n, nagpatiuna na akong pumasok ng bahay. Uminit ng sobra ang mukha ko. Paanong ang dali lang sa kanya na banggitin ang tungkol do'n? Baliw talaga. Tumawa pa. Ano? Nakakatawa para sa kanya ang ginawa niya kanina sa closet?

Ugh! Nakakainis! Ayokong maalala ‘yon.

“Hoy Frappie, nagbibiro lang ako!”hirit niya bago ako tuluyang pumasok ng bahay.

Hindi ko na siya nilingon. Diri-diretso akong naglakad papunta sa kwarto. Raven was there, beside my packed-up things.

“What are you doing?” I confronted him, my brows creased in cluelessness.

“You’re leaving, Qenna. Ihahatid na kita.”

“Hindi ako aalis rito. Hindi ako papayag na magpakasaya ka nalang kasama ang babae mo! How dare you, Raven! You will never have what you want! I will make sure of that!”

“That’s the reason why I ended it. Qenna, ang immature mo. Ang arte-arte mo. You’re always so dramatic. And you’re paranoid,”pahayag niyang nagpakuyom ng palad ko.

With all my strength, I threw my fist at him. He managed to hold my hands though. Pero nabawi ko din ‘yon agad. Hinampas ko siya ng paulit-ulit sa braso kahit na nanakit ang mga kamay ko.

“Ang kapal ng mukha mo! Ang sama-sama mo! Ganito na ako no’ng una mo ‘kong nakilala! You shouldn’t have pursued me then if being me makes you irritated! Hindi ka dapat nagpakita sa bahay ko no’ng araw na ‘yon! Ba’t  ang dali lang sa’yong saktan ako ha? Ano bang kasalanan ko sa'yo?!”

“Qenna, I’m sorry,” he gently whispered while he hugged me, stopping me from hitting him. “But it’s just really over for us now.”

“I hate you!”sigaw ko sabay tulak sa kanya.

FAKE PREGNANCY °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon