21. Truth Night

1.9K 46 11
                                    

Maverick

Parang hindi totoo lahat. 'Yong babaeng matagal ko ng gusto, nililigawan ko na.  Blair was all I see since four years ago. I was just too stupid to make a move. Hanggang tingin lang ako sa kanya malayo. I never thought na ibabalik din siya ng tadhana sa'kin.

"Di nga! Maverick, siya 'yon?"Yohan exclaimed in disbelief when I recalled a day we followed Blair and her friend. Crush ni Yohan 'yong kaibigan ni Blair na palagi niyang kasama noon.

"Oo nga 'no? Siya nga 'yon. Ibig sabihin, mas una mo siyang nagustuhan kaysa kay Raven? Dude, ba't 'di mo niligawan agad? Ang tanga mo naman eh!"

Bakit hindi ko niligawan? Tsk.

***

Kasama si Yohan, nag-escape kami mula sa meeting ng college namin. Papasok na kami ng kotse no'n nang mamataan ko si Manika kasama ang bestfriend niya.

"Qenna, Denver just said he likes you!"

Sa halip na kiligin, she made an acrid-face, 'yong parang diring-diri siya.

"Eww. Raphie, I didn't think boys are this disgusting. Kadiri. I'm going to die single. I swear,"she declared.

Denver? Oo, marami ngang nagkakagusto sa gagong 'yon. Team captain 'yon ng varsity e. Ang gagong 'yon ang dahilan kung bakit nakick-out ako sa basketball team. Tsk.

"Hoy! Kanina ka pa nakatayo diyan! Maverick, ano? Tutuloy ba tayo?"sigaw ni Yohan na nasa loob na ng kotse ko samantalang naestatwa parin ako, nadisappoint sa narinig.

***

Blair was mean to guys. Hindi lang 'yon 'yong unang nakita ko siya na nagreact tungkol sa mga lalaking nagkakagusto sa kanya. Mali na naging duwag at torpe ako. Oo gwapo ako. Pero hindi rin naman mga pangit 'yong nanligaw sa kanya noon. Nagulat na nga lang ako nang malaman kong nagde-date sila ni kuya. Tsk.

"Ba't nga pala tayo bibili ng bulaklak? Para kay Dolly ba 'to?"usisa ni Yohan habang naglalakad kami papuntang flower shop.

"Para sa'yo. Gusto mo? Tsk."

"Ito naman. Dude, I was just asking at ba't sa kakompetensiya tayo bibili ng bulaklak? This is betrayal to tita Marg!"

Mom owns a few flower shops. But even before she established her own business of that sort, dito na ako bumibili ng bulaklak lalo na kapag para kay mommy. I've never bought a bouquet of flowers for a woman except for mom. That exception now includes my beautiful Frappie.

"This is mom's favorite. Sa tingin ko magugustuhan 'to ni Frappie,"nakangiting sabi ko.

"Sa tingin mo, mahilig sa bulaklak si Dolly? Hindi ko masyadong naalala na binibilhan siya ni Raven ng bulaklak."

"Gago si Raven. Ako, gwapo. Magkaiba 'yon Yohan. Magkatunog lang."

"Hambog nitong kumag."

Nginisian ko lang siya. Balak ko talagang magpa-miss kay Blair kaya ang plano ko ay dadaan lang kami para ibigay ang flowers at chocolates tapos aalis na kami. That was the plan. Pero nanatiling plano lang 'yon.

"Pasok na muna kayo,"nakangiting imbita ni Blair matapos kunin mula sa'kin ang bulaklak na iniabot ko kasama ang malaking stuff toy at box ng chocolates.

"Hindi na, Frappie. May lakad kami ni Yo—"

"Dude, balikan mo nalang ako mamaya. Dolly said, I can stay."

FAKE PREGNANCY °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now