12. Avoid

1.7K 49 2
                                    

Elqenna

While I woke up in a very bad mood, the psycho seemed to have a really good morning. His smiles reached up to his eyes while he and Yohan watched their morning tape, Tom and Jerry. Hindi ko sinadyang isipin siya buong gabi pero ginugulo na naman niya ang isip ko. What he did to me in my closet and what happened between us last night kept rolling over and over in my head. So, I decided to avoid him, to stop talking to him and yes, to hate him back again. Mali e. Kapatid siya ni Raven. I shouldn't even be thinking of him right now but I just can't really help it!

"Good morning, dolly!"bati ni Yohan bago pa ako makatalikod.

Sobra akong nabubiwesit nang mamataan ang baliw na kaibigan niya. Nakatitig lang naman siya sa'kin habang nakangisi, normal na ginagawa niya para pikunin ako.

"Nasa'n si Raven?"I asked instead.

"Sino?"he asked, grinning sheepishly which made me realize about what he said to me last night; about the choice I'm free to make.

"Never mind."

"He went off early, dolly,"Yohan answered  kindly for me though.

"Thanks, Yohan."

"Did you hear that dude? Your doll said thanks to me!"

Nagulat ako nang patayin ni Mavvy 'yong TV at patakbong lumapit sa'kin. Bago pa niya ako maabutan, tumakbo narin ako pabalik sa kwarto. Just as I was about to lock the door, he pushed it open.

"Mavvy, 'wag kang pumasok! Sisigaw ako!"pananakot ko.

Ngumisi lang ang timang at binuhat pa ako nang tuluyan na siyang makapasok ng kwarto. He dropped me to the bed and climbed on top of me.

"Maverick! Ano'ng ginagawa mo?"kinakabahang tanong ko.

"Sino nga 'yong hinahanap mo?"tanong niya kasabay ng mapanudyo niyang ngiti.

"Hinahanap? Wala akong hinahanap!" pagkakaila ko. Hindi ko alam kung bakit ako tumawa, siguro dahil tumawa siya sa sagot ko.

Ugh! Elqenna! Hindi mo na dapat siya pinansin e!

"Friends na ulit tayo ha? Frappie?"he sweetly muttered in a cute manner, in a cute-Maverick-way, which means talking with pouted lips like an innocent baby. Tipong hindi mo mahindian. "Wag ka ng magalit sa'kin."

No. Elqenna, umayos ka.

"Hindi naman tayo kailanman naging friends-—"

"Ah, gano'n?"sambit niya saka sinundot ng paulit-ulit 'yong tagiliran ko.

"Psycho! Tumigil ka!"awat ko habang di ko mapigilang 'wag tumawa. Nakakakiliti kaya.

"Ano? Hindi tayo friends?"

"Oo na. Ang kulit e."

Umalis siya mula sa pagkapatong sa'kin at tinulungan pa akong bumangon. I was catching my breath so I remained silent while the jerk still kept laughing his ass off.

"You want us to be friends, right?"I finally said what I wanted to ask afterwards.

"I want you to be my wife too, is that fine with you?"

"Ew."

Tumawa na naman siya. It's contagious when he laughs, you can either laugh too or smile and or both.

"Oo, friends tayo. Bakit?"

"Edi 'wag mo na ulit gawin 'yong ginawa mo kagabi,"nahihiyang wika ko sabay tingin sa malayo.

"Ano ba'ng ginawa ko kagabi?"pang-aasar ng kumag. Hinampas ko siya sa braso at tumawa na naman siya. "Frappie, ano ngang ginawa ko kagabi?"

"Ba't di mo subukang alalahanin?"

FAKE PREGNANCY °[KathNiel] ✓COMPLETENơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ