18. Frappie

1.9K 48 3
                                    

Maverick

Nakakamiss ang babaeng 'yon. Kahit si mommy e halatang-halata na namimiss niyang may kasamang babae sa bahay. Matagal na niyang gustong mag-ampon ng babaeng magiging kapatid namin, mula pa pagkabata namin ni Raven. Dad was against it.

Palaging binabanggit ni mom ang pangalan ni Blair, almost every hour. She didn't notice na parang unconsciously, she remembered Blair in everything. Napaghahalataan din tuloy ang gago kong kapatid na nagsisisi siya sa panloloko niya sa ex niya.

"Kailan mo balak dalawin si Qenna, Mavvy? You mentioned yesterday you'll be seeing her. Ikumusta mo ako 'nak."

"Mom. She's not free. May kailangan daw kasi siyang asikasuhin."

It's true. Kaya nga naasar ako e. Dalawang araw na mula nang makauwi siya at hindi ko pa siya nakikita ulit. Ewan ko kung ano ang pinagkakaabalahan no'n. Last night, nang tawagan ko siya, she said she's doing something important. Probably, going to salon. Rich kid with credit cards. But I have to admit, Blair changed without her knowledge when she stayed at home with us. Ang laki ng pagbabago.

When I first heard her talk while she's in the house, I was utterly astounded how she can be so maarte and cute at the same time. Siguro kaya cute, kasi hindi pilit. Pero talagang napakaarte niya-yong paraan niya ng pagkilos, ng pagsasalita at pananamit.

"Dude! May tawag ka!"pagpapa-alam ni Yohan who borrowed my phone to play games.

"Is it Blair?" I asked excitedly.

"If it was her, I wouldn't have given it to you. Ako na mismo ang sasagot," nakangisi niyang tugon.

"That's it, bro. Hindi mo na pwedeng hiramin ulit ang phone ko," sabi ko sabay hablot ng phone sa kanya.

Kasalukuyang nasa sala kaming lahat. Nagtataka nga ako kung bakit hindi umaalis ng bahay si Raven. Mukhang binabantayan yata ako. Takot yatang maagaw ko si Blair. Naalala kong sinabi nga pala ni Yohan na may tumawag kaya chineck ko ang screen.
Tsk.

"Why are you calling?"I answered begrudgingly, making Raven and mom look up to me with questioning eyes.

"Third, I'm just impressed. Now, you're behaving well. No report of your misdemeanor in a month-"

"Shut up, dad. If that's the reason why you called, don't call again. If you do, I'll block you," I threatened him.

"Listen, son. Na-miss ka na ng daddy. Let's meet this weekend so we can talk about your position in the compan-"

"Ano ba'ng mahirap intindihin sa ayaw ko ngang magtrabaho sa'yo!? Wala akong time. May ime-meet ako this weekend. Bye,"paalam ko agad at diretsong pinatay ang tawag.

Ang kapal talaga ng mukha. How could he still have the guts to call me? Pagkatapos lahat ng ginawa niya sa mommy ko? Tsk! Bad trip!

Bago pa makapagtanong si mommy ay patakbong umakyat ako paakyat ng kwarto. Kumuha lang ako ng cap at hoodie at bumaba narin kaagad.

"Yohan, tara. Alis tayo," tawag ko kay Yohan na nakaupo sa couch, katabi si mommy.

"Anak? Sa'n ka na naman pupunta?"hirit ni mommy bago ako makalapit kay Yohan na pormang-porma.

"Anong na naman? Dalawang araw na akong nagpirmi lang ng bahay-oh, correction. Isang buwan pala."

Isang buwan mula nang nandito sa bahay si Blair. Parang ang bilis ng takbo ng oras. Isang buwan na 'yon? Pakiramdam ko saglit lang dito si Blair eh.

"We're leaving, mom," paalam ko. Hindi niya kami napigilan nang umalis na kami ni Yohan. Hindi ko rin naman siya binigyan ng pagkakataong magsalita para pigilan kami.

FAKE PREGNANCY °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now