Past and Future 🙊

2.1K 72 15
                                    

Maverick

Mula sa bahay ni Blair, dumiretso ako pauwi para magmakaawa kay mommy o kahit kay Raven. Hindi ko kayang mawala sa'kin si Blair. I love her so much. I can forget about my pride and beg if I needed to.

"Mom. Please... She cannot leave the country, mom! Her life will be miserable," I begged her.

"So, your brother is right. She only used you to escape whatever kind of life she has. She doesn't love you, Maverick. She is just using you!"

"Raven..." Kumuyom ang panga ko nang marinig ang pangalan ng gago kong kapatid. "So he told you that? Mom, for just one time, can you believe my words against Raven's? Pwede bang ako naman ang pakinggan mo. Ako naman 'yong paniwalaan mo." Mom remained unfazed but I had to keep trying. "We love each other, mom. If I will lose her, I am better off dead."

"It is your choice. If that woman is more important than your family, you can leave, Maverick. Marry her. Is that what you want? Turn your back against your family? You think that's the right thing to do? Do it then. And if I die, do not cry for me."

Hindi ko alam ang gagawin ko para mapigilang umalis si Blair. If she would only listen to me. If she would just give me the time I need to fix things... Only if she would but she was not even giving me the chance I was asking.

Inaabangan ko siya sa malayo araw-araw. She wasn't leaving the house. Dalawang araw ko palang siyang hindi nakikita pero para na akong mababaliw. Paano pa kaya kapag tuluyan na siyang lumayo at mawala sa'kin?

With my phone in hand, I was tempted to dial her number. Eventually, I did try to call her but I can no longer reach it. For the first time, I felt angry at her. So she just decided by herself now that everything between us was over! She just cut all the ties between us! Ano'ng nangyari sa walang sukuan? Ano'ng nangyari sa ipaglalaban namin ang isa't isa? 

What happened, Blair?

It's these moments that I feel grateful to have a jerk bestfriend. Yohan and I went out every night, hopping from bar to bar and getting drunk. He introduced me to some girls but I couldn't even stare at them. Naaalala ko lang si Blair.

"Huh. What's this, Third? Getting drunk every night to change mom's mind?" salubong ni Raven sa'kin matapos kong ipasok sa garage ang kotse isang madaling araw.

"Ito ba 'yong gusto mo? Ang mawala sa'kin si Blair? She is not going to come back to you. She's not even sure if she loved you. Ako ang mahal niya, Raven," sinabi ko para ipamukha sa kanya ang totoo. Na hindi na babalik si Blair sa kanya kahit na iwan niya pa ako. "Ang kapal talaga ng mukha mo. Niloko mo siya, kuya! Wala kang karapatang magreklamo kung nasasaktan ka!" mahabang pahayag ko habang kinukwelyuhan ko siya. "But you win. You win because she's left me too," I added before letting him go.

Kinulit ako ni Yohan na lumabas sa mga sumunod na araw para narin mawala ang pagkabadtrip ko. On the way, tumawag si dad at may hininging favor kaya nagpunta ako sa isa sa mga coffee shops na pagmamay-ari niya. It's where I saw her again, my Frappie. Nakatalikod lang siya sa'kin pero kilalang-kilala ko siya. Gusto ko siyang lapitan para yakapin at sabihin sa kanyang nagtatampo lang ako sa ginawa niya  no'ng huli kaming magkausap pero mahal na mahal ko parin siya. Pero nang lumingon siya't makita ako, nagmamadali nalang siyang umalis. Gustuhin ko man siyang sundan, alam kong gusto niyang 'wag ko na siyang habulin.

Masakit panoorin siyang umalis... na lumayo sa'kin. Para ngang paulit-ulit na sinaksak ang puso ko e, mas masakit pa kaysa ng malaman kong naging sila ni kuya. But maybe, afterall, Blair's right. It's better off this way. Pero hindi ibig sabihin na hindi ko na siya ipaglalaban at hihintayin. Aayusin ko lang muna ang sa'min ni mommy.

FAKE PREGNANCY °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now