27. Father

1.8K 44 11
                                    

Elqenna

Innigo wanted to visit an island in Cebu so I didn't have a choice but to extend my stay in the country. My things were already packed. Naghihintay nalang akong sunduin ni Innigo para makaalis na kami papuntang Cebu.

"Ma'am Qenna, may bisita nga po pala kayo sa baba," one of the helps in the house informed me.

Napabuntong-hininga ako. Please Mavvy, don't make this any harder. Gusto mo naman yata akong patayin e!

Mas naasar ako nang makitang hindi si Mavvy ang naghihintay sa'kin. I was dismayed. I loathed myself for anticipating that I thought I would see him.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Raven?"bungad ko pagkababa ko.

"Qenna, we can still make it work,"walang pag-aatubiling sabi niya. Uminit agad 'yong ulo ko. Ang kapal din talaga ng mukha niya.

"Please, umalis ka na,"pakiusap ko ng mahinahon, hindi nakatingin sa kanya.

"Qenna, please—"

Nang mahawakan niya ang kamay ko, uminit 'yong ulo ko. Hindi na ako nakapagpigil at sinampal ko siya ng malakas sa magkabilang pisngi.

"Alam mo ba kung ano ang dinala mo sa buhay ko, Raven?"umiiyak na singhal ko. "Wala, wala. Puro sakit. Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon? Mas masakit ng labing libong beses no'ng saktan mo 'ko,"I paused and sobbed in front of him for a few seconds. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. It just hurt so much.

"Mahal na mahal ko si Maverick. Parang nadudurog 'yong puso ko na kailangan ko siyang layuan, na kailangan ko siyang kalimutan para sa'yo. Sa'yo na wala namang ibang ginawa kundi sirain lang ang buhay ko!!!"nanggagalaiti sa galit na pahayag ko. "Why do I even have to do this for you? Bakit kailangang masaktan ang kapatid mo para ikaw hindi? Gano'n ba ka-unfair 'yong mundo?"

"Hindi mo mahal si Mavvy, Qenna. Kailangan mo lang siya! You are just confused! You only wanted to escape your life. You don't want to be married to Innigo. You don't want to go abroad kaya ginagamit mo ang kapatid ko—"

"Ang kapal ng mukha mo!"sigaw ko matapos siyang sampalin ulit. "Siguro 'yan ang dahilan kung bakit gustong-gusto kong maikasal sa'yo noon. Gustong-gusto ko na maitali ang buhay ko sa'yo para makatakas sa pesteng buhay meron ako. Kaya pala," sagot ko para galitin siya pero mukha naman siyang walang pakialam. "Wala kang alam, Raven. If there was something that wasn't love, it's not what I have for Mavvy. It's what I had for you. Kay Maverick ko lang nakita at natutunan 'yong totoong pagmamahal. Ikaw, wala kang ibang pinakita sa'kin kundi sakit. Kaya please, habang hindi pa kita kinamumuhian, umalis ka na. Nakikiusap ako, 'wag ka na ulit magpakita sa'kin. Tama na ang dalawang beses na winasak mo 'yong buhay ko. Makontento ka naman. Ang sakit-sakit na o. Baka isang pasakit pa mula sa'yo, Raven, baka ikakamatay ko na. Honestly, I hope I just didn't exist. Ang sakit Raven e. Feeling ko ngayon, ngayong wala na kami ng kapatid mo, feeling ko I am already dead. And your face reminds me of how much I love him. So please, nagmamakaawa ako sa'yo. Tama na. Itigil mo na 'to. Pabayaan mo ako. 'Wag ka ng magpakita sa'kin please."

Magkahalo ang galit at sakit na nararamdaman ko dahil naalala ko ang nangyari kahapon. Kung alam lang ni Mavvy kung gaano kasakit ang talikuran siya. Gustong-gusto kong magmakaawa na ‘wag niya akong sukuan, na ako ‘yong piliin niya pero hindi ko kaya. Ang hirap maging selfish lalo na kung para lang din naman sa taong mahal mo ang gagawin mo.

***

"What are you doing here?"tanong ko nang harapin ko siya.

Gustong-gusto ko siyang yakapin. Naninikip ang dibdib ko. Miss na miss ko na siya. Gusto kong sabihin sa kanyang okay lang na pinaghiwalay niya kami ni Raven. Okay lang.

FAKE PREGNANCY °[KathNiel] ✓COMPLETEOnde as histórias ganham vida. Descobre agora