2

9.2K 197 4
                                    

Chapter 2

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Ang sinag ng pang-umagang araw ay tumatama sa aking pisngi. I heard few gentle knocks on the door. Kinusot ko ang aking mga mata at mas nilunod pa ang sarili sa puti at makapal na kumot. Sinilip ko ang katabi ko at napagtantong wala na ang asawa doon. Hindi sinasadyang nadako ang paningin ko sa pader malapit sa closet.

I inhaled deeply when the memories of last night flashed inside my head. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi nang maalala ang ginawa niya sa akin. My gosh, Amber! D'yan talaga? Pumayag ka talagang d'yan gawin ang bagay na iyon?

I pouted. I told him I wanted to do it sa bed namin!

"Amber," boses ni manang habang patuloy pa ring kumakatok ang nagpabaling sa akin sa pintuan. "nakahanda na ang agahan mo, hija. Bumangon ka na riya't baka malate ka sa trabaho mo."

"Yes, manang! Maliligo lang po ako saglit." I shouted.

Mabilis akong dumeretso sa banyo para makaligo at makapagbihis. Naglagay ako ng manipis na make up at hindi gaanong mapulang lipstick, lotion, pabango, at ilang beses ko munang pinasadahan ng suklay ang buhok ko bago lumabas ng kwarto. I fixed my black bodycon dress while rushing towards the kitchen for breakfast.

Nadatnan ko si manang na nakayuko at may kung anong hinahanap sa refrigerator. Naghila ako ng upuan at sinimulang kainin ang nakahandang bacon sandwich. Hindi naman ako masyadong nagmamadali dahil thirty minutes pa naman bago mag-eight ng morning.

"Si Zacharius po?" Tanong ko kahit alam ko namang nakaalis na.

"Maagang umalis. Kilala mo naman ang asawa mo." Aniya habang hirap na hirap na kinakapa ang loob ng ref. "Naku, iyong asawa mo talagang iyon napakapilyo! Nag-uwi pa ng babae habang narito ka, sus maryosep!"

Bumagal ang pangnguya ko sa gigil na tono ni manang. Alam kong sa aming dalawa, mas higit niyang kilala si Zach. She's been a part of the Grays for decades, lumipat lamang dito nang ikasal si Zach sa akin.

"Ano bang nangyayari sa lalaking iyon at bakit mas lumalala ang pagkasutil? Hay naku!" Ani manang na umiling-iling pa.

Ngumuso ako at bahagyang itinukod ang mga siko sa lamesa.

"Hindi niya inuwi, manang... dinala niya po." Pagtatama ko sa una niyang sinabi.

Pinanood ko ang pagkuha ni manang sa isang supot ng orange. Isinara niya ang refrigerator at inilapag ito sa lamesa. Kumagat ako sa sandwich at sinundan ng tingin ang pagkuha niya ng baso at kutsilyo sa counter.

"Nag-uwi o nagdala, walang pinagkaiba roon. Mag-asawa kayo at dapat na ituring ka niya bilang asawa niya. Tignan mo't lumabas ka nanaman at gabing-gabi pang umuwi." Aniya habang isa-isang binabalatan at hinihiwa ang mga orange.

"Ayos lang po. Sanay na ako." I said, gaslighting myself into thinking that I am fine with it.

Obviously, I am not.

Manang shook her head and squeezed the sliced oranges in my personal glass. I wetted my lips out of habit. Hindi ko alam kung bakit paborito ko ang orange juice. Kahit anong kainin ko ay gusto kong ito ang pantulak. But of course, if it isn't available, other drinks will do. Paborito ko lang talaga itong inumin.

"Ikaw talagang bata ka. Hinahayaan mo, tuloy ay lalong ginagawa." Sabi ni manang na parang sobrang disappointed sa akin.

Ngumuso ako at kumagat ng kaonti sa kinakain. Eh anong magagawa ko? Hindi ko kontrolado ang asawa ko. Zach is just so hard to control.

"Alam niyo namang kahit lumuhod ako sa harapan niya, wala pa rin po iyong epekto." I said.

He despise the whole of me so much. He didn't like me then, nothing's changed until now. Sa halos isang taon kong pamamalagi kasama siya, kakaonting bagay lang ang sigurado ako tungkol sa kanya. He hates being controlled and deprived of his freedom more than anything else, that I'm very sure of.

Unreachable ZachariusWhere stories live. Discover now