37

8K 151 21
                                    

Chapter 37



"You two can talk for a bit then we shall go after that." He added when he noticed my silence.

The room was silent the whole time we were eating. I actually don't plan on eating breakfast, but I figured I was hungry so I ate a little. Pagkatapos kumain ng kaunti ay tumayo na kaagad ako at nag-toothbrush. I also blow-dried my hair a bit. Pagkalabas sa banyo ay dumeretso naman ako sa dresser para sana mag-apply ng lotion at make up. I left all of them here. It's still a good thing Zach didn't throw them away. At least may gagamitin ako ngayon. Ngayon lang. Ibibigay ko na lang ang mga naiwan ko rito kay Manang Leticia.

I was about to apply lipstick when I noticed something. Marahan akong suminghap nang makita ang basag na salamin ng dresser. I caressed its broken parts using my fingers. Hindi na rin ako nagtanong. I silently applied make up, only relying on the mirror from my foundation.

Pumasok ako sa closet pagkatapos at naghanap ng sandals. Sobrang dami ko pang naiwan kahit pinakuha ko na ang iba sa tauhan namin. I chose a black four-inches stilettos. Natigilan ako nang mahagip ng tingin ang nagkalat na hanger sa sahig. Some of them are even broken! Tumitig ako ng ilang segundo doon. I blinked away, naalalang may hinahabol akong oras.

Pagkalabas sa closet ay nakita ko si Zach sa kama, tapos nang kumain. Nakapamaywang siya at chinecheck ang kanyang cellphone. Binaba niya iyon nang makita ako. Sinuot ko ang stiletto ko habang ramdam ko ang tingin niya sa akin.

"Where are you gonna do the photo shoot?" He asked.

Umupo ako sa sofa dahil nahihirapan akong isuot ang sandals.

"My agency's building. A bit nearer than my condo. Good thing the sponsored one was scheduled tomorrow. I'll just show you the way later." I answered without looking at him.


He's dressed into a shirt and faded jeans. May lakad siguro. I heard from his phone call that he's cancelling his morning schedule. Ngumuso ako dahil sa naisip.

"I'll call Manang Leticia," he announced while putting down his phone on the bed.

Dinampot ko ang suklay at nagsimulang pasadahan ang buhok. Sinulyapan ko lang siya at hindi na kumibo. After spraying just enough amount of perfume on my neck and wrist, I checked my phone to see what time is it. Nakita kong alas-otso na ng umaga. Nakaramdam ulit ako ng kaba para sa photo shoot.

I smoothed over my dress. Suot ko na ang sling bag ko at tinitignan na lang ang repleksyon sa basag na salamin ng dresser nang bumukas ang pintuan. Manang Leticia greeted my sight. Nagkasalubong ang tingin namin at kita ko ang gulat sa mga mata niya. I smiled at her.

"Amber!" She gasped, shocked.

Lalong lumapad ang ngisi ko habang sinasalubong siya ng yakap. Inatake niya kaagad ako ng yakap. I giggled when she withdrew from the hug just to check me out. Lumayo pa siya ng kaunti sa akin at nanlalaki ang mga matang pinasadahan muli ako ng tingin na para bang hindi makapaniwala na ako nga ang nasa harap niya.

"B-Bakit ka nandito? Kailan pa at bakit hindi kita nakita? Nagkabalikan na ba kayo ni Zach? Naku! Miss na miss na kita!" She said, almost getting hysterical.

Umiling ako at pinunasan ang kaunting luha sa gilid ng mata ni Manang. She's getting emotional from the shock. I understand. Masyadong mabilis ang mga pangyayari noon at maaaring marami siyang hindi naintindihan sa mga pangyayari.

"I miss you, too. Is Zach treating you right?" I asked, a bit playful so she won't worry too much about me.

She smiled, her wrinkles showing. Pinaupo ko siya sa sofa at tinabihan. I held her hands. Mukhang nakabawi na siya sa gulat dahil medyo nakakangiti na. Nangingiti ako habang tinitignan siya. My soar mood suddenly changed because of her.

Unreachable ZachariusWhere stories live. Discover now