33

9.7K 183 31
                                    


Chapter 33



Binuhat niya ako papunta sa magara niyang kotse. He gently put me on the passengers seat and remained standing beside me for awhile. Sumandal ako ng ilang saglit sa upuan at pumikit ng mariin. I feel weird and dizzy. Nahuhulog na rin ang mga mata ko sa pagod. Ngayon ko lang naramdaman ng sobra ang epekto ng alak na ininom kanina. Tumikhim ako at umayos na ng upo. Tiningala ko siya.

"Iuwi mo na ako," sabi ko.

He blinked his serious eyes once. Ilang segundo pa siyang tumitig sa akin bago umatras at sinarado na ang pintuan sa aking banda. I watched him walk in front of the car for the drivers seat. Pumikit akong muli at pinakiramdaman ang pagpasok niya sa sasakyan.

"My condo..." I reminded him weakly.

Naramdaman ko ang marahang pag-andar ng sasakyan. Siguro dahil sa matinding pagpupumiglas kanina ay napagod ang katawan ko. Para akong hinehele nang umandar na ng mabilis ang sasakyan.

"Put on your seatbelt..." I heard his deep voice but I was too tired to process what he just said.

Pilit kong nilalabanan ang antok pero sa pagod ay halos hindi ko na maimulat ang mga mata ko.

"Amber Ylena, " malambing na boses na niya ngayon.

Bahagya akong gumalaw. I slurred and moaned as a response.

"Seatbelts, baby..."

I moaned louder in irritation. Sobrang inaantok ako. I can't feel my feet. My body felt numb. Parang lumulutang ako sa ere.

Paidlip na ako nang maramdaman ko ang dahan-dahang pagtigil ng kotse. I opened my eyes when I felt him fastening my seatbelt. Bahagyang nawala ang antok ko nang matanaw ang matangos niyang ilong at ang pulang-pula niyang labi malapit sa aking pisngi.

I had a full view of his face when he slightly pulled back. Seryoso niyang sinigurado na maayos ang pagkakalagay ng seatbelt sa katawan ko. With falling lids, I struggled to watch him.

"Sa condo ko, Zacharius..." I reminded him again.

He stared at me. He licked his lower lip and nodded. Satisfied, I let myself fall asleep. Bago ako tuluyang sakupin ng dilim ay naramdam ko ang marahang paghaplos ng kaniyang palad sa aking pisngi at ang mahina at paos niyang bulong.

"I'm sorry..."

Naalimpungatan ako sa banayad na haplos sa aking pang-ibabang labi. Kumunot ang noo ko at bahagyang gumalaw. Nanatili ang mga mararahang haplos sa aking labi patungong ilong at pisngi habang unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Zach's sleepy eyes greeted my blurry sight. I blinked and stared at him for seconds. It is dark but the lampshade behind him was enough for me to see his face.

Kinapa ko ang hinihigaan ko. I creased my forehead at him. I inhaled heavily when the memories flashed in my mind. Oh my gosh!

"It's still early. You should sleep again," he whispered huskily.

I was about to open my mouth pero napaisip ako. Umawang ang bibig ko at napabalikwas ng bangon. Nahulog ang kumot at instinct na bumaba ang tingin ko sa katawan ko. I am wearing an oversized printed black shirt! Asan ang black dress ko?

Pisadahan ko ng tingin ang malaking kama. Sunod na hinanap ng mga mata ko ay ang paligid. Kumalabog ang puso ko. It is dark because the lampshade was the only light of the room. But I couldn't be mistaken! This is definitely not my room!

Nililis ko ang kumot at umalis kaagad ng kama sa pagkakaalarma. I nervously looked for slippers pero nang masulyapan ang pagtayo ni Zach at tangkang paglapit sa akin ay natigilan ako. Akala ko tuluyan siyang lalapit sa akin pero yumuko siya at may kinuha sa ibaba ng kama.

Unreachable ZachariusNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ