44

6K 157 20
                                    


Chapter 44


Matagal bago ako pinakawalan ni Zach. Kinailangan niya muna akong ihatid hanggang sa ibaba ng hagdan at kahit na naihatid na ay ayaw pa akong pakawalan. Mahigpit ang hawak niya sa aking baywang nang aamba na akong iiwan siya doon, parang nag-aalinlangan pang bitawan ako. I stopped when I sensed his frustration. I smiled at him to ease his doubt. Tumingkayad akong muli at pinatakan siya ng mabilis na halik sa labi.

He sighed when I pulled away. Ngumiti ako at bahagyang inatras ang aking mukha upang makita ang kaniyang reaksyon. Umawang ang aking bibig nang mabasa ang kaunting takot sa kaniyang madilim na mga mata habang nakatitig sa akin.

I didn't expect the little pinch in my chest. My heart hurts with extreme happiness while seeing him like this. He seems so scared that I might leave. He seems so scared of losing me. I felt like jumping in delight knowing that he seemed to be so scared to lose me as much as I am scared to lose him.

"Hindi ako lalabas..." I assured him again before I pulled away and turned my back at him.

Hahakbang na sana ako ngunit napansin kong naroon pa rin ang mahigpit na hawak niya sa aking baywang. Bumuntung-hininga ako. I turned around and I didn't expect him to pull me. Tuloy ay napatingkayad ako ulit at hindi ko inaasahan ang pagsalubong sa akin ng kaniyang halik. I froze. Napahawak ako sa kaniyang matigas na dibdib sa gulat.

"Baby..." he moaned before pulling away with a slight tug on my lower lip.

Hindi nagtagal ang halik ngunit malalim iyon. Kumurap-kurap ako, hindi pa rin nakakabawi sa gulat sa kaniyang ginawa. Pinagdikit niya ang aming noo at hindi ko inaasahan ang pagkiskis niya sa aming ilong. Kumalabog ang dibdib ko at nag-init ang aking pisngi.

"I love you..." he whispered huskily, sending a quick shudder of delight down my spine.

"Y-You should go upstairs. Naghihintay ang parents mo," I managed to croak out despite the shock and tingling sensation that I'm feeling.

Hindi siya gumalaw ng ilang segundo. Hinayaan ko siyang ganoon. Makalipas ang ilang saglit ay naramdaman ko ang marahan niyang pagtango at pilit na paglayo. Unting-unting kumalas ang kaniyang kamay sa aking baywang. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi.

"Manang's probably in the kitchen. Pupuntahan ko..." hindi ko inaasahan ang lambing sa aking boses.

He nodded while staring deeply at me. "Uh-hmm. I'll watch you go," he said in a low voice.

Tumango ako at bago pa man maunahan ng karupukan ay mabilis ng tumalikod. I slowly walked towards the kitchen. Lalong bumagal ang lakad ko habang papalapit sa bukana ng kusina. I couldn't help myself but to look back. Nagulat ako nang wala na siya sa dulo ng hagdan at naglalakad na papalapit kay Manong Nilo na kakapasok lang. Napapahinto kong pinanood ang seryosong pagsalubong niya dito.

"Ring me if Amber goes out of the Unit," Zach instructed in his usual firm and authoritative voice.

Ngumuso ako. He's making sure that I won't escape. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit nagulat sa paninigurado niya. Saka lang ako nakahinga ng malalim nang matanaw si Manang. She was busy preparing drinks when I walked in. Kaagad niya akong napansin.

"Amber!" Gulat na pagtawag niya sa pangalan ko.

Nahinto siya sa pagtitimpla at sinalubong ako ng yakap. Yumakap rin ako pero mabilis ring kumalas. Pinaghila niya ako ng upuan at pinaupo. I smiled and said my thanks as I looked up at her.

"Anong ginagawa mo rito? Nasaan si Zach? Dumating ang kaniyang mga magulang!" Ani Manang, hayan nanaman siya sa pagkakataranta.

"Nasa itaas ho sina Tita and Tito," sabi ko.

Unreachable ZachariusDonde viven las historias. Descúbrelo ahora