25

9.3K 210 50
                                    


Chapter 25



Ilang segundong wala siyang imik sa paanan ko. I smiled bitterly against the soft fabric of his pillow. How I wish my name could give him that same reaction. How I wish I was Lynea. Sana ako iyong binabalik-balikan. Sana ako na lang. I wish I was on her shoe. Maramdaman ko sana ng panandalian kung paano magmahal ang isang Zacharius Gray. I wish...

"This has nothing to do with her. Where the fuck did you get that idea?" He hissed after the deafening silence between us.

Imbes na sumagot ay nanatili akong walang imik. I felt my lids getting heavy by the minute. Tuluyan na akong dinalaw ng antok.

I slept the whole day. Madilim na sa labas at mas malakas na ang ulan nang maalimpungatan ako. Rinig na rinig ang malakas na hampas ng hangin sa veranda. Ibinaon ko ang aking mukha sa unan. I let out a hoarse moan when I felt a sudden twitch on my temple. Kahit na mabigat ang katawan ay sinubukan ko pa ring bumangon.

I leaned my back at the bed's headboard. I winced when my temple throbbed again, a little bit worse this time. My eyes stings and I still feel drowsy from what seems like forever of crying. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at halos mapatalon nang mabungaran ang isang pigura.

Looking past my messy curtain hair, my eyes laid on a calm Zacharius Gray. I blinked my eyes rapidly. He's standing just beside the bed while tying his robe. His wet hair ruffed up in a mess. Hawak niya ang isang maliit na tuwalya na ipinupunas sa basang buhok.

Mataman ang titig na iginawad niya sa akin. My eyes fell on the blanket that probably fell on my thighs when I got up. Wala akong kumot nang matulog ako. Nag-angat akong muli ng tingin at nadatnan siyang ganoon pa rin.

"Why are you here..." My voice trailed off.

I tucked some strands of my hair at the back of both my ears. Tinakpan ko ang aking ilong ng makaramdam ng pagkakabahing. Suminghot ako at halos mandiri sa tunog niyon.

"You have colds." Zach stated in a stern tone.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin. He ran his fingers through his hair and made that infamous manly snobbish glare of him

"It's already past 7. Let's eat dinner so you can take your medicine." Aniya at tinalikuran ako.

Why he is so casual is beyond me especially with the fact that I just mentioned Lynea. Lumunok ako at ilang beses pang kumurap, kinakalma ang sarili. I expected that I would woke up alone in the room. Magtatabi ba kami? Tatabihan niya ako? I sighed when I realized that of course, he'd sleep here. This is his room. If I want to be alone, I'd simply just go to the guestroom.

Pumikit ako ng mariin at nanghihinang sumandal sa headboard ng kama. Hindi ako gumalaw dahil wala pa ako sa tamang huwisyo para tumayo. Isa pa, hindi talaga maganda ang pakiramdan ko. My temples are twitching bad and my eyes hurt.

"Come here now so you can sleep again after you take the medicine, Amber Ylena." Zach called formally.

My eyes snapped back at him. Nakatalikod siya sa akin ngayon, inaayos ang mga kubyertos sa lamesa.

"I'm still not over my sleep. I'm too weak to get up." Pormal ko ring tugon.

Marahan akong pumikit at nagsapo ng noo. Nang dumilat ako ay nakita ko ang marahas niyang pagbaling sa akin.

"Stop with the dramas. Get up now." he fired at me, like a boss to his employee.

Offended by his tone, napipilan ako at bahagyang natulala sa kanya. My lips parted for a few moments and I remained immobile. And as if triggered by his tone, my tears started to pool in my eyes.

Unreachable ZachariusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon