29

10.4K 206 54
                                    


Chapter 29



"I will move on from you eventually... you'll see." I bravely said.

Huminga ako ng malalim. For years, I had admired him deeply despite the anger and hatred that he gave me. I became a masochist for him. I sacrificed so much for him. I had loved him so much that I lost myself. At walang makakapantay sa sakit na naramdaman ko noong iwan ko siya.

I stared at him. Walang salitang lumabas sa bibig ko pagkatapos ng sinabi niya ngunit ramdam ko ang pagkulo ng galit sa kaibuturan ko. Masaya siyang malaman na hindi pa ako nakaka-move on sa kaniya? Talaga? Gusto kong ipamukha sa kaniya na parang kailan lang ay atat na atat pa siyang paalisin ako! Parang kailan lang ay gustung-gusto na niya akong burahin sa buhay niya.

"We'll see about that, baby," he hummed.

I glared at him sharply. Baby your face! Gusto kong isigaw pero pinili kong maging kalmado.

"Do not baby me," I stressed.

"Yes, I am not over you yet. I won't lie. So what if i'm still into you? Isn't that supposed to make you upset?" I asked, trying to compose myself while he was still busy wiping my cheeks.

Malamig ko siyang binalingan, magkahalong pagpapasensya at galit ang aking ekspresyon. Natigilan siya sa marahang pagpunas sa pisngi ko. His eyes then narrowed and his lips pursed. His adams apple moved, indicating that he swallowed. Bumuntung-hininga ako at inagaw sa kanya ang tissue.

I shot him a warning look. Kinuha ko ang foundation sa aking purse at nagsimulang linisin ang pisngi ko, never minding his weird stare.

"Do you enjoy watching me being this miserable?"

Ibinaba ko ang salamin at binalingan siya. He cleared his throat. Ramdam kong nauubusan na rin siya ng pasenya. Tumaas ang isa niyang kilay at imbes na sagutin ako ay marahan niyang inabot ang aking seatbelts at kinabit iyon ng walang imik. Itiniim ko ang aking bibig sa pagpipigil na manumbat pero sa huli ay hindi ko rin napigilan.

"You know what, you are so fucking selfish. You like playing with my feelings—" I was immediately cut off before I can even finish.

"I am not playing with your feelings, alright? Please..." pagod niya akong tinitigan. "Just let me do this."

Marahan niyang inayos ang seatbelt sa katawan ko bago lumayo at umayos ng upo sa driver's seat. Kumunot ang noo ko. This? What 'this' is he talking about? Hayaan ko siyang tratuhin ako ng ganito pagkatapos ng lahat na nangyari? Is he serious?

Mapakla akong tumawa. After everything that happened, he seriously thinks he still has the right to control me? Or i'd let him control me? More so, make a fool out of me? No!

"Hindi ako sasama sayo. Ibaba mo ako." I said firmly.

Umiling siya. Umigting ang kanyang panga at hindi ako nilingon. Laglag ang panga ko habang pinapanood siyang tiim-bagang na pinaandar ang kotse. The way his lips pressed firmly and the way his jaw clenched defined his ruthlessness. Nawala ang pagiging mahinahon sa kanyang ekspresyon at napalitan iyon ng matinding kawalan ng pasensya.

I bit down on my lower lip. Pisikal na sakit at iritasyon ang nararamdaman ko. Sakit, dahil malaking parte sa akin ang nag-iisip na pinaglalaruan niya lang ako. He was just probably bored. Iritasyon, dahil hindi ko magawang magtapang-tapangan ng buo sa harap niya.

"Ibaba mo ako!" My voice trailed off.

He glanced at me as he maneuvers the car out of the basement. Salubong ang kilay at hindi na nagpakita ng anumang kalambutan.

Unreachable ZachariusWhere stories live. Discover now