38

7.4K 162 23
                                    

Chapter 38



I fastened my seatbelt while he slid into the driver's seat. Diretso na ang tingin ko, determinadong hindi madugtungan ang usapan kanina.

I kept my eyes focused outside the window. Hindi na rin naman siya nagsalita. Huminga ako ng malalim nang pinaandar niya ang kotse ng walang imik. My phone rang inside my purse. Tahimik kong kinuha iyon at tinignan ang caller ID. It was Chloe.

"Hello, Chloe. I'm already on my way." I informed her.

"Oh, okay. I was about to ask you that. Nandito na kasi ako sa studio."

"Yeah. I'm on my way. Alam mo ba kung ano ang mga susuotin ko?" I asked just to make the call longer.

"Ah, yes, nandito. Merong tight dress saka hindi ko alam itong isa. Parang Americana, miss, tapos white lacy brassiere then cycling shorts."

Umawang ang bibig ko. A what?

"What's the brassiere for? I thought the sexy-themed would be shot tomorrow?" lito kong tanong.

"Hindi iyon bukas. Sa isang araw pa ang sponsored, miss. 'Yun 'yung bikini na i-shooshoot sa beach. Go-see ang pupuntahan natin bukas. Marami kang damit sa itatry ngayon, e. Hindi ko lang masyadong maintindihan kung para saan itong parang Americana."

I bit my lower lip. Para saan nga ba iyon? And whose idea is it? Napabuntung-hininga na lang ako at inisip na titignan ko na lang ng personal mamaya.

"Sige, titignan ko mamaya. I'm gonna hang up now." sabi ko.

Pinatay ko ang tawag. Nilingon ko si Zach. Seryoso siyang nakatingin sa kalsada. He glanced at me a bit when he noticed my stare. Nag-iwas ako ng tingin.

Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan. I was playing with my fingers while watching the high buildings outside. Panay ang buntung-hininga ko. I wish I brought my ear pods para sana may pinapakinggan naman ako.

"You can play music if you want," I heard him said.

Parang nabingi pa ako sa sinabi niya. Sinulyapan ko ang kanyang iTouch. Umiling kaagad ako.

"I'm fine..."

Tiniis ko ang katahimikan ng kotse. Nabuhayan ako ng dugo nang malagpasan na namin ang aking condo. I checked what time is it and sighed in relief. It's still twenty minutes before nine. Malapit na ang station kaya siguradong makakarating ako ng photo shoot sa tamang oras. Hindi ko na rin kayang magtagal dito kasama si Zach. Nahihirapan akong huminga.

"It's that building. Sa gate..." sabi ko nang matanaw ang station.

He glanced at me but my face remained still. He pulled over at the station's gate. Kinailangan pang ibaba ang salamin ng sasakyan upang papasukin kami. The guard immediately recognized me so he let us pass. Mabilis ang pagtanggal ko sa aking seatbelt pagkarating. I fixed my hair and dress a bit. Tahimik siyang lumabas sa sasakyan at umikot para pagbuksan ako. He held out his hand to help me but I ignored it. Umatras siya at ibinaba ang kamay nang hindi ko iyon tanggapin.

"Thank you for the drive." Pormal kong sinabi.

Inayos ko ang sling ng bag sa aking balikat at tiningala siya. He was nibbling his lower lip while looking down at the ground. I tilted my head and stared at him. Nag-angat siya ng tingin saglit at dahan-dahang tumango. Ibinalik rin naman ang tingin sa baba pagkatapos. Marahan akong suminghap.

Kung hindi ko lang siya kilala, iisipin kong nagpapaawa siya.

"Drive safe on your way back." sabi ko at hinintay pa na tignan niya.

Unreachable ZachariusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon