Prologus

12.2K 429 20
                                    

April 16, 2008
Eastwood
1:49 a.m.

"Things could've turned out differently, Gwen."

Umalingawngaw sa tahimik na silid ang malalim ng boses ng isang lalaki. Nakapangingilabot ang tono nito habang inaayos niya ang mga kagamitang nasa lamesita: isang kahon ng posporo, maliit na garapon, at ang luma nilang butcher's knife. Malumanay niyang inilapag ang bote ng gasolina at humarap sa babaeng halos mawalan na ng malay sa mga pangyayari. Nakagapos ang mga kamay nito at namamasa ang balat dala ng pinaghalong pawis at gasolina.

The sickening stench of gasoline made her stomach churn. Matagal na siyang tumigil sa pagpupumiglas dahil alam niyang mas malakas ang asawa.

It's no use.

He's a demon in human flesh. Anticipating his next move would mean death to her.

Napasimangot ang lalaki nang makitang umiwas ng tingin ang pinakamamahal na asawa. He hurriedly kissed her forehead and wipped away her tears. "Shh. Wag kang matakot, mahal. This will all be over soon. You won't even feel the pain, bitch!" Kumawala ang isang makapanindig-balahibong halakhak sa kanyang bibig at ibinaon ang mga kuko sa anit ng babae.

Her screams were muffled by the cloth gagged into her mouth. Halos mapunit na ang kanyang anit sa pagsabunot niya rito. Gwen almost fainted when she felt blood trickling down her forehead. Tahimik siyang humikbi at napilitang titigan ang mga mata ng asawa.

Wala na roon ang lalaking pinakasalan niya, dalawang taon na ang nakakalipas.

"Hindi mo alam kung gaano kasakit, Gwen. Akala mo ba pwede mo na lang akong palitan kapag nagsasawa ka na? Akala mo ba ligal ang makipaglandian sa tarantadong 'yon dahil wala ako dito sa bahay?!"

Napupuno ng emosyon ang mga mata ng lalaki. His eyes are a mixture of jealousy and chaos. Muli, naramdaman ni Gwen ang paghaplos ng asawa sa kanyang hubo't hubad na katawan bago siya sinikmuraan nito.

Nang makuntento na ang lalaki, masaya niyang kinuha ang butcher's knife at posporo.

"Your heart is mine. Mine alone, Gwen... and I'll make sure of that."

Tuluyan nang nagwala ang babaeng nakagapos sa kama habang hinihiwa ng asawa ang kanyang balat. Dumanak ang dugo sa silid habang nakangiti ang lalaki. That night, he lost his mind and also his wife.

Ilang sandali pa, kinailangang magtawag ng bumbero ang mga kapitbahay nila.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon