Capitulum 26

2.3K 159 13
                                    

Huminga nang malalim si Nico at ibinalik ang mga papel sa envelope. If it were up to him, hindi na sana niya dadalhin ang mga 'to. 'Then again, a certain pink-haired detective can bit a bit of a handful,' sabay silip niya sa dalagang mukhang malalim ang iniisip. Nagtama ang mga mata nila ni Nova.

"Wala akong makalap na impormasyon tungkol sa gunman bukod sa isang Glock 19 9mm semi-automatic pistol ang gamit niyang baril. The bullet was a clue to what kind of handgun he used, pero malamang hindi naka-rehistro ang baril na 'yon. We're empty-handed about that, for now."

Nico sighed, "Malulutas ko rin----"

Tumalim ang tingin ng dalaga sa kanya. Mahinang natawa si Nico at agad na inulit ang sinabi, "Malulutas rin NATIN ang kasong 'to. For now, we need to identify who the Heartless Killer really is and what his motives are."

"Parang may duda ka pa rin. Do you still think it's Cassio Salavador?"

Sandaling tumahimik si Nico bago sumagot, "Yep. How 'bout you?"

Umiling si Nova, "I think this is just a copycat crime. Malamang may gumagaya lang sa estilo ni Cassio para guluhin lang ang pulisya."

Napasandal na lang rin sa bench si Nova at pinanood na lang ang mga batang naglalaro. She sighed. "Ang hirap maging detective."

"I can hear a hint of regret in your tone. Nagsisisi ka bang ganito ang trabaho mo?"

Detective Briannova Carlos frowned, "Wala akong pinagsisisihan sa buhay ko. But then again, I never wanted to be a detective. Ikaw ba?"

Ngumiti si Nico. "I can't imagine myself being anyone else." Magmula noon, ito na ang pinangarap na trabaho ni Nico. Para bang inborn na rin sa kanya ang tadhanang ito.

'To fight for justice means to sacrifice a piece of yourself for others.'

It surprised Nico how they ended up in small talk. Kung tama ang pagkakatanda niya (na lagi namang tama), ngayon lang sila nag-usap ni Nova nang maliban sa kasong hinahawakan nila. Since Sunday morning, all they ever talked---or argued----about is the Heartless Killer case and their difference in opinion.

Siguro naman, pwede rin nilang isantabi ang pagiging professional detectives kahit ilang minuto lang, 'di ba?

Umismid si Nova sa naging tugon niya at umiwas ng tingin, "Anyway, may plano ka na ba para makumpirma kung si Lelouch nga ang serial killer natin?" Hindi nakaligtas sa pandinig ni Nico ang pagkadismaya sa boses ng dalaga. 'She knows him personally...but to what extent?' He made a mental note to find out

A grin spread across his face.

"Dahil walang iniiwang ebidensiya si Heartless Killer sa mga crime scenes, we have a better chance of finding some in his personal space."

Briannova Carlos narrowed her eyes at him. Parang alam na niya kung saan patungo ang usapang 'to. Nico's eyes glinted with crazed amusement and it made her nervous. 'Masyado niyang sine-seryoso ang trabaho niya!' Masama talaga ang kutob niya rito.

"You mean...?"

Tumango si Detective Nico Yukishito, "Sana may Ph.D. ka rin sa pagiging akyat-bahay."

Nang lumabas ang mga salitang 'yon sa bibig ni Nico, agad na napatayo si Nova. "WHAT?! N-Nababaliw ka na nga! That's trespassing!"

Ngumisi ang binata, "And killing people is a deadly sin. Trespassing versus serial killing. Sa tingin mo, anong mas malala?" Pang-aasar niya rito. To his amusement, lalo lang nainis si Nova, "Gosh! Paano ka ba naging detective kung puro rule-breaking ang ginagawa mo?!"

"Sometimes we need to break some rules in order to save a life," kibit-balikat lang ni Nico sabay tayo. Nang akmang makikipag-away pa sana si Nova, mabilis niyang nilapat ang daliri sa mga labi ng dalaga para pigilan ito sa pagsasalita. Nico smiled charmingly at the female detective, "Stop arguing with me, Ms. Carlos. Unless you want me to shut you up in a different way? Pwede naman..."

His eyes lingered on her glossy lips. Unti-unti niyang inilapit ang mukha kay Nova.

Nanlaki ang mga mata ni Nova sa ginawa ni Nico at mabilis na tinulak papalayo ang detective. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi sa nangyari. 'Darn it! Akala ba niya makokontrol niya ako?'

"You need to do more than that to control me, Mr. Yukishito. Unfortunately, hindi mo ako madadaan sa charms mo." Yes, Briannova Carlos is a stubborn woman. Hindi siya magpapadala sa mga ngiti ng binatang ito, lalo't nasa kalagitnaan sila ng isang imbestigasyon! Still, she can feel herself blushing at the way his eyes studied her.

Detective Nico Yukishito smirked, "My charms can work wonders on anybody, Ms. Carlos, and I doubt you're an exception. Tara na't kailangan pa nating mag-trespassing sa San Andres mansion." At nagsimula na siyang maglakad papalayo.

Medyo malayo-layo na naman ang biyahe.

'Smug and arrogant! Kaya hindi kami nagkakasundo. Tsk!'

Umirap naman si Nova sa sinabi nito. Nang akmang kukunin na sana niya ang susi ng kotse sa bulsa ng kanyang jeans, she was shocked to find it missing! 'Teka, nasaan na 'yon?!'

"Looking for this?"

Nang lingunin niya ulit si Nico, napanganga na lang siya nang makitang hawak na nito ang susi. The car key dangled from his index finger, a teasing smile on his lips.

"This time, I'll drive."

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon