Capitulum 63

2.5K 162 18
                                    

Tick-tock.

Tick-tock.

Suddenly, the sound of the nearby wallclock resembled a deadly mantra. Sa pagsapit ng hating-gabi, umalingawngaw ang malakas na pagtawa ni Dr. Eugene Jimenez---ang panibagong mukha ni Cassio Salvador. Before they could even react, he pressed the detonator's button. "Good bye, detectives!" Inihanda na ni Dr. Jimenez ang kanyang sarili. Sa ilang buwan niyang pamamalagi rito sa DEATH, he secretly planted several bombs inside the building. It would be enough to take the whole company down, and blast them to ashes.

"HAPPY ANNIVERSARY, GWEN! HAHAHAHA!"

Mamamatay silang lahat.

Isang malakas at nakagigimbal na pagsabog...

...ang hindi nila narinig.

Nang mapagtanto ito ni Dr. Jimenez, mabilis siyang nagmulat ng mga mata at sinamaan ng tingin ang nakangising si Detective Nico Yukishito. Nagkibit siya ng balikat, "Told you, I only needed to distract you earlier. Long enough to have my partner sneak up on you---and for the bomb experts to handle the situation. Kinuha mo ang cellphone ko kanina, pero 'di mo kinuha ang cellphone ni Nova. Kanina pa namin kinontak sina Chief Ortega. Tsk! How careless of you, Heartless Killer!" Pang-aasar pa nito.

Nagulat ang Heartless Killer sa narinig. His eyes narrowed at the smart detective. 'Once a case interests him, parang wala na ang atensyon niya sa planetang ito.' Hindi na siya nagulat. Ito talaga ang natural na pag-uugali ni Nico pagdating sa mga misteryo. Solving crimes is his passion.

Nico watched as the senior consultant of DEATH chuckled darkly. 'Nababaliw na nga siya...' Binalingan niya si Uncle X at mariing sinabi, "Uncle, get out of here. Papunta na rito ang pulis."

Sumimangot ang kanyang tiyuhin, "Hindi ako aalis dito. Ako ang puno't dulo ng gulong ito, Nico! This issue is between Cassio and me."

'Damn Sherlock! Siya na nga ang nililigtas, siya pa ang matigas ang ulo?!' Nico grumbled under his breath, "Fine. Just stay out of my way." Nang dumako ang kanyang mga mata sa serial killer, mabilis na umaksyon si Nico. Nakita niyang maging si Nova ay natuod sa kanyang pwesto.

In a split second, Dr. Jimenez pulled out a gun from inside his coat. Ngumisi ang demonyo at mabilis na hinablot ang braso ni Nova mula sa kanyang likuran---then, he twisted her arm, making the female detective yell in pain and drop her gun.

"AAAAH!"

"NOVA!"

Nico wasted no time and sent a bullet to Dr. Jimenez' foot. Naging magulo na ang mga pangyayari at maging si Nova ay hindi na magawang manlaban nang itulak siya nito sa pader. Her back hit the solid wall and bumped a nearby vase. Nagkalat sa sahig ang mga piraso nito. "S-Shit..." Napadaing sa sakit si Detective Briannova Carlos. Nang humakbang papalapit sa kanya ang serial killer, maliksi siyang umiwas sa pag-atake nito at tinisod ang kanyang paa.

BANG!

A stray bullet flew, just above Nova's head. Huminga siya nang malalim, pilit 'di pinapansin ang pananakit ng nabali niyang braso. 'Bullshit!' Bago pa man siya balikan ng Heartless Killer, isang mansanas ang sumapol sa ulo nito.

"Get away from her, you bastard!"

Galit na binalingan ni Dr. Jimenez si Detective Nico at pinaulanan ng bala ang pwesto nito. Mabilis na nakapagtago sa likod ng kanyang desk ang binata, tumutulo ang pawis sa kanyang noo. Adrenaline pulsed through his veins as another bullet almost grazed his skin.

BANG!

'Damn, Sherlock! Fine, I guess that wasn't a good idea!' Mahinang napamura si Nico. Umalingawngaw muli ang malakas at malalim na pagtawa ng Heartless Killer. Umalunig sa katahimikan ang yabag ng kanyang mga paa.

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon