Capitulum 17

2.7K 186 8
                                    

San Andres' residence
8:30 a.m.

"Pareho ba tayo ng iniisip?"

Mahinang tanong ng dalaga kay Nico. From the corner of his eye, he noticed her expression. Her sharp eyes glued to the man sitting on the sofa. Matagal na nitong kinalimutan ang tsaa sa kanyang harapan. 'She likes tea, I love coffee. One of our many differences.' Huminga nang malalim si Nico at tumango, "Yup. We're on the same page, Nova."

Bahagya napangiwi ang dalaga sa nickname. Ngumisi si Nico bago ibinalik ang atensyon sa lalaking umiiyak sa kanilang harapan.

"Kilala mo si Bonnie Javier?"

Nanghihinang pinunasan ng hardinero ang kanyang mga luha at nanginginig na tumango. "O-Opo."

Kani-kanina lang ay sinubukang interviewhin ng mga pulis ang binata pero lalo lang itong nagwala. Nang mahimasmasan ito, hinayaan na sila ni Inspector Ortega sa pakikipag-usap. 'He left us with the interview while they took a coffee break. This is injustice! Tuso talaga ang HELP, sa anumang sitwasyon,' Nico bitterly thought.

Pinasadahan niya ng tingin ang hardinerong nagngangalang Vincent Antonio. He was still a bit disheveled from learning the victim's death. Which led him to conclude...

"May relasyon ba kayo?"

Vincent froze. Tila ba nanlata ito sa tanong.

Nagkatinginan sina Nico at Nova. Base sa reaksyon nito, alam na nila ang sagot. Nico sighed and stared at the man, "Alam kong alam mo ring pamilyado na si Mrs. Javier. Which means---"

"W-Wala kaming relasyon!"

"Talaga lang ha."

"W-Wala nga p-po..."

Denial. Iyan mismo ang pangalawang bagay na lubos na kinaiinisan ng binatang detective (lying is the first) at sa mga sandaling ito, wala siyang panahon para sa ganitong kadramahan. They need to catch that killer quick before he targets any more women!

"Look, I have better things to do than bother with your stupid love affair. Kailangan ko ang koope---"

"W-Wala nga kaming relasyon, sir! Magkaibigan lang kami ni Bonnie! A-At hindi ko po alam na may asawa pala siya!" Pero habang sinasabi niya ito, hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ni Nico ang 'di mapakaling mga kamay ni Vincent. Fidgeting. A sign of lying? Yes. Mukhang gusto talagang maka-bingo ng isang 'to.

"Vince---"

"W-Wala akong kinalaman sa nangyari sa kanya! She's just a friend! H-Hindi kami nagkikita at lalong---!"

"Damn Sherlock. Shut up!"

'Kung kanina pa sana siya nakipag-cooperate, baka kanina pa namin nalutas ang kaso!' Sumasakit na yata ang ulo ng pinakamagaling na detective agent sa Eastwood. Before he could even speak, naramdaman niya ang kamay ni Nova sa kanyang braso. She smirked at him, "Let me handle this. Mukhang hindi ka sanay sa mga infidelity cases."

"Are you doubting my skills as a detective?"

Umirap siya. "No. I am doubting your skills as a human. Baka lumala pa ang sitwasyon kung ikaw ang makikipag-usap sa kanya."

Panandaliang sinilip muli ni Nico ang hardinerong natataranta at mukhang malapit nang mabaliw. Napabuntong-hininga ulit si Nico at sumandal na lang sa sopa. "Fine."

Nova grinned victoriously.

Walang-ganang pinagdiskitahan na lang ni Nico ang mga throw pillow. Hindi niya talaga paborito ang mga kaso ng pangangaliwa o mga infidelity case. 'Stupid love.' Kaya pinanood na lang niya ang pakikipag-usap ng kasama sa hardinero.

Special Agent Briannova Carlos spoke calmly to the man. Ngumiti pa ito bago sinimulan ang interview, "Alam naming wala kang kinalaman sa pagkamatay ni Bonnie. Kailangan lang namin ng kooperasyon mo para mahuli ang baliw na gumawa nito. Mahalaga siya sa'yo, 'di ba?"

Nanghihinang tumango si Vincent. Mukhang anumang sandali ay iiyak na naman ito.

"S-Sige po."

"We just need you to answer a few questions..."

At kinuha na ng dalaga ang kanyang notepad at pink na ballpen na may disenyo pa ng ulo ni Hello Kitty. Nico eyed the pen suspiciously, 'So, the manufacturers think it's cute to design a pen with an animal's head? Tsk. Cruelty!'

During the interview, Nico let his attention drift towards the police officers who were busy enjoying their steaming cups of coffee. Naaalala niyang hindi nga pala niya naubos ang kapeng bigay sa kanya kanina ni Dan. Lalo siyang sumimangot. 'Wala man lang ba silang planong alukin ako ng kape?!'

Wala na talagang hustisya sa mundong ito!

Makalipas ang ilan pang mga minuto, namalayan na lang ni Nico ang pagsama ni Vincent kina Inspector Ortega. Hindi na niya napansing natapos na pala ang boring nilang interview. Losing interest in things that bore him is one of his many talents.

Nova frowned at him, "Kanina ka pa nakatulala diyan. Let me guess, you intentionally ignored us because you find  infidelity cases boring and a waste of your precious time?"

Bingo.

Detective Nico Yukishito smirked,  "I'm a man of many talents."

"Unfornately, handling a simple interview isn't one of them."

Nawala ang ngisi ng binata. Kinuha na lang niya ang notes na inaabot sa kanya ni Nova. "Mukhang isang stalker si Heartless Killer," sabi ni Nico habang binabasa ang impormasyon.

"Paano mo naman nasabi?"

Nagkibit lang ng balikat si Nico at ibinalik ang notepad kay Nova, "It's quite obvious, don't you think?" His eyes scanned the empty living room and made sure no one was eavesdropping on them.

"May relasyon si Vincent kay Mrs. Javier. Malamang alam rin 'to ng Heartless Killer natin. Alam rin niyang dito nagta-trabaho si Vincent kaya para mang-asar, sinadya niyang ilibing ang ulo ni Mrs. Javier dito. Inaasahan siguro niyang si Vincent ang unang makakakita ng ulo dahil nga hardinero siya. Being a gardener, he will know right away that something is wrong with the garden he tends to."

Tumango si Nova at ibinalik sa bulsa ng jacket ang notepad at ballpen, "Pero bakit naman siya magsasayang ng oras para dito? Ano bang motibo niya?"

"Maybe this is his twisted sense of justice."

Kumunot ang noo ni Nova, "Anong ibig mong sabihin?"

"Haven't you reviewed our lead suspect's background? Very unprofessional, Ms. Carlos," at ipinikit ni Nico ang kanyang mga mata habang nakahilig ang ulo sa likod ng sopa, "Pinatay ni Cassio Salvador ang misis niya noon dahil sa pangangaliwa nito. Nang mahuli niyang nakipagkita si Gwendolyn sa kabit niya, nawala siya sa katinuan. He burned her alive that night, along with their old house."

Crime of passion. Iyon ang tawag kaso ni Cassio Salvador. Nangyayari ito kapag sinaktan o pinatay mo ang mahal mo sa buhay dahil sa  matinding galit o selos. Rage and jealousy fuels the offense.

Matapos ang ilang sandaling pananahimik, sumagot si Nova, "Kaya niya pinatay si Mrs. Javier ay dahil nangangaliwa rin siya sa asawa niya? Siguro nga, iyon ang pattern, but it doesn't make sense. Single ang una nating biktima noong pinatay siya!"

Si Covaline. Ang unang biktima matapos ang ilang taong pananahimik ni Cassio Salvador, a.k.a Heartless Killer.

Nico sighed again, for the nth time this morning. 'Iyon ang problema ko. Cassio Salvador is our lead suspect, but we can't find any evidence to convict him. Plus, hindi namin alam kung saan siya nagtatago ngayon.' Malakas ang kutob ni Nico na may mali sa kasong ito. Paano nagagawang pumatay ni Cassio nang hindi siya nahuhuli o nakakapag-iwan ng ebidensiya?

"Damn that Heartless Killer." He murmured.

Nagmulat ng mata si Nico nang may tumapik sa kanya. Kasabay nito ay ang pag-abot sa kanya ni Nova ng isang paper cup, "Here. Alam kong kanina ka pa naglilihi diyan." At umalis na ito sa sala.

Nico frowned and stared at the contents of the paper cup.

"Coffee?"

----

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon