Capitulum 46

2K 155 15
                                    

Huminga nang malalim si Neilson Tolentino. Sinubukan niyang magpumiglas sa mga posas na nakagapos sa kanya. His wrists were already bruising with the metallic pressure and the gunshot wound on his shoulder felt like shit. 'Paano ba ako napapasok sa mga ganitong sitwasyon?' isip-isip niya habang ine-escort siya ng mga pulis palabas ng event hall.

Hindi na niya nilingon pa ang dalawang detectives. Nagpapasalamat na lang siya't sugat sa balikat lang ang napala niya. If anything, he was surprised he's still alive. Nagawa niya lahat ng utos sa kanya. He even delivered the letter the Heartless Killer told him to---kahit pa, siya mismo ay hindi alam kung anong nakasulat sa loob 'non.

'Yon na nga siguro ang pinagtataka ni Neilson. He was given orders to trap and kill the detectives. Pero bakit may ipinabigay muna siyang sulat para kay Detective Yukishito?

'Hindi ko talaga maintindihan kung anong plano ng lalaking 'yon.'

Nilingon niya ang paligid. Unti-unti nang nagsisi-uwian ang mga bisita habang inaasikaso naman ng ilang unipormadong pulis ang naiwang gulo. Neilson was harshly pushed outside, almost stumbling on his feet. Ilang sandali pa, kaharap na niya ang hepe ng Heraldic Eastwood Local Police Department, si Chief Inspector Placido Ortega.

The stout man frowned at him.

"Magpasalamat ka't sa balikat ka lang binaril ni Atty. Lelouch. You'll be treated back at the headquarters, then we'll have the interrogation. Sa ayaw at gusto mo, sasagutin mo ang mga tanong namin."

Hindi na kumibo si Neilson. He doesn't like this man. Sa mga napapanood niyang news reports sa TV, palagi lang ibinibida ni Inspector Ortega ang mabubuting ginawa ng pulisya---hindi ang mga kapalpakang ginawa nila. No wonder he needed the help of two of Eastwood's greatest detectives.

"Kilos! Babagal-bagal. Tsk." At sinikmura siya ng isang pulis. Napadaing sa sakit ang gunman lalo na noong masagi nila ang nabali niyang kamay. 'Damn that detective!' Hindi nagbibiro si HK noong sinabi niyang mahihirapan siyang patumbahin ang isang 'yon. Detective Nico Yukishito really deserves his title.

Bumungad sa kanila ang nakakasilaw na ilaw ng mga police cars na nag-aabang sa kanya. Blue and red siren lights flashing in the dark. Pinagbuksan siya ng pinto ng isang barumbadong pulis at marahas siya tinulak sa loob.

"Ayan ang nababagay sa mga tulad mong salot ng Eastwood! Hahaha!" The police officer said. Pero nang akmang papasok na rin sana ito sa loob ng sasakyan, the door automatically slammed shut in the officer's face. Sa isang kisapmata, bigla na lang humarurot ang kotse at iniwan ang mga police escort niya. Nagulat si Neilson sa mga paangyayari.

"A-Anong...?"

Nang dumako ang mga mata niya sa labas, nakita niyang natataranta at naguguluhan ang mga naiwang police officers sa nangyari. He couldn't make out their expressions as the car drove away, farther into the streets.

'What the heck?'

Isang malamig at baritonong boses ang bumasag sa katahimikang bumabalot sa loob ng sasakyan.

"You delivered the note, and yet you failed to kill them."

'Shit!' Kinakabahang binalingan ni Neilson ang nagmamaneho. The driver had his cold eyes fixated upon the road. Nakasuot ito ng pang-sibilyang damit at mahigpit ang pagkakahawak nito sa manibela. Neilson Tolentino felt a chill run down his spine as the man's eyes stared at him through the rearview mirror.

Ang Heartless Killer.

"Alam mo na ang magiging kabayaran ng pagkakamali, hindi ba, Neilson?"

His voice sounded calm, laced with poison. Nanginginig na ang mga kamay ni Neilson dahil sa takot. Damn, sino bang hindi matatakot sa demonyong ito?!

"P-Please, h-hindi ko naman alam na susundan sila 'nong abogado! N-Nagawa ko namang barilin si D-Detective Yukishito! Maawa ka sa'kin!" Nabasag ang kanyang boses sa pagsusumamo. His breaths came in shallow patterns. Sweat dripped from his forehead.

Takot.

Iyan mismo ang nararamdaman ngayon ni Neilson Tolentino sa kamay ng mamamatay-taong ito.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng dumpsite. Bago pa man makapagsalita si Neilson, naramdaman na niya ang pagbaon ng isang kutsilyo sa kanyang dibdib.

Mabilis itong naitarak ni Heartless Killer. In a fraction of a second, the man expertly twisted from his position in the driver's seat and repeatedly stabbed the gunman.

"T-TAMA NA! MAAWA KA---!"

Bumulwak ang dugo sa bibig ni Neilson. Naging kulay pula na ang kanyang puting damit.

Paulit-ulit siyang pinagtataga ni Heartless Killer.

"DIE, YOU USELESS BASTARD! DIE! DIE! DIE! HAHAHAHA! SAYANG ANG BAYAD KO SA'YO! HAHAHA!"

Ramdam na ramdam ni Neilson ang bawat pagbaon ng patalim sa kanyang katawan. Unti-unti nang tumitigil sa pagtibok ang kanyang puso. Warm blood splattered in the back seat, as he can feel his body go numb. Ngayon alam na niya ang pakiramdam ng pinapatay.

'Daisies.'

Iyon lang ang huling naisip ni Neilson bago tumarak sa pagitan ng kanyang mga mata ang duguang kutsilyo. Tuluyan na siyang nilamon ng kadiliman...

And there, in the backseat of a car, Neilson Tolentino atoned for his sins---and died in a pool of blood.

*

'Useless.'

'Yan lang ang naisip ni Heartless Killer  matapos niyang itapon sa dumpsite ang katawan ng nirentahan niyang gunman. Mabuti na lang at liblib ang lugar na ito.

"Walang-kwenta. Nagsayang lang ako ng pera sa kanya."

Huminga siya nang malalim at pinagpag ang damit. He cleaned his knife and sliced off the cords of the fake police lights ontop of his car. 'Those idiotic police officers didn't even notice it,' naaaliw niyang isip. Mabuti na lang talaga at planado niya ang lahat ng ito. Malakas ang kutob niyang mabibigo si Neilson sa pagpatay sa mga detective kaya't pinaghandaan na niya ang pagligpit dito.

Mahirap na't baka dumaldal pa ito sa mga pulis.

The Heartless Killer of Eastwood made sure that wouldn't happen. No loose ends. Not until he gets his revenge, that is.

"Now, for the finale."

Bumalik sa driver's seat si Heartless Killer at kinuha ang folder sa katabing upuan. Sinilip niya ang profile ng susunod niyang biktima. A demonic glint in his eyes as he stared at her picture.

"Poor slut. Ngayon pa lang, mangumpisal ka na. You're my last masterpiece, Feralda."

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon