Capitulum 45

2.2K 150 8
                                    

Detective Nico Yukishito pushed through the mass of bodies blocking their way. Suddenly, the eerie glow of the grand chandelier lost its inviting aura, replacing it with a sense of dread. Nagkakagulo ang mga bisita, suot pa rin ang kanilang mga maskara. 'Stupid masks for stupid people!' Wala man lang bang mag-aasikaso sa kanila? The entire event hall is a mess and the police couldn't even calm them down. Nabulabog rin yata sila sa narinig. Nasaan na ba ang gurang nilang hepe?

"Detective Yukishito!"

Speaking of the devil. Hinarangan sila ng lalaking may baboy na maskara. Inspector Ortega took off his mask and scowled at them. "Sinong nagbigay sa inyo ng karapatan para manggulo sa party na 'to? Masisira ang public image namin nang dahil sa inyo!"

But the young detective only dead-panned, "Don't worry, Chief. Hindi naman masisira ang public image niyo dahil una sa lahat, sira naman na talaga ito. Your task force is useless and if you think you can mask it all up by hosting this shitty party, then be my guest."

"What the---?!"

"Move aside. Hindi katulad niyo, ginagawa ko ang trabaho ko." At mabilis niyang nilagpasan ang hepeng nangingitngit sa galit. Pero ilang sandali pa, hinarangan naman sila ng mga bisitang hindi magkandamayaw sa pagsasayaw. Tila ba hindi nila alintana kahit na binulabog na ng putok ng baril ang okasyon.

"Damn, Sherlock! Get out of the way!" Nico shouted. Naalala na naman niya 'yong lalaking naka-puting suite kanina. He couldn't place a finger on it, but there's something off about that man.

"Sa tingin mo isa itong prank para manggulo sa okasyon?" Tanong ni Nova nang lumiko sila sa corridor.

Umiling ang binata at kinuha ang kanyang Smith and Wesson branded revolver mula sa bulsa ng kanyang tuxedo. "The timing is too perfect to be a coincidence. Malakas ang kutob kong may kinalaman ito sa kasong hinahawakan natin."

Nova's eyes turned serious as she grabbed her own gun from the holster strapped to her thigh.

Hinihingal nilang tinahak ang isang madilim na pasilyo. It was a side extension hall, intended for other recreational purposes. Bumungad sa kanila ang tahimik at madilim na paligid. Kitang-kita ang kanilang repleksyon sa makinis na sahig. May ilang mga estatwa at obra maestra sa paligid. Tanging nagbibigay liwanag sa pasilyo ay ang liwanag na magmumula sa mga bintana. The full moon stretched over the horizon. The silence was deafening.

"Sigurado ka bang dito nanggaling 'yong tunog?" Mahinang tanong ni Nova.

Pero agad ring nasagot ang katanungang 'yon nang makita nila ang katawan ng isang lalaking nakabulagta sa sahig. Mabilis nila itong nilapitan.

"A crime scene. Mukhang sinadya ito."

'At mukhang patay na ang biktima.'

The pool of blood on the floor is unmistakable. That amount of blood is enough to say a person is dead. No one can survive that much blood loss.

Nico's eyes widened when he recognized the white suite and brown deer mask. 'He was killed. Pero bakit parang may mali rito?' Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa baril at sinipat ang paligid. Nakabukas ang pinto sa kabilang dulo ng hallway.

"I'll go check it out. Ikaw na ang magsabi kina Inspector Ortega," sabi ni Nova at nagsimulang tumakbo papunta roon. Hindi na umagal si Nico. Nang akmang tatakbo na sana sila pabalik sa event hall, nakarinig siya ng kaluskos.

Huminto siya sa kanyang kinatatayuan at mabilis na nilingon ang biktima.

'What in the name of justice...?'

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon