Capitulum 19

2.5K 176 5
                                    

Matapos ubusin ang kanyang kape, nagpunta sa hardin si Nico kung saan nililinis na ng mga taga-Eastwood Crime Unit ang kalat sa crime scene. Dumako ang mga mata ni Nico sa dalagang nakatayo malapit sa lugar kung saan nahukay ang ulo ni Mrs. Bonnie Javier.

"This is the first time another serial killer caused this much trouble. It won't happen again. Mahuhuli ko---"

"Natin!"

"---err... NATIN si Cassio Salvador. Kung may pattern nga siya sa pagpatay, madali ko---"

"NATIN!" The pink-haired detective glared. Oops. Mukhang naapakan na naman niya ang ego ni Nova. Oh, how will they ever get along?

'Ano siya, auto-correct?!' Naiinis na napabuntong-hininga na lang si Nico at kalmadong tumango. Mabuti na lang talaga at naka-inom na siya ng kape. "Like I was saying before you interrupted me, kung may pattern nga si Cassio sa pagpatay, madali NATING malalaman kung sino ang susunod niyang biktima. Then, we'll force him out of hiding and catch him red-handed!"

Naiisip pa lang ni Nico ang planong 'yon, he can already feel the thrill of the case. Tila ba nagniningning na naman ang mga mata niya. If insanity is what it takes to rival the madness of this serial killer, then so be it. May reputasyon si Nico at wala siyang planong dungisan 'yon.

'And not even an irritating female detective can stop me.'

Napailing na lang si Nova at tumingin sa hukay, "May 13 million na tao at mga mukhang 'di tao sa Eastwood. Kahit na malaman natin ang pattern, mahihirapan tayong alamin kung sino ang susunod na biktima. Gosh! Impulsive pala talaga kayong taga-DEATH."

"Actually, 13, 266, 108 ang eksaktong populasyon ng Eastwood. Hamak na mas marami ang nakatira dito kung ikukumpara sa Metro Manila na may populasyon na 12, 877, 253 at kilala bilang world's most densely populated city," huminga nang malalim si Nico at sinipa ang isang bato, "Besides, walang pumipilit sa'yong sumunod sa mga plano ko, Detective Brian. You are under no obligation to help me."

Mas tumalim ang tingin ni Nova sa kanya, "Have you forgotten that we've been paired up for this shitty case?! Hindi ko rin 'to ginusto! And if we're not gonna agree on anything, baka mas marami pang matulad kay Mrs. Javier!"

Pareho silang nanahimik. Maging ang ilang ECU personnel, pinagtitinginan na sila. It's not every day you get to witness two of Eastwood's finest detectives argue like an old married couple. Lalong napasimangot si Nico sa isiping 'yon.

The silence was uncomfortable.

"Posible kayang may kasabwat si HK sa mga pagpatay?" Mahinang tanong sa kanya ni Nova.

Nico almost laughed at the idea, "I don't think so. Serial killers rarely want anyone else to be credited for their bloody masterpiece. Sa kasong ito, malakas ang kutob kong iisa lang ang pumapatay sa mga biktima." At kailanman, hindi pa nagkakamali ng kutob si Nico.

Nova's eyes met his. "Kung ganoon, iisa lang talaga ang killer natin?"

"Yes. Cassio Salavador, a.k.a. Heartless Killer killed these women alone."

"Pero paano kung..."

"Kung?"

Napabuntong-hininga si Nova, "Paano kung hindi naman pala si Cassio Salvador ang Heartless Killer? Yes, he's a psychopath who killed his wife and escaped from the mental hospital, but are we a hundred percent sure that he's the one behind these killings?"

"Nova, may na-massacre siyang pamilya noong 2017. Nakita siya sa CCTV. Pareho ang paraan ng pagpatay. He's fond of cutting out their hearts and stealing them." Naalala na naman ni Nico ang mga file na nabasa niya kahapon pati na rin ang mga larawang kuha sa crime scene.

Parehong-pareho.

Pero mukhang 'di pa rin kumbinsido ang dalaga, "Matapos ang ilang taon niyang pananahimik, bakit naman siya aatake ulit ngayon? Paano kung may gumagaya lang sa paraan ng pagpatay ni Cassio para lang takutin ang Eastwood? We both know that cases like that happened throughout criminal history!"

Nico considered this. Totoong nangyayari minsan ang mga ganitong kaso. "Copycat crime" ang tawag sa mga krimeng ginaya o na-inspire sa mga naunang krimeng gawa ng ibang tao. A criminal can copy the concept or killing style of another criminal.

In fact, ang pelikulang "The Dark Knight" ay naging sanhi ng maraming copycat crimes sa buong mundo. Karamihan sa mga kasong ito, naka-bihis ng "the Joker" ang mga kriminal habang umaatake. In 2012, a gunman claimed that he was "the Joker" and started mass shooting a movie theatre filled with Batman fans.

May isang kaso naman na naaresto ang ilang mga kabataan dahil may nakarinig sa kanilang planong makapag-kidnap at torture ng mga tao tulad ng ginagawa sa pelikulang "Saw".

Those are just examples of movie-inspired crimes. But this? Eastwood's greatest detective knew that this is another situation.

'But is it possible that this is a case of a copycat crime?' Sumasakit na naman ang ulo ni Nico. "Kung isa nga itong copycat crime at hindi si Cassio Salavador ang Heartless Killer natin, sino naman ang suspect mo?"

Binalingan ni Nova ang mga pulis sa di-kalayuan, "Noong una, akala ko may kasabwat lang si HK sa loob ng police department. But since this is the work of one man, maybe our Heartless Killer is among their ranks. Kung siya nga ang nag-hire sa gunman kahapon para patayin tayo, malamang kasapi siya sa Heraldic Eastwood Local Police department o anumang mataas na ahensiya. Alam niyang iniimbestigahan natin ang kasong ito. As for a suspect, I don't have one yet..."

Natigilan si Nico sa sinabi ni Nova. 'As much as I don't want to admit it, but her theory is close to mine.' Inilabas ni Nico ang kanyang cellphone at may ipinakita sa dalaga. His expression was serious. Mukhang mas malaking gulo pala ito.

"What a coincidence! Lucky for you, I already have a suspect."

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon