Capitulum 04

4.9K 278 12
                                    

"Briannova Carlos."

Pag-uulit ni Nico sa pangalan ng dalagang nakaupo sa tapat niya. "I should've known that you're a girl." Napabuntong-hininga siya at pinanood ang waiter habang pinapatong ang order nila sa mesa. It's only been a few minutes since they've met, and the young detective already concluded that she's trouble.

"Is there a problem if I'm a girl? Hindi ako na-inform na judgemental pala kayong DEATH agents."

Sumimangot ang binata. "That's not what I meant, Nova."

Natigil sa paghigop ng tsaa ang babae at mabilis na bumaling sa kanya. Naningkit ang kanyang mga mata. "What did you just call me?"

"Nova," kibit-balikat ni Nico, "or would you like me to call you 'Brian', instead?" Pang-aasar niya rito.

Hindi na umimik pa si Nova at nagpatuloy sa paghigop ng tsaa. Walang gana namang inikot-ikot ni Nico ang tsaa bago marahang inilayo ito sa sarili. He doesn't like tea.

Nang ibaba ni Nova ang kanyang tasa, "Mukhang hindi mo gusto ang tsaa."

"Never did, never will."

Tumango na lang ito at kinuha ang isang brief case. Luminga muna si Nova sa paligid para masiguradong walang makakarinig ng kanilang usapan. Fortunately, nagsi-alisan na ang ibang customers ng lugar.

"The sooner we catch that killer, the better. Look, I know how awkward it feels to have a partner from the opposing agency pero wala tayong magagawa. Hiningi ng HELP ang tulong ng SHADOW at DEATH, kaya asahan nating mas magulo pa ang kasong ito kaysa sa inaakala nila."

"Bago ang lahat, kailangan kong malaman ang motibo mo sa pagtanggap ng kasong ito, Ms. Carlos." Nico leaned back on the sofa, eyes assessing her, "I'm in it for the entertainment. Ikaw?"

"Pera."

"I thought so. Pag-usapan na natin ang kaso."

Kinalkal ulit ng dalaga ang laman ng brief case. Naglabas ito ng sandamakmak na folders at ilang envelopes. Abala ito sa pag-aayos ng mga papeles sa kanilang mesa habang nagsasalita, "Ang biktima ng Heartless Killer---"

"Heartless Killer?"

"That's what the authorities call him." Tinago ni Nova ang kanyang iritasyon, "as I was saying---"

"Covaline Perez, 23 years old. Huling nakitang bumili sa isang convenience store, tatlong kanto ang layo mula sa kanyang tinutuluyan noong Martes, 7:45 p.m. Natagpuang patay ng kanyang pinsang si Miranda Perez sa loob ng apartment nito noong Biyernes, February 22, 1:10 p.m. Nakalubog sa bath tub at naliligo sa sarili niyang dugo. Nakitaan ng livor mortis sa likod kanyang mga hita at binti, basag ang kanyang bungo, at wasak ang chest cavity. Her heart is missing. Walang vaginal penetration, signs of forced entry, o struggle. Analysis from the lab concluded that she was most likely killed earlier that week."

Agad na tumigil sa pagbubungkal si Nova at tiningnan ni Nico. She expected him to have a file copy of the case, or at least the autopsy report, pero laking gulat ng dalaga nang mapansin niyang naglalaro lang ito ng table napkins. 'What in the world?'

Nang mapansin ng binata ang pagkamangha niya, napabuntong-hininga ito. Para bang sanay na siya sa ganitong mga reaksyon.

"The information is in my head." Sabay tap ng daliri sa sentido niya.

Nova narrowed her eyes at him. Inaasahan ba ng lalaking ito na malilinlang siya ng ganoon kadali? 'He probably had a codigo just to show off!' Naiinis nitong isip. "You're bluffing. Hindi mo na kailangang magpasikat. Besides, I don't even know why 'Eastwood's greatest detective' is an airheaded emo," napapailing na lang ang dalaga, "I knew those magazine editors are bias."

Nico paid no attention to her and continued his tissue origami, "Airheaded emo? Nice choice of words," sarkastiko nitong sabi at ibinaling na ang mga mata kay Nova, a challenging expression on his face, "Though I must admit that I am disappointed for meeting a detective who jumps to conclusions without sufficient evidence for her claims. Very unprofessional."

Ramdam ni Nico ang namumuong tensyon sa pagitan nila. Mukhang tuluyan na niyang na-"offend" ang isang Briannova Carlos.

"Evidence? Hindi pa ba sapat ang ginawa mong pag-recite ng details ng kaso kanina? You're clearly using a codigo while I'm not looking!"

Nagkibit ng balikat si Nico sabay tingin sa relo, "Codigo? Psh. Nasabi ko na sa'yo 2 minutes and 15 seconds ago, nasa utak ko ang impormasyon."

"Then care to explain your inaccurate 'deduction' about that couple across the table?"

Nico waved a hand dismissively, "All my deductions are accurate."

"Liar. Ni hindi mo nga siguradong buntis siya!"

Napabuntong-hininga na lang si Nico, "She's most likely to be around three months pregnant. Aside from the noticeable bump on her abdomen, kitang-kita ang varicose veins sa kanyang mga binti. Kapag nag-expand na ang uterus, nagco-compress ang blood vessels at napapabagal nito ang sirkulasyon ng dugo. Dahil dito, namamaga ang mga ugat sa binti ng isang buntis. Bukod dito, napansin kong kanina pa siya nagpapabalik-balik sa CR. A woman around her first trimester in pregnancy usually urinates a lot. Dahil sa pregnancy hormone hCG, tumataas ang volume ng dugo kaya tumataas din ang nagiging pressure nito sa urinary bladder. As a result, mas madalas silang maihi. Plus, she looks like she's having morning sickness." Walang ganang sumandal sa kanyang upuan si Nico at pinagmasdan ulit ang magkasintahan.

"Her age is base on her physical appearance. Being a profiler granted me the skill to determine a person's age based on facial features. There's an even higher possibility that she's just a minor. Nang binigyan niya ng tip kanina ang waiter, napansin kong nakasiksik sa kanyang wallet ang I.D. niya ng Senior High School. Nakasaad sa Sec. 4, ng R.A. 10533 na, typically, nasa 16 years old ang mga papasok na SHS students. That way, nasa legal age na sila kapag nagtapos ng high school. I'm guessing she's 17 years old, dahil mukhang nalalapit na rin siyang mag-debut base sa nalalapit niyang kasal."

Hindi umimik si Nova. Mukhang nasa pagitan ito ng pagkairita at pagkamangha. Nico shrugged it off and finished, "Her nationality of being 'half-Spanish' is not mystery. Like I said, I've studied enough facial features. Mukhang kakauwi niya lang rin mula sa Spain dahil sa Spanish fan na hawak niya kanina. Their near wedding is evident by that shiny engagement ring on her left hand's ring finger. It's genuine Sterling .925 silver at may maliit na engraved logo ng Eastwood Jewels sa harap, a trademark they flaunt whenever people buy from them. Their wedding is, more or less, next month. I can say so because they're already discussing about final preparations earlier. That man, probably age 24, couldn't even make eye contact and seems to be distracted. He also seems to be nervous about something. Hindi mo kailangan ng PhD sa psychology para mabasa ang kanyang body language. If you look closely under his collar, right side of his neck, mayroong lipstick mark doon na halatang nakalimutan niyang alisin noong nagmamadali siyang umalis kanina."

Umiling si Nova. "Imposibleng malaman mo ang lahat ng 'yan dahil lang sa obserbasyon mo. You haven't even considered the margin of error of your so called deductions. How can I trust you with this Heartless Killer case if you're already lying to me?"

Sa pagkakataong ito, mukhang naiinip na rin ang binata. "You're acting immature, Nova. Ngayon para sa ikatatahimik ng ego mo, you're free to go and prove my deductions. After that, we'll discuss the case."

Umirap ang dalaga. "Fine. But I'll bet a thousand pesos that you're wrong!" Pagtataray nito bago tumayo at nilapitan ang magkasintahan.

Napabuntong-hininga na lang si Nico. 'Isang oras pa lang kami nagkakilala pero bakit pakiramdam ko hindi kami magkakasundo?'

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon