Capitulum 16

2.6K 177 1
                                    

Detective Nico Yukishito stared at the man, assessing his appearance. Sa madaling salita, sinusuri niya ang kaluluwa nito. 'Nothing escapes my observation,' isip-isip niya bago umiling. Ramdam niya ang tensyong namumuo sa kanila ng abogado. "Lelouch San Andres? Doesn't ring a bell."

"Anong ginagawa niyo rito sa pamamahay ko?"

Sumimangot si Nico, "'Yan rin ang gusto naming alamin, attorney. Enlighten us! Baka pwede mong ipaliwanag sa amin kung bakit natagpuan ang ulo ni Ms. Bonnie Javier sa bakuran mo?"

Dumako ang mga mata ng binatang abogado sa crime scene. Hindi nakalagpas sa mga mata ni Nico ang bahagyang pagkagulat nito. Still, the man remained silent and composed. Alam ng detective na malamang ay praktisado na itong kontrolin ang emosyon. "Wala akong alam sa bagay na 'yan."

"Really? Then, care to have an interview over a steaming cup of coffee?" Kaswal niyang pag-aalok dito. Agad na umiling ang lalaki at ngumisi, "I have the right to remain silent. I am fully aware that anything I say on this matter might be used against me, detective."

'Ito na nga ba ang ayaw ko sa mga abogado. Since they are professional actors and defense pigs, it's difficult to tell whether they are defending a reputation or twisting up some facts!' Magsasalita pa sana si Nico nang biglang umeksena si Inspector Ortega, "Pasensya na sa abala, Lelouch. Nadawit sa kaso ang address mo. I'll explain everything later. Sa ngayon..."

Inilabas ni Inspector Ortega ang larawan ng pangalawang biktima ng Heartless Killer. "Kilala mo ba siya?"

Sandaling binalingan ng abogado ang larawan ng dalaga bago umiling, "Like I said, wala akong alam sa mga pangyayaring ito, inspector. I've never seen her before."

Habang nag-uusap ang dalawa, huminga nang malalim si Nico at napahalukipkip ng mga braso. Mapapadali sana ang kaso kung may lumalabas pang records kay Cassio Salvador, pero ang nakagigimbal na katotohanan ay naglaho na lang ito na parang bula sa mga dokumento. They don't know where he is or what he's planning to do next.

"Masama ang kutob ko sa abogadong 'yan."

Nakita niya ang pag-irap ni Nova sa sinabi niya, "Imposibleng may kinalaman siya rito. Lelouch is the district attorney for the Heraldic Eastwood Local Police. Mahalaga sa kanya ang reputasyon niya and I don't think he's the kind of person to lie on this case."

Agad na lumingon si Nico kay Nova, "Seems like you personally know him."

"I don't."

"But you call him on first name-basis?"

Natahimik si Nova. 'Gotcha,' pang-aasar ni Nico sa isip niya. Ilang sandali pa, bumalik sa kanila si Inspector Ortega. Sa likuran nito, nakita nilang kinakausap ng ilang pulis si Attorney Lelouch. Napabuntong-hininga na lang ang gurang na pinuno ng HELP at binalingan ang dalawang detectives, "Sa kasamaang palad, nasira ang CCTV sa bahay nila last week kaya mahihirapan tayong kumuha ng lead."

"What about all that trash?" Turo ni Nico sa mga plastic cups at iba pang basura.

Napakamot sa ulo si Inspector Ortega, "nagkaroon daw ng party kagabi. Hindi pa tapos linisin ng mga katulong nila ang kalat."

'Party?'

"Does he happen to have a sister whose name is Sasha San Andres?"

Tumango si Inspector Ortega, bakas ang gulat at pagkamangha sa mukha nito. "M-Meron nga. Paano mo nalaman 'yon?" Nagkibit ng balikat si Nico at kinuha ang camera ng isang ECU personnel. Sinipat nito ang mga larawang kuha sa panibagong crime scene. 'Mukhang wala pa silang nakukuhang ebidensya na makakapagturo sa'min ng koneksyon.'

Ano bang dahilan para piliin ni Cassio ang address na ito? This mystery is more challenging that it seems.

"Chief?"

"Ano na namang ipapagawa mo?"

Ngumiti si Nico, "Kindly list all the possible suspects. Lahat ng nakausap ni Bonnie bago siya mamatay." Tumango naman ang nakatatanda kahit na halatang natapakan ang ego nito sa utos. Wala siyang magagawa. This case is Nico's territory.

"At ano naman ang gagawin ko?" Pagmamaktol ni Nova.

Nico waved her off, "Make yourself useful and make me some coffee "

Tulad ng inaasahan niya, sari-saring mura at pagta-tantruns ang ginawa ng partner niya. Napapailing na lang siya sa inaasta nito.

He made a mental note to visit Scorpio later. Matagal-tagal na rin mula nang huli silang naglaro ng jack stone.

"Inspector Ortega!"

Nabaling ang atensyon nila sa isang tauhan ng Eastwood Crime Unit. Hinihingal ito at para bang kinakabahan. Nakuha niya ang atensyon nilang lahat nang magsalita ito, "Dumating ang hardinero ng mansyon. Nakumpirma namin na kilala niya ang biktima!"

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon