Capitulum 49

1.9K 140 18
                                    

SM City Eastwood
10:35 a.m.

"Nasaan na ba siya? Tsk." Huminga nang malalim si Feralda at sinipat ang paligid. Kanina pa siya nakatambay dito sa labas ng isang fastfood chain, pero hindi niya pa rin mahagilap ni anino ni Fred. Inayos niya ang suot na bestida, at sinubukang pakalmahin ang sarili. 'Bakit ba ako kinakabahan? This is it! Matagal ko nang hinihintay ang chance na 'to.' She smiled to herself and reread his text message again:

[ Babe, kita tyo sa mall. Usap tayo. Wla na kmi ng fiancé ko.. nai-cancel ko na ang kasal ]

Halos mapatalon sa saya si Feralda nang matanggap niya ang text message na 'yon. She grinned from ear to ear. Alam niyang hindi siya dapat natutuwa dahil may nasaktan, pero hindi niya mapigilan. 'I don't have to keep things a secret anymore! Ngayong wala na epal niyang fiancé, hindi na ako magi-guilty sa ginagawa ko!' She excitedly thought and hurriedly changed her clothes that morning.

A few hours later, heto na siya't hinihintay si Fred sa tinext nitong lugar.

Nag-ring bigla ang cellphone ni Feralda. "What the heck? Tsk!" Naiirita niyang pinatay ang tawag nang makitang si Renzo lang na naman ito. Oo nga pala, kailangan na nga pala niyang makipag-break sa boyfriend niya. Napabuntong-hininga si Fe at kinuha ang compact powder sa bag. 'Sus. Madali na 'yan! Ang mahalaga, pwede na kaming magsama ni Fred.'

She smiled at herself in the small mirror and started retouching her make-up when she noticed someone staring at her through the reflection.

Puno ng galit ang mga mata ng babaeng nakatitig sa kanya sa salamin. Teka, parang pamilyar sa kanya ang muk----"SHIT!" Nanlaki ang mga mata ni Fe nang bigla niyang maalala kung sino ang babaeng 'yon. Bago pa man siya makakilos, she was roughly pushed to the ground.

The small mirror hit the floor and broke into a thousand fragments.

"WALANG-HIYA KANG BABAE KA! ANG LAKAS NG LOOB MONG LANDIIN ANG FIANCÉ KO!"

Bago pa man makatayo nang maayos si Fe, napasigaw na lang siya sa sakit nang sabunutan siya 'nong babae. Nagwawala na ito at halatang gusto siyang saktan. Mahinang napamura si Feralda at nakipagsabunutan rin dito. 'Akala ba niya aatras ako?!' "Bring it on, BITCH!"

"AAAH!" The Spanish woman let out frustrated scream as her back hit the wall.

Ramdam na ramdam ni Fe ang pagbaon ng matatalim nitong mga kuko sa anit niya. Sinipa niya ang binti nito at binalibag sa lupa.

"You're a fucking slut!"

Napapalibutan na sila ng mga tsismoso't tsismosa. Maging ang security guards ay nag-aalangang mag-awat sa kanila.

Galit na binalingan ni Feralda si Bernadette at sinigawan ito, "Pwede ba? 'Wag mo akong husgahan. Wala kang alam sa'kin! Hindi ka naman mahal ni Fred eh. Ni hindi ko nga alam kung bakit pa siya nagtiya-tiyaga sa'yo!"

Pagak na natawa si Bernadette Rivera at nanghihinang tumayo, "Ang kapal talaga ng mukha mo 'no? Mang-aagaw ka na nga, bungangera ka pa! Ang landi mo! Look, kung nangangati ka, humanap ka na lang ng ibang kakamot sa'yo, hindi 'yong naninira ka pa ng relasyon!" Puno ng galit at sakit ang mga mata niya.

Pero nagdidilim na talaga ang paningin ni Feralda.

"SHUT THE FUCK UP!"

Susugurin na sana ulit ni Feralda ang babaeng kinasusuklaman niya nang biglang humarang ang isang lalaki. Pinigilan siya ng matalim na tingin ni Fred, at mukhang nadismaya ito sa kung anumang ginawa niya. Napalunok si Feralda. Ngayon lang siya nakaramdam ng takot sa karelasyon.

"Wag mo siyang sasaktan!"

"F-Fred, siya ang---!"

"Stay away from her, Feralda." Malamig na sabi ni Fred habang tinutulungang tumayo nang maayos si Bernadette.

Sa mga salitang 'yon, halos madurog ang puso ni Feralda Castillo. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Fred. That, and his emotionless face was enough to set her on edge, "K-Kinakampihan mo pa 'yan...? Fred, ano bang nangyayari sa'yo?! A-Akala ko ba iiwan mo siya!"

Wala nang pakialam si Feralda kahit na pinagtitinginan na sila ng mga tao. Nang hindi umimik si Fred, si Bernadette ang sumagot, "Akala mo talaga pipiliin ka ng fiancé ko? Kung hindi ko pa nabasa ang paglalandian niyo sa text, hindi mo pa rin tatantanan si Fred, 'no? Nakakadiri ka."

'Siya 'yong nagtext kanina..' Mukhang nabunyag na nga ang lihim nila. Ang malala pa, siya lang ang sinisisi ni Bernadette.

Love is really a haze that can cloud anyone's judgement.

Kumulo ang dugo ni Feralda. 'Sino siya para husgahan ako?! Bakit hindi ang fiancé niya ang pagsabihan niya?' Naikuyom ni Fe ang kanyang mga kamao at akmang susugurin na sana ang babae nang hinarangan na naman siya ni Fred.

"Fe, tama na! Buntis si Bernadette! Hindi ko siya pwedeng iwan..."

That felt like an atomic bomb to her heart. Sandaling katahimikan ang namayani sa paligid. Bago pa man makalapit sa kanila ang mga gwardiya ng mall---

SLAP!

Isang malakas na sampal ang bumasag sa katahimikan, kasabay ng paglandas ng mga luha ni Feralda Castillo. Bumakat ang kanyang palad sa pisngi ni Fred. Oo, ganoon kalakas ang pagkakasampal niya sa gagong nagpaasa sa kanya. Mapait na ngumiti ang lalaki, "Fe, hindi ko sinasa---"

"Tapos mo na ba akong gaguhin?"

"....."

"Sana maging masaya kayo ng fiancé mo! Best wishes, bastard."

And with those words, Feralda ran away. Tinulak niya ang mga tsismosang nakaharang sa daanan niya at hinayaang dumaloy ang panibagong mga luha. Sumasakit lalo ang kanyang dibdib tuwing naaalala niya ang kanyang katangahan.

'Tangina, pwede bang tanggalin na lang ang puso ko?! I fucking hate heartbreaks,' she bitterly thought.

Dinala siya ng kanyang mga paa sa ladies restroom. Nasialisan ang ibang mga babae nang makita siya. Feralda glared at their retreating figures. Ilang sandali pa, biglang tumunog ang kanyang cellphone.

"Damn. Sino ba 'tong tumatawag?!" Galit niyang tinanggalan ng battery ang telepono at ibinulsa ang mga piyesa nito.

Huminga siya nang malalim at pumasok sa isang cubicle. Doon, ilang oras nagkulong si Feralda at humagulgol ng iyak.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon