Capitulum 21

2.5K 172 0
                                    

SHADOW headquarters, Eastwood
1:05 p.m.

"Bakit hindi mo na lang siya tawagan? Mas mabilis ninyong matatapos ang kaso kung magtutulungan kayo. Brian, the faster you solve this case, the less worries. I've never seen you so stressed before," sita sa kanya ng kanilang senior consultant. Olympia eyed Nova with those motherly eyes. Kahit pa dalawang dekada ang agwat ng mga edad nila, Briannova Carlos found a bestfriend in her.

Hindi inalis ni Nova ang kanyang mata sa screen. Her sharp eyes zoomed in and out like a digital camera. 'Hindi ako pwedeng magkamali ng pagkuha ng detalye. If we can't find out whether the killer is Cassio Salvador or not, hindi namin malulutas ang kaso,' she thought and absent-mindedly drank her cup of tea.

Napabuntong-hininga na lang si Olympia. "Brian?"

"Olympia, can't you see I'm working? Nire-review ko ang CCTV footage noong gabing minassacre ni Cassio ang pamilya Mercado." Her pink-manicured fingernails professionaly tapped across the keyboard.

Pero sa sinabi nito, lalo lang nag-alala ang nakatatandang babae. She spun Nova's chair around to face her. "I've known you for years, Brian. Something is bothering you."

Nag-iwas ng tingin si Nova, "Paano mo nasabi? Do not assume unless otherwise stated."

Umiling lang si Olympia, "'Di mo ako madadaan sa pagiging detective mo. Tell me, ano bang bumabagabag sa isang Detective Briannova Carlos? Huli kitang nakitang ganito noong..."

"'Wag na natin ungkatin ang nakaraan."

"Bumalik na naman ba ang nakaraan?"

Napasimangot si Nova at huminga nang malalim bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa. She can still feel Olympia's eyes boring holes on the back of her head. Nova knew her mentor may have excused her lack of response now, but knowing Olympia, she'll bug her about it later.

'Bakit ba kasi ginugulo ako ng sinabi ni Nico?'

Naalala na naman niya ang pag-uusap nila kanina. Noong ipinakita sa kanya ni Nico ang picture na kuha nito sa kanyang cellphone, halos matawa siya nang makitang footprint lang ito. Yes, it was just an ordinary footprint imprinted on the ground. No big deal. Pero nang magsalita na ang binata, unti-unting naunawaan ni Nova ang sitwasyon.

"This is just a footprint."

"Exactly."

"Ano naman ang kinalaman nito sa kaso?" Tanong noon ni Nova, "May party daw na naganap dito kagabi. Normal lang na magkaroon ng footprints ng mga bisita."

Nico smirked, "I found this footprint five feet away from the crime scene. Ang nakapagtataka pa, nag-iisa lang siya. Nanatili lang sa damuhan ang mga bisita kagabi. Kung mapapansin mo ang mga basura, naka-sentro lang sila sa lawn area. Ang ugali ng isang tao, itatapon na lang ang basura niya sa eksaktong lugar kung saan siya nanatili, especially during a party. Naroon lahat sa parteng 'yon ang mga basura, at halos wala rito sa kung saan nahukay ang ulo ni Mrs. Javier. Walang nagpuntang bisita sa parteng ito ng hardin. This footprint was found near the mud," itinuro ni Nico ang isang direksyon, malapit sa may bukana ng mansyon, "Whoever left this footprint went in that direction."

"So, sinasabi mong pumasok ng loob ng bahay si HK? Baka naman sa mga taga-ECU o sa mga pulis ang footprint na 'yan. Plus, that's impossible! Maraming bisita kagabi! Kahapon natin nahanap ang bangkay ni Mrs. Javier sa bahay niya, so the killer probably burried her head yesterday morning before we found her corpse and before the party started. Paano mangyayari 'yon? Paano naman makakapasok dito si HK kung high security ang gates ng San Andres mansyon?"

Lalong lumawak ang ngisi ni Nico. A mischievous glint in his eyes, "Exactly. Planado na ito ng HK bago pa man maganap ang party kagabi. Meaning, the Heartless Killer couldn't possibly be one of the guests last night. Kung ganoon, sino ang maglilibing ng ulo ni Mrs. Javier sa bakuran? Ayon sa HELP, naka-day off ang ibang tauhan ng mansyon kahapon. Which leaves us..."

Nova's eyes widened in horror. Kamuntikan na niyang mabitiwan ang smartphone ni Nico. "N-No. Imposible 'yan."

Sumeryoso lang ang ekspresyon ni Detective Nico Yukishito, "Nova, kung isa nga itong copycat crime at hindi si Cassio ang killer, posibleng ang isa sa mga nakatira sa mansyong ito ang Heartless Killer. One of them burried Mrs. Javier's head here, in their own garden."

"P-Pero ang sabi mo hindi tanga si HK para ibigay ang sarili niyang address! How the fudge could this be?"

"At sinabi ko rin na malamang ay gustong makipaglaro ni Heartless Killer sa mga pulis. He's toying with us, Nova! Alam niyang iisipin natin na hindi niya ibibigay ang address niya. He anticipates our every move."

Napayuko na lamang si Nova. Hindi na siya naka-imik nang nagpatuloy lang sa pagpapaliwanag si Nico.

"Right shoe, size 10.5. Iyan mismo ang average footsize ng American male adults. Sa US at Europe lang talamak ang mga half-sizes sa sapatos. With that info in mind, we can narrow down our suspects to one. Someone who just came back from abroad. Ang hinala mo kanina, kasama sa pulisya ang totoong HK, 'di ba?"

Lalong nagpantig ang mga tainga ni Nova sa mga sumunod niyang sinabi. The words of Detective Nico Yukishito felt like a bomb being dropped on her.

"This is why I hate attorneys."

Napapailing na lang si Nova. 'Imposible. Hindi magagawa ni Lelouch 'yon!' A part of her reasoned out. Matagal na niyang kilala ang abogado. Yes, he may look like an arrogant, heartless attorney but among all people, Special Agent Briannova Carlos knew he's a caring and compassionate man. Wala sa sariling napindot ni Nova ang "pause" sa video.

Kuha ito noong 2017, sa loob ng mansion ng pamilya Mercado noong gabing pinagpapatay sila ni Cassio Salavdor na kakatakas lang noon ng mental hospital. Sa dilim ng paligid, madali mong mapapansin ang magagarang kagamitan. A wealthy family heartlessly massacred.

Saktong nai-pause ni Nova ang video noong tumingin si Cassio Salvador sa direksyon ng CCTV camera---moments before the killings happened.

Those empty eyes haunted her.

Dumako ulit ang mga mata niya sa mga larawang kuha sa mga crime scenes. She compared the pictures. Open chests, a pool of blood, and missing hearts.

"Posible nga kayang isang copycat crime lang ang kasong ito at may gumagaya lang sa estilo ng pagpatay ni Cassio? Or is the psychopath devil himself behind all this madness?"

Both of the possibilities terrified her. Hindi nila alam kung sino ang kalaban, ano ang motibo, paano siya nakakapagtago ng ebidensiya sa awtoridad, at kung kailan na naman siya aatake.

'This is really a puzzling case,' the pink haired detective thought.

"Are you gonna take my advice now, Brian?" Hindi nakaligtas sa pandinig ni Nova ang pang-aasar at pag-aalala sa boses ni Olympia. Napabuntong-hininga na lang ulit ang dalaga at kinuha ang kanyang pink na cellphone.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon