Epilogus

3.7K 228 58
                                    

S U N D A Y

---

Night Raven's Park
9:15 a.m.

"Ate, boyfriend mo?"

Little Nirvana tugged at her elder sister's sleeves once again. Hawak-hawak nito ang kanyang vanilla ice cream cone habang sinisilip ang lalaking katabi ng kanyang Ate Nova. It was a fair day in the park, at hindi mo aakalaing nagkaroon ng serial killings last week.

On the other hand, Nova glared at her little sister. Kanina pa talaga siya nahihiya sa ikinikilos niya----'Gosh! Kailan pa ba ako natutong mahiya nang dahil sa lalaki?!' The pink-haired girl shook her head and smiled at Nirvana. "Hindi po. So stop bugging me if he's my boyfriend. He's just my partner."

Nirvana messily ate her ice cream. Nagpakurap-kurap siya sa kanyang ate. "'Di ba pareho lang rin 'yon? Ayieee! E 'di boyfriend mo nga siya ate! Dalaga ka na!"

Namula ang mga pisngi ni Nova sa pang-aasar ng kapatid. Bago pa man niya ito mapagsabihan, Nirvana ran towards Nico's side of the bench.

"Kuya chinito! May bubulong ako sa'yo!"

"Talaga? May kinalaman ba 'to sa ate mong nagmumukhang kamatis na naman?"

Tumawa ang bata, "Opo, Kuya chinito!"

Ngumiti naman nang mala-anghel si Nico at hinayaang bumulong sa kanya si Nirvana. The little girl whispered and giggled. Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Nova sa dalawa. Nakasimangot niyang kinain ang kanyang strawberry ice cream.

Nang matapos si Nirvana sa sinasabi kay Nico, she giggled and ran off to the playgrounds. Nang makaalis na si Nirvana, agad na kinurot ni Nova ang braso ni Nico.

"Aray! What was that for?! Tsk." Nico frowned at her.

"Anong sinabi sa'yo ni Nirvana? Naku! Pasaway talaga 'yang batang 'yan!"

Ngumisi si Nico at inilapit ang mukha kay Nova. Natameme ang dalaga at para bang nahihirapan siyang huminga. Her heart pounded wildly when Nico's dimples showed, a boyish smile that can make any girl swoon over the young detective. Nagtama ang kanilang mga mata, at pakiramdam ni Nova ay nabablangko ang utak niya.

Nico whispered, "Sabi niya sa'kin crush mo ako."

Halos magwala na ang puso ni Nova. Napalunok siya't nag-iwas ng tingin sa mayabang at nakakairita niyang partner, "H-Hindi totoo 'yan! Why would I have a crush on an air-headed emo like you? Gosh! Wala akong oras para sa ganyan."

"Stop being defensive, Ms. Carlos. Napaghahalataan ka eh."

"A-Anong defensive?! Damn you! Shut up, okay?! Wala akong crush sa'yo!"

Sa lakas ng boses ni Nova, napatingin sa kanila ang ibang tao. Detective Nico Yukishito chuckled at her behavior and winked, "Fine. You DON'T have a crush on me. Sabi mo eh." Pero halatang iba ang ipinahihiwatig ng tono nito.

Detective Briannova Carlos just sighed. "Salamat nga pala't sinamahan mo kami ni Nirvana. I never thought high-ranking emos like you have time for ice cream---at all! No offense."

Nagkibit ng balikat si Nico at tinitigan ang chocolate-flavored ice cream na hawak niya. He frowned. 'Why couldn't they make a black coffee flavored one? Mas matutuwa pa ako.'

"Well, the greatest detective of Eastwood also needs a break sometimes."

Tumango si Nova at pinagmasdan ang mga batang naglalaro. Naka-sling pa ang kanyang braso, pero mas mabuti naman na ang lagay nito kaysa kahapon. "Isang linggo ang tinagal ng Heartless Killer case. It's amazing how much can happen over a week's time."

Tumango si Nico, at tinitigan ang kamay niyang nakabenda pa rin. The gunshot wound he got from Neilson will take time to heal. Pero paniguradong mag-iiwan rin ito ng marka.

"Nakita nina Chief ang puso ni Gwendolyn sa passenger's seat ng sasakyan ni Cassio. It was well-preserved in a jar."

"That's a little less crazy. Umaasa ako ng mas creepy."

"May drawing ng smiley face ang jar na pinaglagyan niya ng puso ni Gwen. May nakita rin silang nakarolyong pera sa loob. May note sa loob ng jar na 'yon, ang bilin ni Cassio gamitin ang pera para mailibing siya sa tabi ng kanyang asawa."

"Err.. Okay, that is just plain crazy."

Ngumiti si Nico at ipinikit ang mga mata. He deserves some rest, too. "Sa tingin ko, biktima lang rin si Cassio. Nagawa niya lang naman 'yon dahil sa sobrang pagmamahal kay Gwen. He was a victim of his own passion. Slowly, it poisoned him and made him into a remarkable serial killer."

Tumango si Nova. "We can all be poisoned by passion sometimes."

Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan ng dalawang detectives. It was comfortable. Sino bang mag-aakalang magkakasundo pa sila? Well, not entirely, that is. They still have their constant arguments, but this time... Detective Nicodemus Yukishito and Detective Briannova Carlos learned to trust each other. They've learned to set aside their differences---kahit pa galing sila sa magkaiba at magkaribal na mga kompanya.

Nang dahil sa Heartless Killer case, nagtagpo ang mga landas nila.

Unti-unti, nagkakaroon na ng pundasyon ang samahan nilang dalawa. Ngumiti si Nova sa naiisip. "So, I guess that's a case closed. Sa tingin mo ba, pagsasamahin pa rin tayong dalawa sa isa na namang kaso?"

Nico smirked, his eyes still closed as he leaned on the bench.

"I have a feeling that our cases together have only just begun. This is just the beginning of our criminal adventures, Nova. Expect more of it, because the best mysteries have the worst twists."

Tumango si Nova. "This is just a temporary goodbye, then? Sige.. Umm.. See you next time?" Tumayo na si Nova. Kailangan na nilang umalis ni Nirvana. May family reunion pa silang dadaluhan mamaya.

Nico didn't even opened his eyes when he answered.

"See you next crime, partner."

Nova felt her heart flutter. Hindi na niya namalayan ang sumunod na nangyari. She bent down and kissed Nico's cheek. "See you next crime, partner." At naglakad na siya papalayo.

Ilang sandali pa, nagmulat ng mga mata si Nico. He touched his cheek and smiled.

"She's tea. I'm coffee."

'We have our differences, but I think that doesn't matter anymore.'

---END OF BOOK ONE---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon