Capitulum 28

2.1K 140 3
                                    

Sa ilang taon ng pagiging detective ni Nico, ang misteryo kung paano nakapasok agad ng gate si Nova ang mananatiling pala-isipan sa kanya. 'It seems like she knows him more personally than I thought she did,' isip-isip niya habang pinapanood ang pagsara sa gate 'nong katulong.

Walang-gana siyang humikab, "Bisaya, 41 years old, may dalawang anak, inaasar niya ang kasama ko sa amo niya, at kakatapos niya lang maglaba kanina nang dumating si Nova." Detective Nico Yukishito shrugged and pocketed his hands. Mukhang oras na para gamitin ang kanyang natatagong skills sa pag-aakyat bahay. Ngumisi siya sa naiisip. 'Kung akala mo maiisahan mo ako, attorney. Nagkakamali ka.'

Natigilan siya nang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya ang caller ID, lalo lang siyang nawalan ng gana nang makitang tumatawag na naman ang tiyuhin niya---ang CEO ng DEATH. Napapadalas yata ang pangungulit nito sa kanya.

"Damn Sherlock. How many times do I have to tell them that I don't take calls from anyone while I'm working on an important case?!"

At hinagis niya sa kung saan ang telepono niya. Kung saan lumagapak, hindi na niya alam. He can't afford any distractions.

Nico narrowed his eyes, rolled up his sleeves and glanced left and right. Nang masiguradong walang nagmamatyag sa kanya, mabilis na kinalkula ni Nico ang distansya ng isang trash can at ang taas ng pader. It was a 20-feet climb, like a fortress separating the San Adres mansion from the other houses. Huminga nang malalim ang binatang detective at may kinuha sa kanyang bulsa.

A pair of black gloves.

'But these aren't ordinary gloves, of course.'

Nico smirked and wore the gloves. May pinindot siyang maliit na button sa gilid ng mga gloves at mabilis na tumakbo papunta sa pader. Kumalampag ang trash can sa ilalim ng kanyang sapatos. He used the trash can to launch himself in the air, his dark locks gracefully swayed by the motion.

Nang maglapat ang mga palad niya sa pader, napangiti si Nico nang mabilis na kumapit doon ang gloves---or the "Spiderman gloves" as he likes to call them.

Yes, Nico is now climbing up the giant wall like Spiderman himself. Gamit ang specialized gloves na pinagmumulan ng libu-libong suction holes sa disenyo nito, nagawa niyang kumapit sa brick wall.

'Kung ganito lang sana ang gamit ng mga akyat-bahay, malamang dadami ang mga interesanteng kasong hinahawakan ko.'

Walang kahirap-hirap niyang narating ang taas ng pader at naupo sa security fench. He smirked, "Dalawang bagay lang naman ang mahal ko sa buhay: a steaming cup of coffee and awesome technology." He the slowly climbed down the other side of the wall, dahan-dahan at baka may makapansin sa kanya. Nang ilang talampakan na lang ang katawan niya sa lupa, he pushed himself off the surface and landed gracefully on the lawn.

Tinanggal niya ang Spiderman gloves at mabilis na ibinulsa ang mga ito.

Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. He can sense no one in the nearby vicinity. Ngumiti si Nico, "Well, this is easy." At pasipul-sipol pa siyang nagtungo sa backdoor ng mansyon. Pero bago pa man siya makapasok sa loob, isang tunog ang pumigil kay Nico.

It was hissing sound.

At nang lumingon siya, natukoy agad niya ang pinagmumulan ng tunog. That giant boa constrictor isn't too difficult to identify. Napalunok si Nico nang gumapang papalapit sa kanya ang malaking ahas. Mukhang napagdesisyunan na nito ang susunod niyang snack.

'Damn Sherlock!'

He tried to recall all the info he knows about these creatures, pero puro hindi magaganda ang impormasyong inilalabas ng kanyang mental storage cabinet! Mahinang napamura ang binata at bumuntong-hininga.

"Sino bang nagsabing madaling maging detective? Tsk!"

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon