Capitulum 55

1.9K 144 7
                                    

Ilang oras na silang nasa biyahe. Halos hindi na makahinga si Minnesota sa backseat ng sasakyan. Her heart stilled hammered inside her ribcage. Fear gripped her insides. Isang mapanganib na serial killer ang lalaking ito, at alam ito ni Minnesota. From what the detectives told her, the Heartless Killer literally rips out the hearts of his victims. Isang maling galaw, at maaaring siya na ang susunod na pag-lamayan.

Humigpit ang pagkakahawak ni Min sa kanyang cellphone. Gustuhin man niyang mag-text sa mga pulis, natatakot siyang baka mapansin ito ng serial killer. Hindi nakatulong na paminsan-minsan itong sumisilip sa backseat ng sasakyan. Nagpapasalamat na lang si Min na madilim ang paligid kaya hindi siya nito namumukhaan. Tahimik niyang ibinulsa ang telepono.

A chill went up her spine when the demon laughed.

"Sisiguraduhin kong hindi mahahanap ng detectives ang bangkay mo, Feralda. You've been cheating on your boyfriend, right? Bitches like you should die." Puno ng galit at panganib ang tono nito. Lalong kinabahan si Minnesota sa narinig. Mukhang matagal na nitong minamanmanan ang kaibigan niya.

'Soon, he'll realize I'm not Feralda.' At kapag nangyari 'yon, paniguradong papatayin siya nito. Huminga nang malalim si Minnesota at sinubukang pigilan ang kanyang mga luha. At least she saved her bestfriend, right? Mamatay man siya ngayong gabi, hindi masasayang ang kanyang sakripisyo.

'Sana kayanin ni mama kapag nawala na ako,' Minnesota Gervacio sadly thought. Lalong sumisikip ang kanyang dibdib tuwing naiisip niyang maiiwan niya ang ina. Sinubukan niyang isantabi muna 'yon. Bahala na. Mukhang wala na talagang kawala si Minnesota sa kanyang nalalapit na kamatayan.

Kamatayan.

But just then, an idea came to her mind. Tahimik niyang tinanggal ang kanyang kwintas at itinago ito sa loob ng kanyang palad. If she's going to die, might as well hope that someone would find her body.

"Nandito na tayo."

At naramdaman ni Minnesota ang paghinto ng sasakyan. Kinakabahan niyang pinakinggan ang kilos ng serial killer, at ilang sandali pa, binuksan na nito ang pinto ng backseat. Hinila siya nito sa mga paa, at nang masinagan ng ilaw ng isang kalapit na poste ang mukha ni Minnesota, napahinto ang Heartless Killer.

"Teka, hindi ikaw si Feralda...NASAAN SIYA?!"

Sumiklab ang galit sa maamong mukha ng serial killer. Halos makita na ni Min ang apoy ng impyerno sa mga mata nito. Nanginginig na sumagot si Minnesota, "H-Hindi kita hahayaang patayin ang kaibigan ko, you heartless bastard!" Sa isang iglap, pumulupot ang mga kamay ni Heartless Killer sa leeg ni Minnesota. Nararamdaman niyang kinakapos na siya ng hangin sa katawan.

Bago pa man siya kaladkarin sa isang bodega, mabilis na nilaglag ni Min ang kanyang kwintas sa gilid ng kalsada.

"Tingnan natin kung magtatapang-tapangan ka pa ngayon!"

She coughed, and tried to pry his hands off her, but he was too strong. Nanghihinang pinagmasdan ni Min ang mukha ng lalaki.

Napasin niya ang concealer nito sa isang bahagi ng mukha. It was faint, but Minnesota can see the wound on his cheek.

'Gumagamit siya ng make-up para itago ang sugat sa mukha.'

Minnesota heard about this. Narinig niya mismo mula sa mga detectives na posibleng mayroong kalmot sa katawan o sa mukha mismo ang serial killer na tinutugis nila. But with a simple trick, the Heartless Killer successfully avoided suspicion.

Tinulak siya nito sa loob ng lumang bodega. Napangiwi sa sakit ng katawan ang dalaga.

"Nasaan siya?"

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon